Isang linggo na kami rito sa laguna nag darasal ako na sana'y walang Marco ang naghahanap sa akin iniisip ko rin malabong magtagpo pa kaming muli dahil mayroon na siyang, Sandra, na ang pag kakaalam ko'y malapit nang magpakasal ang dalawa. ''Ang kailangan kong gawin ngayon maghanap ng trabaho lalo na at magpapasukan ang dalawa kong kapatid. "Bella, Bella..nandiyan ka ba sa loob ng bahay ninyo? Mga katok sa pinto ang naririnig ko. At si Manang Lori ang kumakatok, siya kasi yung nilapitan namin noong unang dumating kami rito. "Bakit, po?" tanong ko rito. "Gusto ka raw kausapin ni Ditas," sabi ni Manang Lori at ibinigay sa aking ang cellphone. "Sige po maraming salamat po, dadalhin ko na lang po itong cellphone ninyo kapag natapos na kaming mag-usap ni Manang Ditas," wika ko. Tumango an