"Manang Ditas, puwede po ba akong dumalaw sa nanay ko at mga kapatid ko. Isang buwan na po ako rito. Gusto ko lang kamustahin ang pamilya ko. Ibibigay ko rin ang unang sahod ko." Wika ko. Tama lang ngayon ako umuwi sa bahay dahil wala dito sa bahay si Lord Marco. Kaya pagkakataon ko nang dalawin ang pamilya ko. "Siguraduhin mo lang na babalik ka, hija." Paalala ni Manang. "Opo, babalik po ako." Sagot ko. "Puwede po ba na doon ako matulog ngayon gabi at bukas ng umaga ang balik ko rito." "Sige Bella. basta't bumalik ka agad bukas." Bilin ng matanda. "Sobra akong natuwa. Kaya nagmadali kong tinapos ang mga gawain ko. Upang makauwi nang maaga sa pamilya ko. Namimis ko na sila nang labis. "Inay, Inay, Inay!" pagtawag ko sa labas pa lamang ng bahay. At nakita ko agad ang dalawa kong kapa