AMARYLLIS: CHAPTER 3

1480 Words
“Kuya Amir, maraming salamat po sa paghatid sa akin dito! Thank you rin po sa 5k na binigay mo! Ingat po sa pagpunta sa office!” sabi ko sa kanya at nagba-bye na. Talagang hinatid ako ni kuya Amir dito sa Megamall. Nagchat si Anais na nandito na raw dahil hinatid siya ni tito Alec papunta rito. Si Rose naman ay nagda-drive na papunta rito. May kotse ang isang iyon at ang kotse na iyon ay bigay ni tito Adam sa kanya. Nag-iisang anak kasi si Rose and maagang namatay si tita Rosaline kaya lahat ng luho ni Rose ay binibigay ni tito Adam. Pumasok na ako sa loob ng Megamall, napag-usapan naming magkikita kami sa JCO store. Iyon kasi ang favorite na tambayan ni Rose, ililibre niya kasi kami. Lumakad na ako papunta roon kahit ang layo nuʼn sa binabaan sa akin ni kuya Amir. Nang makita ko ang store na iyon ay pumasok na ako, mabuti na lamang ay hindi gaano maraming tao ngayon. Umupo ako roon sa gilid na malapit sa may counter, nilapag ko roon ang aking sling bag at kinuha ang phone ko. “Hey, nandito na ako sa loob, Anais and Rose! Nasaan na kayo?” tanong ko sa group chat naming lima. Napatingin ako sa loob ng store habang hawak ko pa rin ang aking phone. Need ko bang bumili ng maiinom? Baka kasi palayasin ako rito. Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nakatingin sa paligid. Hindi pa naman maraming tao sa loob, maghihintay muna ako ng five minutes at kapag wala pa rin sila ay bibili na muna ako ng maiinom ko rito. Habang nakatingin sa paligid ay naramdaman kong umilaw ang aking phone. Tinignan ko iyon at nakita ang chat ni Anais sa akin. “Nandito na ako, Amaryllis!” chat niya sa group chat namin. Kaya napataas ang tingin ko sa pinto ng store, doon ay nakita ko si Anais na papasok na. Tumayo ako at kumaway sa kanya. “Here, Anais!” tawag ko sa kanya at lumapit siya sa pʼwesto namin. “Sorry, Amaryllis! Dumaan muna ako da Watson! Bumili ako ng bagong foundation ko, naubos na kasi iyong gamit ko!” sabi niya sa akin at nakita ko ang pagtingin niya sa counter. “What do you want, Amaryllis? Treat ko na para mamayang lunch natin ay si Rose ang bahala sa atin!” sabi niya sa akin. “And, baka mapaalis tayo kung hindi tayo bibili,” pagpapatuloy niyang sabi sa akin. Napatingin ako sa counter kung nasaʼn ang menu nila. “Um, Cappuccino Chip Frappe na lang sa akin, Anais!” sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Jpops baby donuts na lang iyong bibilhin ko sa food natin habang hinihintay natin si Rose,” sabi niya sa akin at tumango ako. Siya naman ang manlilibre. Habang nakapila sa counter si Anais, ako naman ay nakatingin sa pinto at baka biglang sumulpot na si Rose. Siya na nga ang unang tinawagan ko, siya pa ang huling umalis sa bahay nila. Kahit kailan talaga ang bagal niyang kumilos. Maya-maya lamang din ay nakabalik na rin si Anais, nilapag niya ang inorder namin at maging si Rose ay mayroʼn na rin, matcha frappe ang sa kanya. “Anong contact kay Rose? Nasaan na raw siya?” tanong ni Anais nang makablik siya sa table namin. Nagkibit-balikat ako sa kanya. “Walang chat,” tipid na sagot ko sa kanya. “Una ko siyang tinawagan kanina pero late pa rin pala siyang darating. Ka-chat niya raw iyong nilalandi niyang lalaki. Ewan ko ba roon sa isang iyon, naghahabol!” sabi ko sa kanya at uminom sa inorder ko. “Ah, si Cameron! Guitarist ang isang iyon at may banda! Tumututog iyon sa isang bar sa BGC, One Night Bar ang name! Nakilala lang namin nuʼng nagkayayaan kaming uminom sa BGC para humanap ng foreigner. Nakita ni Rose at ayon na-in love ang pinsan and kaibigan natin. Kaya kinukulit niya si Cameron. Hindi ko nga alam kung paano niya nakuha number nuʼng Cameron!” kʼwento niya sa akin. Alam ko ang tinutukoy niya. Kasama dapat ako nang araw na iyon pero mas pinili kong manood ng Chinese Drama kaysa makipagparty sa bar around BGC. “Oh, speak of the devil! Dumating ka na rin, Rose!” malakas na sabi ni Anais at tinuro ang bagong dating na kasama namin. “Sorry naman na traffic ako sa daan! Teka, sabi ko ako ang manlilibre, ʼdi ba?” bungad na sabi niya sa amin at umupo sa tabi ko. “Mamaya ka na sa lunch sa manlibre! Steak tayo this lunch kaya treat mo!” masayamg sabi ni Anais kaya napailing na lamang ako sa kanila. “Sure! Sure! Anyway, nandito na ang pinsan kong gusto ng magkaroon ng boyfriend!” nakangising sabi niya sa akin at timingin pa siya sa akin. Napailing na lamang ako sa kanyang ginagawa. “Enough nga, Rose!” saway ko sa kanya. “Sorry! Anyway, sure ka na ba na want mo talaga ng boyfriend, ha?” pagtatanong niya sa akin at tumango sa kanya. “Mukhang mas grabe ang sinabi ng mga tita mo sa iyo kaya desidido ka talagang magka-jowa!” saad niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Same lang naman pero may sinabi kasi akong sa susunod na magkikita kaming lahat ay isasama ko na ang CEO na boyfriend ko! Pero, paano ako makakapagdala, Rose and Anais? Wala akong kilala ni-isang lalaki except sa kay kuya Amir, pinsan ko and mga classmates ko nuʼng elementary, high school and college! And, worst pa roon ay wala sa kanila ang CEO!” sabi ko sa kanilang dalawa. Tinapik ako ni Rose sa aking balikat. “I know that feelings, cous! But, don't worry nandito kami para tulungan ka! Kaya heto ang dating app na sinasabi ko!” saad niya sa akin at may kinalikot siya sa kanyang phone. “Sinend ko na iyong link ng app, Amaryllis, I-download mo na lang later, okay?” sabi niya sa akin. “It's dating app, Amaryllis! And, mostly na nandʼyan ay naghahanap ng sugar baby! Hindi ko pa nagagamit ang dating app na iyan dahil nga may nilalandi pa akong lalaki. Iyong frenny ko ginamit na iyan, siya ang nagrecommend sa akin iyan, Amaryllis...” sabi niya sa akin. “Sino namang friend?” tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at napatingin kay Anais. “Anais, natatandaan mo pa ba si Bianca? Iyong sa Tourism department? Siya nagrecommend sa akin iyan!” sabi ni Rose at nakita ko ang pagtango ni Anais. “Ah, oo! May boyfriend na ba iyon? Hindi ko na kasi nakikita post niya sa facetagram account ko!” sabi ni Anais. “Oo, may sugar daddy siya at dʼyan sa app niya nakuha iyon! Nasa 40ʼs na iyong boyfriend niya and getting stronger!” sabi ni Rose sa amin. Nakikinig lamang ako sa kanilang dalawa. “Kaya for sure legit iyan, Amaryllis! And, hindi kita ipapahamak, cous! Kaya huwag kang mag-alala!” saad ni Rose sa akin. “Basta iyang sinend kong link sa iyo ay I-download mo, ha? Legit iyan and legit ding mga tao iyan dito sa Pinas. Donʼt worry, cous, dahil duda ako nang slight kay Bianca ay pina-try ko rin sa classmate ko iyan at siya na mismong nagsabi na legit na legit iyan dahil sinubukan na niya. Iyan din ang binigay ko sa kanya para makahanap ng boyfriend and sugar daddy, and viola, two years na sila ng sugar daddy niya! Hindi lamang iyon dahil supervisor iyon!” nakangiting sabi ni Rose sa akin. “Wow! Try mo na rin, Amaryllis, malay mo nandʼyan ang future mo! And baka makahanap ka rin ng CEO na boyfriend dʼyan,” sabi ni Anais sa akin. “For sure, cous, makakahanap ka ng CEO d'yan! And, tips lang, ha, cous, gandahan mo iyong picture mo dʼyan kapag nag-create ka na and huwag kang swipe right-swipe right agad once na mag-umpisa ka! Sabi ng friend kong nagamit niyan ay sampung beses ka lang pʼwedeng mag-swipe right and sa loob ng seven days ay need mong kausapin ang mga iyon at kapag wala kang naka-match ay roon lamang ulit pʼwede ka mag-swipe right, okay? Kaya busisihin mong mabuti ang mga profile ng makikita mo sa app!” paalala ni Rose sa ako. Tumango ako sa kanya sinabi. “Okay! Tatandaan ko ang sinabi mo!” saad ko sa kanya. Tinignan ko ang link na sinend niya sa akin thru group chat. Napalunok ako habang nakatingin sa may link. Wala naman mawawala kung susubukan ko, right? Ida-download ko ito pagkauwi ko mamaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD