"Bella, Bella! Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Manang Ditas. Nandito ako sa harden nag-iisip kong papaano ako makakaalis sa bahay ni kay Marco. Pero bakit ganoon sa tuwing iisipin ko pa lamang naaalis na ako ay parang may pumipiga sa puso ko. Inaamin ko na nahuhulog na ako kay Marco." "Bakit po Manang?" tanong ko. Nakita kong nagmamadaling lumapit sa akin ang matanda. "Tuwag si Marco. Pinasasabi niya na ilipat mo raw 'yung mga gamit mo sa kabilang silid, dahil paparating ang fiance niya. At sa kwartong tinutulugan mo roon natutulog si Miss Sandra." Nagulat ako sa aking nalaman. Parang pumiga sa aking puso. "F-fiance po ba kamo Manang?" tanong ko. "Oo, Bella. Mamaya ka na magtanong, ilipat muna ang mga gamit mo sa kabilang kwarto dahil paparating na si Miss Sandra." Utos ni Mana