bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

book_age18+
114.1K
FOLLOW
539.8K
READ
family
dominant
goodgirl
mafia
drama
comedy
mxb
city
first love
virgin
like
intro-logo
Blurb

[Mature Content](R-18)SPG

Bella Santos. Namulat sa kahirapanp ng buhay. Kaya gagawin niya ang lahat makatulong lamang sa kanyang ina at dalawang kapatid.

Nang malaman niyang naghahanap ng kasambahay ang pinakamayamang tao sa lugar nila ay hindi siya nagdalawang-isip na sunggaban ito.

Akala niya'y magiging maayos na ang buhay nila lalo at malaki rin ang magiging sweldo niya sa mansiyon ni Mr. Clayton.

Ngunit maling akala pala sapagkat simula nang tumuntong siya sa teritoryo nito ay iyon na pala ang malaking pagbabago sa kanyang buhay.

Makakaya ba niyang manatili sa bahay ni Marco Clayton na puno ng karahasan? O magtago na lamang habang buhay kaysa sikmurain ang pang-aapi nito?

Midnight Lover.

chap-preview
Free preview
MIDNIGHT LOVE 1
BY: SRRedilla MIDNIGHT LOVER_MAFIA LORD_SERIES 1 "Bella, gumising ka na kailangan na nating pumunta sa bahay ni Mrs. Lee. Dapat na matuyo agad ang mga pinalalabhan niyang damit sa akin sapagkat susuotin niya iyon bukas." "Sige po Nay, susunod na lamang po ako, saka maliligo po muna ako," tugon ko sa aking Mahal na ina. "Sige, saka kumain ka muna bago ka umalis, ha," bilin ng inay ko sa aking. "Opo," sagot ko. Nagpunta ako sa banyo upang maligo. Ako ang panganay at tatlo kaming magkakapatid, iyong dalawa kong kapatid ay nag-aaral ng Grade six at high school. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, dahil sa kahirapan sa buhay. Pero nagpapasalamat ako sa mga magulang ko, dahil kahit high school ay pinag-aral pa rin nila ako. Naiintindihan ko naman kung hindi na nila ako kayang tustusan ang aking pag-aaralin sa colloge. Ang pinaka matinding dagok sa aming pamilya noon ay nang maagang mawala sa aming ang mahal kong Ama. Labing-lima taong gulang ako noon ng mamatay si Itay. Halos gumuho ang mundo namin ng mga panahong iyon. Tila naputulang kami ng isang pakpak. Pero kailangan namin tanggapin iyon. Kaysa naman lalong maghirap si Itay sa kanyang sakit na Canser. Halos hindi naman manin nadadala ito sa Hospital. Sapagkat wala kaming sapat na pera noon. Napabuntonghininga ako nang maalala ko iyon. Kaya kahit ano'ng trabaho ay gagawin ko mapagtapos ko lamang ang mga kapatid ko. "s**t!" malakas kong sambit. Sabay buhos ng tubig sa aking buong katawan. Baka kasi naghihintay na si Inay sa akin. Kung ano-ano pa kasi ang pumapasok sa aking utak kaya natatagalan ako. Pagkatapos maligo ay agad akong nagbihis, halos liparin ko ang bahay ni Mrs Lee. Upang makarating lamang. Naabutan ko si inay na naglalaba pa rin. Mabuti na lang wala akong pasok ngayon sa factory. Sa isang pagawaan ng mga plastic ako nagtatrabaho. Mababa lang ang pasahod lalo at probinsya ito. Pero malaking tulong na rin sa amin iyon. Kaysa naman wala akong trabaho. "Nay, ako na lang po ang magsasampay ng damit magpahinga na po kayo." wika ko. "Naku! Napakabait at matulungin talaga itong anak mo, Lita. Ang suwerte mo sa kanya," papuri sa akin ni Mrs.Lee Tumingin pa sa akin si Mrs. Lee. "Napakagandang bata parang hindi rito nakatira sa probinsya dahil ang puti-puti sabagay maputi rin ang nawala mong asawa." wika ni Mrs Less. Nakita kong marahang tumango lang si Inay kay Mrs. Lee. "Ito pala ang bayad ko sa 'yo sapaglalaba mo ng mga damit ko," wika ni Mrs Lee. Sabay abot ng pera kay inay. "Maraming salamat po Mrs Lee," magalang na wika ng inay ko. "Naku! Ano ka ba?" wika ng babae. Bumalik uli ang tingin ni Mrs Lee sagawi ko. "Sana ay huwag ka munang