"Sa tingin mo makakatakas ka sa akin, Bella?" dinig kong sigaw ni Marco. Bakit ba parang ang layo-layo ng gate, kailangan kung makatakas sa lalaki. Baka kong ano ang gawin niya sa akin. Nagulat na lang ako ng may humiklas sa baywang ko. Kaya kinabahan ako nang makita ko ang galit sa mukha ni Marco. "Gusto ko na pong umuwi Sir Marco, maawa na po kayo sa akin." Umiiyak na pakiusap ko sa lalaki. Mariin akong hinawakan sa panga at pinaharap sa kanyang mukha. "Tskkk~ Sa tingin mo hahayaan kita na makaalis dito sa pamamahay ko? Alam mo ba kong ano ang pinakaayaw ko? Ito ang itatak mo diyan sa kukuti mo babae. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang babaeng malandi!" Galit na wika ni Marco. "Wala naman po akong ginagawang masama Sir Marco. "Paano mo nasabi na wala kang ginawa ha?" Tanong niya