AMARYLLIS: CHAPTER 2

1361 Words
NAKAUWI na kami sa bahay at kinausap ko rin sina mommy and daddy, humingi ako nang sorry sa kanila about sa nangyari sa kanila kanina. Sinabihan lang ako ni dad na hindi ko naman kasalanan kaya huwag ko lamang intindihin iyon. Nauna raw ang mga tita ko kaya gumanti lang ako sa sarili ko. Si mommy naman ay hinayaan lang din ako at sa susunod ay lalo ko pa raw silang inisin. See? Nabu-bwisit na rin si mommy sa kanila pero pinapakalma lang niya ang kanyang sarili. Sorry sila hindi na ako marunong kumalma! Nakaupo na ako ngayon sa gaming chair ko at nakaharap sa aking laptop. Nagchat ako sa groupchat naming lima, sina Rose, Anais, Hyacinth and Heather. Tatlo roon ay pinsan ko except kay Anais na kaibigan ni Rose na naging kaibigan na rin namin. Amaryllis: May tsismis ako sa inyo about sa nangyari kanina sa occasion sa side nila dad! Iyon ang chat ko sa group chat naming lima. Hinihintay ko na lamang sila mag-reply sa akin. Rose: Hey, what gossip do you have today? Are your aunts and uncles businesses bankrupt again, Amaryllis? Hyacinth: Ikaw na naman ba ang naging chitchat sa occasion niyo today, cous? Anais: Hey, what's the tea? Sunod-sunod na chat nina Rose, Hyacinth and Anais. Hinihintay ko nga rin mag-chat si Heather pero wala, mukhang busy ang isang iyon. Second year college pa lang kasi at busy ang gano'ng college year. Amaryllis: Ano pa ba bago? Pinagmamalaki nila ang mga pinsan kong babae na maraming ex-boyfriend pero mga bobo naman sa academics! But, hindi iyon ang tsismis ko sa inyo! Sinagot ko sila kanina at sinabi ang totoo na malalandi ang mga anak nila! Rose: Wow, Amaryllis! Anong sabi nila? Anais: Oopss! Totoo naman iyon! Nakita ko nu'ng isang araw iyong pinsan mong si Catherine sa Mall, may naka-akbay sa kanyang lalaki. Mukhang mas matanda sa kanya iyon, base sa looks nuʼng guy! And, take note, hindi gwapo ang guy and mukhang mayaman naman. Hyacinth: Money over looks. Iyon ang motto nila Anais. Rose: Yuck! Money over looks? Pʼwede namang money and looks! Hey, Amaryllis, kung ayaw mong maging pulutan sa tsismis sa family side ng dad mo, need mo ng magkaroon ng boyfriend! Pero, siyempre bibigyan kita ng gwapo and maperang lalaki! Huwag tayo roon sa mapera nga pero hindi naman gwapo! Amaryllis: Kaya nagchat ako rito para humingi ng help! Gusto kong isampal sa kanila na magkakaroon ako ng boyfriend na CEO! iyon ang sinabi ko kanina sa kanilang lahat. Rose: Sa akin ka nga need lumapit, Amaryllis! May nalaman akong dating app last month! Hindi ko pa nata-try kasi may nilalandi pa ako today, but, legit naman daw ayon sa reviews. And, donʼt worry, mga legit ang mga taong nasa dating app na iyon, Amaryllis, dahil need ng ID para magparegister ka sa app nila! Kung gusto mong mas malaman pa ang tungkol doon, magkita-kita na lang tayo sa Mall bukas! Para lalo kong ma-explain. Kahit huwag na kayong sumama, Hyacinth and ng kapatid mong si Heather, alam kong busy kayo sa schools niyo! Anais: Dating app? Pass ako dʼyan! May nilalandi akong matanda na pero gwapo! Si Amaryllis na lang pero sasama ako bukas! Amaryllis: Sure! Makikipagkita ako sa inyo bukas sa Mall. Magpapahatid na lamang ako kay kuya Amir! Rose: See you tomorrow! Inexit ko na ang group chat naming lima at pinatay ko na rin ang aking laptop. Inaantok na rin ako dahil sa nangyari kanina. Kaya need ko ng maghilamos para makatulog na rin dahil bukas ay magkikita pa kaming tatlo. Nang matapos akong maghilamos ay naglagay lamang ako sa aking mukha na serum at brinush ko ng 100x ang aking buhok, pagkatapos ay humiga na rin ako sa kanya at siyang pagkatulog na. Nagising ako nang mag-alarm ang aking clock sa may side table. Kinuha ko iyon at pinatay. Kusot ang mga mata kong bumangon sa higaan at dumiretso pumasok sa bathroom ko. Kailangan kong maligo at mag-asikaso na dahil may lakad ako ngayong araw. Naligo na ako pero hindi ko binilisan ang pagligo ko, knowing sina Rose and Anais ang kikitain ko ngayon? Paniguradong tulog pa ang dalawang iyon kaya after kong maligo ay tatawagan ko sila hanggang magising silang dalawa. Nang makaligo na ako ay lumabas na rin ako sa bathroom ko. Pumunta ako sa closet ko at namili ng susuotin. Napagdesisyonan kong mag-denim short na lamang and isang white halter top and light blue long sleeve. Nang maisuot ko na iyon ay kinuha ko ang aking phone at una kong tinawagan si Rose. Hinihintay kong sagutin ni Rose ang tawag ko habang nakaupo na ako ngayon dito sa gaming chair ko at nag-aayos ng mukha ko. Need kong magmake-up lalo na kapag kasama ko sina Rose and Anais dahil magmumukha akong tagabantay nilang dalawa. “Hey, A-amaryllis, ang aga mo namang tumawag!” Finally, narinig ko na rin ang boses niya. Mukhang kagigising lang talaga niya base sa boses niya ngayon. “Rose, alas-nuwebe na! ʼDi ba may plano tayong magkita today?” sabi ko sa kanya at nagkikilay na ako. “I know, cous! Pero, sobrang aga pa today! Anong oras na ako nakatulog kagabi dahil ka-chat ko iyong sugar daddy ko! Alam mo naman nilalandi ko para mahulog talaga lalo sa akin!” Napailing at napa-ikot na lamang ang aking mga mata sa sinabi niya. “Gross! Rose, makikisabay lang ako kay kuya Amir papunta sa Mall kaya maaga dapat tayo today!” sabi ko sa kanya. “Hoy anong gross pinagsasabi mo dʼyan! Gwapo iyong sugar daddy ko, ano! And, hindi lamang iyon dahil may isa pang lalaki na lumalandi sa akin! Siyempre nagpapakipot ako sa lalaki na nagpaparamdam sa akin kahit nagsend na iyon rito sa bahay ng isang branded bag!” proud na sabi niya sa akin. “Anyway, oo na, maliligo na ako kahit late na ako nakatulog kanina! Pasalamat ka mahal kita, cous! And, mamaya tuturuan din kita kung paano lumandi nang palihim sa dating app na iyon!” sabi niya sa akin. “Sure! Sure! Maligo ka na, Rose! Tatawagan ko pa si Anais! See you later!” sabi ko sa kanya at binaba ang tawag. Nang maibaba ko iyon ay sunod kong tinawagan si Anais, nakakailang ring pa lamang ay sinagot na rin naman niya agad. Kanina pa pala siya gising kaya binaba ko na rin ang tawag. Nang matapos akong maglagay ng liptint ay tumayo na rin ako sa gaming chair ko. Tinabi ko ang aking salamin na ginamit at kinuha ang sling bag na gagamitin ko today. Kulay white itong bag na gagamitin ko. Bumaba na ako sa living room namin at doon ay naabutan ko pa si kuya Amir and mommy. “Good morning po, mommy and kuya!” bati ko sa kanila at humalik sa pisngi ni mommy. “May lakad ka today, Amaryllis?” tanong ni mommy sa akin at tinignan ang buong ayos ko. Tumango ako sa kanya. “Opo, makikipagkita po ako kina Rose and Anais today sa Megamall, mommy!” nakangiting sabi ko kay mommy at napatingin ako sa kuya ko. “Kaya kuya Amir, pahatid po ako roon, ha?” malakas na sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin at bumalik sa pagkain niya. “Need mo ba ng money, Amaryllis?” tanong ni mommy sa akin pero umiling ako sa kanya. “No need na po, mommy! May pera pa naman po ako!” sabi ko sa kanya at kumain na rin ng breakfast. “Amaryllis, huwag mong intindihin ang mga sinabi ng tita mo sa iyo, ha? Huwag mong madalian na magkaroon ng boyfriend. Ayokong makitang masasaktan ka at iiyak dahil sa mga lalaki!” sabi ni mommy sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Donʼt worry po, mommy! Pipili ako nang matino na lalaki! Siyempre iyong CEO rin para isampal sa kanilang lahat!” natatawang sabi ko kay mommy kaya maging sina mommy and kuya Amir ay tumawa. Akala siguro nila nagbibiro ako. Iyon talaga ang ha-hunting-in ko sa dating app na sinasabi ni Rose sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD