ALAS-KʼWATRO nang makabalik ako sa bahay namin. Hinatid ako nina Rose and Anais, ako ang una nilang hinatid dahil si Anais ay magpapahatid sa office ni tito Alec, mukhang nandoon ngayon ang hinahabol niyang lalaki.
“Mom, nakabalik na po ako! Pasalubong po nina Rose and Anais sa inyo!” sabi ko kay mommy at nilapag sa coffee table namin ang cheese rolls from Mary Grace shop.
Favorite ni mommy iyon kaya iyon ang binili ng dalawa.
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni mommy. “Really? Pakisabi kina Rose and Anais, thank you!” nakangiting sabi ni mommy sa akin at tumango ako sa kanya.
“Sure po, mom! I-chat ko na lamang po sila sa group chat naming lima! Sige po akyat na po ako sa room ko!” saad ko sa kanya at lumakad pa-akyat sa second floor.
Pagkapasok ko sa room ko ay agad akong nagpalit ng damit. Nilagay ko ang damit na marumi ko sa basket laundry ko at sinuot na ang aking pambahay na damit. Nang makapagbihis ay kinuha ko na ang phone ko sa sling bag na dala ko kanina. Pumunta ako sa chat ni Rose kanina at clinick ko na iyong link na binigay ni Rose sa akin.
Dina-download ko na ang dating app na binigay ni Rose sa akin. Hinihintay ko na lamang na ma-complete ito para makapag-register na ako. Need daw ng register sabi niya. Nakahanda na rin ang ID ko. Medyo natatakot ako baka kasi bastos ang makuha ko rito. Pero, sana matino naman katulad ng friend and classmate ni Rose! Matitino ang mga nakuha!
Nakita kong na-install na ito sa phone ko kaya clinick ko agad iyon. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig at umupo sa may kama. Nag-register na ako. Sinulat ko ang aking name pero Mary ang nilagay ko imbis na Amaryllis, nickname ko naman iyon sa ibang friends ko. Masyado raw kasing mahaba kapag Amaryllis. Nilagay ko rin ang birthday ko and address pero hindi specific address ang nilagay ko. Sunod iyon ay pina-picture-an ang ID ko, akala ko nga ay uulit ako dahil binawasan ko ang name pero tinanggap naman. Sunod ay face recognition. Bongga dahil may pa-ganito rito!
Nang matapos ko iyon ay na-approve agad ako. Nag-log in na ako and nakita ko roon ang aking profile. Inayos ko iyon at nilagay ng profile picture ko, mas sexy mas better daw sabi ni Rose. Kaya ang nilagay kong picture ay iyong naka-croptop ako with blazer. Naglagay rin ako ng specific type of men ko. Sʼyempre ang una kong nilagay roon ay dapat CEO.
Iyon naman kasi ang pakay ko! CEO boyfriend na hindi ako lolokohin! Para laking sampal sa mga tita and mga pinsan ko!
Nang matapos kong ayusin ang profile ko ay may instructions na nag-appear sinundan ko iyon at may lumabas na mga lalaki sa screen ko. Heto na siguro iyong sinasabi ni Rose sa akin, na huwag ako puro swipe right.
Napangiwi na lamang ako nang maalala ko iyon. Kaya talaga tinitigan ko ang mga picture and description nila sa baba. Name lang nila nakalagay and walang surname roon. Panay swipe left ako dahil wala pa akong nakikitang maayos-ayos na lalaki. Puro kasi nakalagay ay 's*x only', 'looking for sugar baby', 'playmate sa bed' and ang isa pa roon ay iyong picture nila na mukhang matatanda na talaga.
Ayoko naman magaya sa mga pinsan ko na ang habol ay pera lang. Sabi nga nina Rose and Anais, looks and money is better! Kaya ayon ang hinahanap ko.
Napahinto ako sa pag-swipe left, nasa harap ko ang name na Tryke and nakalagay sa description niya ay looking for wife. Zinoom in ko iyong profile niya pero hindi ko masyadong maaninag except na may balbas siya. Naka-sumbrero kasi siya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Hindi ko alam pero kusang nag-swipe right ang aking kamay.
Pagkatapos kong makita ang profile ni Tryke and sunod-sunod na ang nakita kong matitino ang profile, kaya apat na swipe right ang nagawa ko today at iyong anim ay ni-reserve ko muna. 10 swipe right ang pʼwede and kapag wala kang naka-chat sa mga na-swipe right mo, one week pa ulit bago ka makahanap ng bago. Kaya need kong dumiskarte.
Nakatingin lang ako sa profile ko, hinihintay ko kung ano ang sunod na gagawin pero wala ng nag-appear. So, maghihintay na lamang ako kung sino ang magcha-chat sa kanilang apat?
Umabot ng thirty minutes ang paghihintay ko pero wala akong na-receive na message mula sa apat na na-swipe right ko
Napanguso na lamang ako at tumayo sa kama ko. Nilapag ko ang aking phone at chinarge na lamang iyon.
“Amaryllis, huwag tayo mawalan ng pag-asa! Mamaya magkakaroon din tayo ng chat mula sa apat na iyon! Kaya fighting!” sabi ko sa aking sarili at lumabas na muna ako sa room ko.
Babalik na lamang ako mamaya para tignan iyon!
KATATAPOS ko lamang kumain ng dinner, nauna na kami ni mommy kumain dahil late raw makauwi sina daddy and kuya Amir ngayong gabi. Nag-presinta akong maghugas ng plato pero kaya na raw ni mommy kaya wala akong nagawa kung ʼdi umakyat na lamang sa room ko.
Pagkapasok ko sa aking kʼwarto ay kinuha ko ang phone, tinanggal ko ang charger nuʼn. Nanlalaki ang mga mata ko nang may notification akong nakita sa screen, galing sa dating app na iyon.
Napangiti ako nang may makitang nagchat sa akin, iyong Tryke ang name! Iyong naghahanap ng mapapangasawa!
Binasa ko ang chat niya sa akin. “Hello, nakita kong interesado ka sa akin! I'm Tryke and you are?”
Napakagat ako sa aking ibabang labi. Hindi ko alam kung online pa ba siya. Wala naman kasing nakalagay sa message namin.
“Hello, I'm Mary! Um, nakita ko kasi ang description sa profile mo kanina! Na naghahanap ka raw ng wife? By the way, how old are you para maghanap naʼng wife?” Chat ko sa kanya at hinintay ang reply niya.
Sana online ka!
Napangiti na lamang ako at mahina ng tumili nang magreply agad siya sa akin. Meaning online siya!
Tryke
Nice to chat you, Mary! Iʼm sorry kung kanina lang ako nagreply. I have work to do... Ah, I'm 33 years old already. How about you, Mary?
Pinakalma ko ang aking sarili.
Tryke:
Really, 33 years old? Hindi pa naman matanda iyon para maghanap ng wife, ha? By the way, I'm 22 years old! 11 years ang agwat nating dalawa! By the way, totoong tao ka ba? And, walang sabit? I mean baka joke time lang iyong description mo, ha?
Nag-iingat lang ako at baka masaktan ako. O, baka may sumagod sa akin at paratangan na mang-aagaw ako!
Tryke:
Donʼt worry Iʼm legit! Pangalawa ka pa lamang na nakaka-chat ko rito. Nag-install ako nito dahil sinabi ng kapatid ko. How about you? Gumamit ka ba nito para makahanap ng boyfriend, or, sugar daddy? Mostly, ang nakikita ko sa profile ko ay lookin for sugar daddy.
Napanguso ako sa sinabi niya. Nag-iingat pala siya. “Hehe... Sorry, Tryke! First time kong gumamit nitong app and nakilala ko lang ito dahil sa cousin kong babae! Ano, wala akong boyfriend! I mean, no boyfriend since birth ako kaya naghahanap ako rito and may iba pang paliwanag about doon! And, same tayo ng nakikita puro looking for sugar baby naman ang sa akin. Mabuti na lamang ay nakita ko ang profile mo!” masaya akong nagta-type, hindi ko alam kung bakit.
Tryke:
Ah, that's the reason kaya ka gumamit ng dating app na ito! Iʼm looking forward na makilala ka, Mary? By the way, whatʼs your favorite food?
Napangiti ako nang makita ang chat niya muli sa akin. “Mine is Adobong baboy and sinigang baboy! How about you? And, favorite kulay mo? Mine is blue!” tanong ko pabalik sa kanya.
Tryke:
Same with Adobong baboy! Favorite... Blue also! How about favorite fruits?
Puro salitan na tanong na ang ginawa naming dalawa hanggang hindi ko namalayang nagiging malapit na ako kay Tryke.