mag-aasawa Bella. Saka ilang taon ka na Bell?" tanong ni Mrs. "Twenty two years old na po! Magaling na sagot ko. Lahat ng mga kaedaran mong mga babae rito ay may mga asawa na. Kaya hanga ako sa 'yo Bella," saad ni Mrs. Lee. Ngumiti lang ako rito. Nagpaalam din kami kay Mrs Lee. Dahil dadaan pa kami sa palengke upang bumili ng bigas at ulam. "May pasok ka ba mamaya, Bella?" tanong ng inay ko. "Opo inay! Kaso ala-una pa ng hapon magbubukas ang factory dahil po naglilinis pa sa loob ng factory," wika ko rito. Naglalakad kami ni Inay pauwi ng bahay dahil malapit lang naman ang bahay namin. Nakita namin ang mga paparating na mga mamahaling mga sasakyan. Kilalang-kilala ng mga tao kung kanino ang sasakyan na dadaan sa harapan namin. Si Mr. Clayton. Ang pinakamayan sa lugar na ito. Sa aking pagkakaalam kanya rin ang Baryo Clayton. Halos kanya lahat ang mga building na naglalakihan sa bayang ito. Sabi nila Isang matapang na tao si Mr Clayton. Pero sa edad kong ito hindi ko man lang nasisilayan ang pagmumukha ni Mr Clayton. Pero 'yung mga kababaehan dito ay kinikilig sa tuwing nababangit ang pangalan ni Mr. Clayton. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa munti naming bahay. Agad akong nagluto nang makakakain na rin kami at makapagpahinga. Lalo at may pasok pa ako. Ala-una ng hapon. Nagmamadali ako sa aking paglalakd lalo na at late na ako. Nakatulog kasi kaya hindi ko namalayan ang oras. Biglang kumunot ang aking noo nang makita kong malungkot ang mukha ng mga katrabaho ko. "Ano'ng nangyayari sa inyo? At para kayong nalugi ng isang milyon. "Talagang malulugi tayo Bella. Dahil magtatangal ng mga tauhan sina Mrs Tan. Dahil usap-usapan na nalulugi na itong factory. Baka nga raw ibenta na rin ito," malungkot na wika ng mga kasamahan ko sa trabaho. "K-kailan ba nila balak magtangal ng mga tao?" tanong ko. "Ngayon ang balak nila at itinaon sa ultimong sahod natin," saad ulit ng katrabaho ko. Parang biglang nang lambot ang aking mga tuhod sa aking nalaman. Papaano na kami ng pamilya ko? Ang hirap pa naman ngayon na makahanap ng maayos na trabaho. Lalo na sa isang katulad kung high school lamang ang natapos. Malungkot akong napabuntong hininga. Dala ko ang bigat sa aking dibdib habang nagtatrabaho. Pauwi na ako ng bahay pero parang pasan ko ang mundo sa lungkot na nakalarawan sa aking mukha ko. Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito. Ang trabaho kong ito lamang ang puwede namin asahan ng pamilya ko pero nawala pa na parang bula. "Oohh! Anak! ano'ng nangyari diyan sa mukha mo? At para kang na lugi?" tanong ni Inay. "Kasi po Inay," napasama ako sa natanggal sa factory!" mahina kung wika rito. "Sos! Itong batang ito, huwag ka ng malungkot Bella dahil makakahanap ka pa rin ng trabaho. At may awa sa atin ang Diyos, alam kong hindi tayo pababayaan niya kaya huwag kang mag-alala Bella," mahabang litanya ng inay ko. Napangiti na lang ako sa Inay ko. Ang bait-bait talaga ni Inay. Sobrang swerte ko dahil siya ang naging Ina ko. "Huwag ka nang malungkot anak ko, kasi papangit ka niyan, sige na magbihis ka na sa kuwarto mo at mag meryenda na tayo nagluto ako nang ginataang saging." Bago ako umalis sa harap ng Nanay ko ay ibinigay ko muna ang huling sinahod ko kumuha lang ako ng isang libo upang gamitin sa pag-aaply ng trabaho at sanay makahanap agad ako ng trabaho. Palabas na ako ng bahay. Nakita ko ang bulto ng kaibigan ko. "Bella, Bella" tawag sa akin ng kaibigan ko. Tumingin ako rito at ngumiti. Magkakababata kami ni Ema. Ito talaga ang bestfriend kong matatawag. "Balita ko natanggal ka raw sa trabaho?" tanong nito. "Sa kasamaang palad" ang hirap pa naman ngayon makahanap ng trabaho," malungkot kong wika. "Ayos lang iyan Bella, maghahanap tayo ng trabaho mo ngayon araw. Pero samahan mo muna akong mag aaply ng trabaho riyan sa mansiyon ni Mr Clayton." Kinikilig na wika nito. Hindi na ako makatangi nang hilahin na ako ni Ema patungo sa bahay ni Mr Clayton. "Bakit may dala kang resume?" tanong ko. "Kailangan kasi itong resume dahil ito ang hinihingi kapag mag apply ng trabaho sa bahay ni Mr. Clayton. Masisilayan ko na nang lubusan ang taglay na karisma ni Mr. Clayton," saad ni Ema. Ngumiti lang ako rito. Wala kasi akong maisip na sasabihin dahil hindi ko pa nasisilayan ang mukha ng lalaki. Tumingin ako sa malaking bahay na natatanaw ko na. Nang makarating kami sa gate ay agad na nag door bell si Ema. Hindi naglaon ay bumukas ang gate at bumungad samin ang bulto ng isang lalaki. Kung 'di ako nagkakamali siya ang guard sa bahay na ito. "Anong kailagan ninyo mga binibini?" tanong ng guard sa amin. "Hi kuya mag apply sana ako ng trabaho sa katunayan may dala na nga resume kuya." wika ng kaibigan ko. "Ito bang kasama mo ay mag apply din ba?" tanong ng guard. "Naku! Hindi po Manong nagpasama lang po ako sa kanya papunta rito." wika ni Ema. "Sige pumasok na kayo, tama lang ang dating ninyo dahil hindi pa nakakaalis si Lord." Pumasok nga kami sa loob ng bahay. May sumalubong sa amin na isang matandang babae. "Mag apply ba kayong dawala ng kasambahay?" tanong ng matanda. "Ako lang po ang mag apply Manang, nagpasama lang po ako sa bestfriend ko papunta rito." "Sige umupo ka muna rito. At sasamahan ko itong kaibigan mo papunta kay Lord. Dahil siya ang mag-iinterview dito sa kaibigan mo." wika sa akin ni Manang. Agad na umalis sa harap ko si Manang at Ema. Hindi naman nagtagal sa loob ng silid ang kaibigan ko. Nakita kong papalapit sa pwesto ko si Ema. "Ang bilis naman ng interview mo?" tanong ko rito. "Shittyyyy! Bestfriend ang guwapo ni Mr Marco, Jusko! Mabuti na lang masikip ang panty kong suot," kinikilig na usal ni Ema. "Natanggap ka ba?" tanong ko na lang dito?" "Oo. Kaso matatanggap lang daw ako nang tuluyan sa trabaho kung may irerecomenda pa akong isa na puwedeng pumasok na kasambahay rito sa bahay ni Mr. Clayton." mahabang litanya ni Ema. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Teka, 'di ba wala kang trabaho?" tanong nito. "Oo, bakit?" tanong ko rito. "Ikaw na lang ang mag-apply, bestfriend. Malaki naman ang pasahod ni Mr. Clayton," usal nito. "Wowww! Talaga magkano?" tanong ko rito. "Ten thounsand ang start. Kapag nagustuhan ang trabaho mo puwede pangtumaas ang sahod. Ano, payag ka na ba? Habang nandito pa tayo." Pangungulit sa akin ni Ema. "Wala pa akong resume," wika ko. "Saglit lang at babalik ulit ako sa loob at itatanong ko kung pwedeng na walang dalang resume," wika ni Ema at nagmamadali naman umalis sa aking harapan. Hindi naman nagtagal sa loob si Ema at nakita kong nagmamadali itong lumapit sagawi ko. "Okay na Bella. Pumasok ka na raw sa loob at gusto kang makausap ni Lord Marco," wika nito. Pero nakikita ko ang kilig sa mukha ni Ema. Bigla akong kinabahan. Paano pala kung masungit si Marco. Diyos ka po, sana'y gabayan ninyo po ako. ______MIDNIGT LOVER____

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
316.5K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
350.5K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
275.9K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
321.5K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
327.0K
bc

YOU'RE MINE

read
902.2K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook