AMARYLLIS: CHAPTER 5

1798 Words
NAPANGITI ako nang naka-receive ng chat mula kay Tryke. Name pa lang ang naka-appear sa akin, pero sabi ni Rose ay kapag umabot kami ng one week ay makikita ko ang buong name na naka-register sa account niya. Kaya excited na akong matapos ang one week na iyon. Pang-two days pa lang kasi namin. “Hello, Mary, good morning! Sana masarap and mahimbing ang naging tulog mo kanina... Sana hindi na lamang chat ang mayroʼn sa atin, sana madagdagan ng call and video call. I'm excited to see you, Mary!” Umagang-umaga pinapakilig ni Tryke ang puso ko! Pinakalma ko ang aking sarili sa kanya. Kinompose ko ang aking sarili, ganito ba kapag may ka-chat na lalaki? “Hello, good morning din, Tryke! Naging masarap and mahimbing ang tulog ko! Sana ikaw rin! By the way, nasa work ka na ba? Mamaya na lamang tayo mag-chat, ha? Work well!” chat ko sa kanya at chinarge ang phone ko. Na-lowbattery iyon dahil sa magdamagan kaming magka-chat ni Tryke. Gusto na nga namin kunin ang facetagram ng isa't-isa pero bawal. Kapag nilalagay namin ang buong name namin ay hindi nagse-send. So, need talaga buuin ng 7 days ang aming chat sa isa't-isa. Sobrang arte ng dating app na ito! Hindi na ako mapakali dahil iyong nararamdaman ko ngayon ay sobrang kinikilig. Ganito ba ang nararamdaman nina Rose and Anais kapag nagcha-chat or nagte-text ang mga nilalandi nila? Sobrang ganda agad ng umaga ko dahil sa isang text lamang ni Tryke sa akin. Buong araw akong naghintay sa reply ni Tryke pero wala akong na-receive pabalik mula sa kanya. Mukhang busy siya talaga ngayon sa work niya. Wala nga akong magawa dahil ang isip ko ay na kay Tryke lamang. Kaya buong maghapon akong nakatingin sa television namin. “Mommy, tapos na po akong maghugas ng plato! Aakyat na po ako, ha? Manonood na po ako ng favorite kong Chinese Drama!” sabi ko kay Mama nang matapos kong hugasan ang mga pinggan. Ako kasi ang nakatokang maghugas ng mga pinagkainan namin kapag dinner. “Sige na, Amaryllis!” sabi ni Mommy sa akin. Nadanaanan ko si daddy and kuya Amir sa may living room, pareho silang nanonood ngayon doon. “Dad, akyat na po ako sa room ko! Kaya good night na po!” sabi ko kay daddy at napatingin ako kay kuya Amir. “Sa iyo rin po, kuya Amir!” dagdag na sabi ko sa kanya at hinalikan ko sila pareho sa kanilang pisngi. “Good night, baby!” nakangiting sabi ni daddy sa akin at tumango ako. Pa-akyat na sana ako nang marinig ko ang boses ni kuya Amir. “Naku, dad, manonood lang niya sa room niya!” Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan nang matalim si kuya Amir! “Che!” bulyaw ko sa kanya at umakyat na ako sa kʼwarto ko. Si kuya Amir talaga kahit kailan KJ! Nakapasok na ako sa kʼwarto ko, kinuha ko ang aking tablet at pumunta sa isang app kung saan ako nanonood ng mga Chinese Drama. Tinignan ko kung may update na ba ang series na pinapanood ko, about ito sa game series, iyong bidang lalaki rito ay isang pro online gamer and ang bidang babae naman ay isa ring pro online gamer. Maganda ang plot kaya nagustuhan ko. May apat na bagong episode sa series na pinapanood ko kaya binuksan ko iyon, pero bago iyon kinuha ko muna ang phone ko. Umilaw ang screen ng phone ko nang maitaas ko iyon, doon ay nakita ko ang name ni Tryke sa dating app na iyon. Nabuhay ang dugong nananalantay sa aking buong katawan. Napaupo ako sa gaming chair ko at binuksan ko ang dating app. “Hello, Mary, sorry kung ngayon lang, ha? Naging busy lang ako kanina sa office kaya hindi ako nakapag-reply sa iyo. By the way, kumain ka na ba ng dinner mo?” Napatili ako na walang boses dahil sa nabasa kong chat niya. Pinakalma ko ang aking sarili. “Kalma lang tayo, Amaryllis, okay?” kausap ko sa aking sarili at kinuha ko na ang phone ko, saka nag-type na muli. “Hello, Tryke, ayos lang! Hindi naman ako naghintay ng ilang oras para sa reply mo! Just kidding! Katatapos kong lang kumain kani-kanina lang, Tryke! How about you, kumain ka naʼng dinner mo? And, donʼt forget na magpahinga rin kapag may time, ha?” reply ko sa kanya at sinend ko iyon agad. Napatingin ako sa table ko, kanina pa nagpi-play ang pinapanood ko kaya pinause ko muna. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil kay Tryke na iyon. Isang chat lang niya sa akin ay nagkagulo na ang system ng katawan ko kahit araw pa lamang kami nagka-chat. “Actually, yes, kaka-eat ko lang dinner tonight! Iʼm sorry if naghintay ka ng reply ko. Iʼll promise starting tomorrow ay magre-reply ako sa mga chat mo! What are you doing today?” Nasa ko na naman sa chat niya. Kaya nagta-type na muli ako. “Hehe. Just kidding lang! Binibiro lang kita at baka maging sagabal ako sa work mo! By the way, anong work mo? Sa office ba?” Tryke: No, Iʼm serious, Mary! Don't worry hindi ka magiging sagabal sa work ko! Gusto ko rin na makilala ka nang lubusan! Kaya if may tanong ka, I will answer agad! What your doing today? “Wooh! Me too! Gusto ko rin kitang makilala, Tryke! Um, right now? Nanonood ako ng Chinese Series ngayon! Favorite series ko ito! By the way, how about you?” Tryke: Thatʼs good to hear, Mary! Me? Iʼm doing some paper works tonight! Need kailangan tapusin ngayon para tomorrow ma-present ko sa meeting namin! Namilog ang aking bibig dahil sa nabasa ko. “Hala! Nagiging sagabal ba ako sa iyo? Mamaya na lang tayo mag-chat kapag tapos ka na sa paper works mo! Baka pagalitan ka ng boss mo!” Tyreke: Donʼt worry, Mary! But, I hope na magkaroon na ng video call para makita at marinig ko na ang boses mo! Bigla akong kinilig dahil sa chat niyang iyon. “Me too, Tryke! Sana hindi ka madismaya sa face ko if makita mo ko.” Tryke: Iyon din sana ang sasabihin ko sa iyo. Sana hindi ka mailang sa face ko. Lalo naʼt mas matanda ako sa iyo ng 11 years. “Hehe! So, bagay pala tayong dalawa!” Akala ko iyon na ang huling chat namin sa isaʼt-isa, iyon pala ay naging sunod-sunod pa. Seven days na ang nakakalipas simula nang mag-chat kami ni Tryke. Ngayong araw ay makikita ko na ang full name niya and magkakaroon na rin ng panibagong feature na video call. Kaya excited na ako. Binigyan ko rin ng update ang mga pinsan ko and si Anais, na we're doing good na naka-chat ko sa dating app. Kinuha ko agad ang aking phone at binuksan ang dating app. Pumunta agad ako sa messages ko and nakita kong may iilan na nag-swipe right and nag-chat sa akin pero hindi ko pinapansin. Naka-focus lamang ako kay Tryke kaya dapat siya rin ay naka-focus sa akin. Nagningning ang mga mata ko nang makita ang full name ni Tryke, Tryke Natividad. Ang hot ng name niya. Hindi lamang iyon dahil nakita ko na ring may video call sa chat naming dalawa. Gusto kong pindutin pero ayoko naman ako ang unang mag-first move. Kailangan siya ang unang mag-request ng video call sa aming dalawa. Kaya hindi ko bibitawan ang phone ko ngayon. Lumipas ang ilang oras ay hindi ko talaga binitawan ang aking phone hanggang umilaw ito. Napatakbo ako pa-akyat sa aking room at ni-lock iyon. Nakita ko ang name ni Tryke na nagre-request for video call. Huminga akong malalim at inayos ang aking sarili. Kinuha ko ang lip tint ko at naglagay ng kaunti sa aking labi. “Ready na akong harapin siya!” sabi ko sa aking sarili at umupo sa gaming chair ko. Nilapag ko roon ang aking phone at sinagot na iyon. “H-hi!” Nauutal na sabi ko. Napalunok ako dahil madilim ang nasa screen niya at ako ay kitang-kita. “Um, T-Tryke? Are you there?” sunod na tanong ko sa kanya. Nakarinig ako nang pagkaubo sa kabilang linya. “Y-yes, I'm here! Nahihiya akong magpakita sa iyo!” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa boses niyang iyon. Sobrang husky ng voice niya. Lalaking-lalaki ang boses niya at nakaka-in love. “Why naman, Tryke? Ako rin naman nahihiya pero nagpakita ako sa screen! Itʼs unfair na ako lang nagpapakita!” sabi ko sa kanya at napanguso. Nakarinig ako nang pagtawa sa kabilang linya. “Sorry kung tumawa ako. Youʼre so cute, Amaryllis...” Nanlaki ang aking mga mata sa binanggit niyang name. “So, your real name is Amaryllis, Mary?” baritonong tanong niya sa akin. Napatingin ako sa screen at tumango. “Um, yes! Pero, masyadong mahaba ang Amaryllis kaya Mary ang nilagay ko! So, nakita mo na ang buong name ko, Tryke Natividad?” nakangising sabi ko sa kanya. Nakarinig na naman ako ng pagtawa mula sa kanya. “Yes, Miss Amaryllis Laure, my sugar baby?” Naitago ko tuloy ang mukha ko sa magkabilang palad ko dahil sa sinabi niya. “Aba! Willing ako! Willing ako maging sugar baby mo po, tandang Tryke!” hagikhik na sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya sa screen. “You willing to be my sugar baby? Pero, ang hanap ko ay wife, Amaryllis!” nakangising sabi niya sa akin. Napatawa ako sa kanya. “You're gwapo, tandang Tryke! Kaya bakit ka po nahihiya na magpakita?” sabi ko sa kanya at tinitigan siya. “Iniiba mo ang usapan, Amaryllis!” sabi niya sa akin. “Are you willing to be my wife?” tanong niya muli sa akin. Wife agad? Naghahanap lang naman ako ng CEO boyfriend at mukhang husband na nga ang makukuha ko. Ngumiti ako sa kanya. “Of course! Willing akong maging sugar baby and wife mo po, tandang Tryke! Oh, may peklat ka po sa right eye mo?” tanong ko sa kanya. Timago niya iyon gamit ang kanyang kamay. “Huwag niyo po itago, tandang Tryke! Sobrang hot po kaya! Kaya po ba nahihiya ka dahil dʼyan! Huwag mong itago!” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagngisi niya dahil sa sinabi ko. “If iyon ang gusto mo, Amaryllis...” nahihiyang sabi niya sa akin, kaya napangiti ako sa kanya. Napatawa na lamang ako sa kanya at iniba ang usapan namin. First time naming magkita pero ang gaan na agad ng pakiramdam namin sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD