Chapter 7
MATULIN na dumaan ang isang linggo at wala na namang Johann ang nagpakita at nagparamdam sa'kin. Tinotoo ni Tyler ang sinabi n'yang susunduin niya ako mula sa University. Though, palagi ko ring ipinapaalala sa kanya na okay lang na huwag na n'yang gawin pero mapilit siya kaya hinayaan ko na lang.
Tuwing napapadaan kami sa construction ay palagi akong nakatanaw at nababakasakali na makikita ko man lang si Johann. Wala siyang text o tawag sa'kin. Nagi-guilty ako, pero nag aatubili akong kausapin o kahit itext siya.
Kaya lang..gusto ko siyang makita!
Nakatambay ako sa labas ng bahay namin, nakaupo sa pasimano habang nagrereview ng notes ko. May long quiz kasi kami bukas. Habang nagbabasa ay nakita ko si Nitoy papadaan sa'amin. Dali-dali akong tumayo at hinabol siya. “Nitoy!”
Huminto siya at nilingon ako. Nginitian niya ako nang makilala. Napansin ko ang dala n'yang plastic na parang may lamang kanin at ulam.
“O, Aaliyah kaw pala 'yan. Sorry hindi kita napansin, ano'ng atin? Kamusta?”
Nag-aatubili na naman ako sa itatanong ko. Wala naman sigurong masama dahil gusto ko lang mangamusta. “Itatanong ko lang kung..pumasok ba si..Johann?” Mahinang pagkakatanong ko na parang nahihiya pero batid alam kong narinig niya ako.
“Naku si Bossing? Ayun, nakakulong sa bahay niya. May sakit e! tsk tsk.” Umiling-iling pang sagot niya.
Sumibol na kaba sa dibdib ko. “May sakit siya? Ano'ng sakit niya?!”
“Ayun, inaapoy ng lagnat! Wala kasing pahinga, ilang araw na. Lahat ng trabaho sa site pinakaelaman niya. Hindi naman siya si Iron man kaya ayun, siningil ng katawan. Sinasaway ko nga, kaso lutang.”
Humakbang pa ako ng isa papalapit sa kanya. Nag-alala ako. “Dinala niyo ba sa doctor? Nagpa-check up na ba siya?”
Napakamot siya sa kanyang ulo. “Naku ayaw! Okay lang daw siya at kaya pa daw niya. Hindi ko nga alam kung ano'ng ginagawa n'on sa bahay niya e, mag-isa lang 'yon. E'to nga, susubukin kong dalawin baka ni hindi iyon makagawa ng sariling pagkain.”
“Sasama ako!” Walang patumpik-tumpik na sabi ko. Medyo kumibot ang mga kilay niya parang hindi sigurado sa sinabi ko. Pero desidido ako. Maaga pa naman at 'di pa ganoong kalalim ang gabi. Oras pa lang ng hapunan kaya pwede pa akong magpaalam kay Lola.
“E, ikaw ang bahala. Pero..”
“Saan ba siya nakatira?”
Lumingon siya sa kalsadang tatahakin niya. “Mga dalawang kanto pa mula rito. Umuupa iyon kay Mrs. Cheng.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Alam ko kahit hindi ako layas na babae ay pahapyaw at kilala ko naman ilang tao dito sa'min. Lalo na yung tinatawag nilang si Mrs. Cheng. Mayamang chinese iyon na maraming negosyo kasama na ang ilang paupahan na bahay. Nakita ko na ilang paupahan dahil meron din iyon dito sa area namin. At nasisiguro kong mahal ang mga pinapaupahan n'on.
Sumama ako kay Nitoy para dalawin si Johann sa bahay niya. Ito ang unang beses na mapupuntahan ko siya kaya wala akong ideya na doon pala siya maaaring tumutuloy. “O, ayun ang bahay ni Bossing!”
Sinundan ko ng tingin ang tinuro n'yang bahay. Bungalow style iyon na may puti, lavender na kulay na pintura sa labas ng bahay at may aircon pa! Knowing na construction worker siya, hindi ko alam kung anong klaseng budget ang ginagawa para sa cost of living niya o baka may ibang raket siya sa buhay afford niya ito?
Lumapit pa kami sa pinto. Akala ko'y kakatok si Nitoy pero nagulat ako ng tuloy-tuloy n'yang binuksan ang pinto at pumasok. Sumilip muna ako sa loob. “Tara, tuloy ka, Aaliyah..”
Inanyayahan niya ako kaya pumasok na ako sa loob. Wala sa sala si Johann. May nakita akong pinto na sa tingin ko ay kwarto. Kumalabog ang dibdib. Ang maisip kong makikita ko siya ay nagpapabilis ng t***k ng puso ko at kumikiliti sa tiyan ko. Para na kong hindi mapakali. Uupo ba ko o tatayo? Malinis naman ang bahay niya, maaliwalas pa. At kung tutuusin halos kumpleto ang mga kasangkapan dito. Magmula sa muwebles hanggang sa mga appliances. Mula sa sala, ay kita ang kusina. May microwave oven at coffee maker pa akong natatanaw. Aware akong may kamahalan ang mga iyon. Napanguso ako sa pagtatagpi-tagpi ng mga naiisip ko kay Johann.
“Teka, tingnan ko si Bossing kung gising pa.” Nilapag ni Nitoy sa mesa ang dala n'yang plastic.
“Ah, ako na magsasalin ha, Nitoy,” Prisinta ko para hindi naman masyadong awkward ang atmosphere.
“Ok lang sige, bahala ka.” Tugon niya.
Lumapit ako sa mesa at sinilip ang laman para alam ko kung ilang lalagyan ang kukunin ko.
“Uy, bossing kamusta na pakiramdam mo? Kaya mo pa ba?” Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang akala ko ay pumasok si Nitoy pero ang boses niya tila wala sa loob.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Bumilis pa ang t***k ng puso ko at ayan na naman ang kiliti sa tiyan ko. Lilingon ba ko o ipagpapatuloy ang ginagawa na parang normal lang. The last time I checked, Hindi maganda ang huling kita namin. Nag-aalala ako na baka hindi niya ako pansinin o galit siya sa'kin. Literal na pinalayas ko siya sa bahay e.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Nitoy. “Oo nga pala kasama ko si Aaliyah. Nalaman n'yang may sakit ka, kaya sumama siya sa'kin papunta dito. Hindi ko siya pinilit ah! kusa siyang sumama hehe..”
Bumuntong hininga muna ako bago lumingon sa kanya. Pero nanlaki ang mga mata ko ng una kong napansin sa kanya ang nagbabadya n'yang katawan. Hubad baro siya! Awang ang labi ko nang bumaba ang paningin ko sa katawan niya. Ang namumukol n'yang abs, ang kulay gray n'yang pajama na may puting guhit sa magkabilang gilid, walang suot na tsinelas. Alam kong maganda ang hubog ng katawan niya mas maganda pala pag kitang-kita mo talaga yung malapad n'yang balikat at firmed muscle. 'Yan ba ang kapalit ng pagbubuhat ng sako-sakong semento?
Umakyat ang mata ko sa mukha niya. Saka lang ko natauhan at parang nahiya pa ako dahil kitang-kita ang pagpasada ko sa katawan niya. Mukha nga siyang may sakit. Maputla siya at mahina pa. Magulo ang buhok halatang galing sa paghiga.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero tinitigan niya pa rin ako. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako pero inaasahan ko na ito, ang tingin niya sa'king malamig at walang buhay 'di tulad n'ung isang linggo na nagniningning habang kumakanta siya.
Tipid akong ngumiti. Lumapit ako sa kanya. Sinusundan niya ako ng tingin. “S-Sabi ni Nitoy may sakit ka raw? Kaya siguro hindi ka nagpaparamdam. Hmm..hinahanap ka rin sa'kin nina Lola at Adrian. Kamusta na ang pakiramdam mo?” Kalmado kong tanong dito kahit na umaalon ang kaba sa dibdib ko.
Tumunog ang cellphone ni Nitoy kaya naman medyo lumayo siya para sagutin ang tawag. Nakatitig pa rin siya sa'kin.
“Okay lang ako. Sana hindi ka na pumunta. I mean, gabi na rin kasi.” Malamig ang boses niya. May kumirot sa dibdib ko. Dapat expected ko na 'to pero nasaktan pa rin ako.
Nanuyo ang lalamunan ko. Tumikhim ako. “Gusto ko lang malaman kung ano'ng lagay mo. Kumain ka na ba?”
“Uh, Bossing, kailangan ko nang sumibat. Hinahanap ako ni Angel. Alam mo na, hehe. Aaliyah una ko?”
Pasagot na ko nang unahan ako ni Johann. “Isabay mo na siya Nitoy. Gabi na. Pahatid sa bahay nila--”
“Hindi, h'wag na. Maiiwan muna ako rito.” Agap ko. Tiningnan niya ko na nagtatanong ang mukha. But I will stay. Kahit anong mangyari. Kailangan naming mag-usap. Kahit kaunting oras lang. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan. Hindi na siya nagprotesta. Mabuti na iyon dahil lalo akong masasaktan pag pinagtabuyan pa niya ako.
Nang makaalis si Nitoy ay muling pumasok sa silid niya si Johann. Naiwan akong mag-isa sa labas. O, ano na?
Inayos ko ang kakain niya. Tiningnan ko pa ang fridge kung mayroong pwedeng idagdag para sa hapunan niya. Dalawang plastic ng kanin at chopsuey ang dala ni Nitoy. Okay rin iyon dahil gulay. Nakakita ako ang prutas sa fridge niya. Wala namang gaanong laman ang loob nito, sapat lang para sa isang tao.
Pagkahain ko sa mesa ay sinubukan ko na siyang tawagin. Mahina akong kumatok at saka binuksan ang pinto. Sumalubong sa'kin ang malamig na hangin ng aircon kasabay ang mabangong panlalaking amoy ng kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakakaaddict ang amoy. 'Yung bang masarap sa ilong at nakakaginhawa. Nakita ko siyang nakahiga at balot ng kumot. Nakatalikod siya sa'kin. Sa gilid niya ay nakita ko ang ilang gamot, baso ng tubig at thermometer. Nakaramdam ako ng lungkot. Maisip ko pa lang na mag-isa n'yang inaalagan ang sarili niya ay nagpapalungkot na sa'kin.
Asan nga ba ang pamilya niya?
Tumayo ako sa gilid niya. “Johann, tumayo ka muna diyan handa na ang pagkain mo sa labas..” Marahan kong gising dito.
Hindi siya sumagot, ni hindi rin gumalaw. Natutulog na? Hinawakan ko ang noo niya at sinalat. Mainit pa rin siya. Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang thermometer, tiningnan ko kung ano huling temperature niya. 38.9 mataas din iyon ha! “Johann kumain ka muna bago matulog.”
Hindi pa rin siya gumagalaw. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ayaw ba niya akong kausapin o talagang tulog na siya. Pambihira!
Marahan ko siyang tinapik-tapik pa, “Johann..Johann..”
Umungol siya at gumalaw nang kaunti.
“Johann tumayo ka muna diyan para kumain. O gusto mo ipasok ko na lang dito? Teka..” Tumayo ako at lumabas. Naghanap ako ng tray paglalagyan ng pagkain niya. Bumalik ako sa kwarto, ganoon pa rin ang pwesto niya. Napatingin ako sa pagkaing hawak ko. “Dapat pala soup ang ipakain ko. Malamang walang gana itong kumain.” Napanguso ako. Bumalik ulit ako sa kusina. I traced his cabinet kung may pwedeng ilutong may sabaw. At doon ko nga nakita yung instant noodles. “Pwede na siguro ito..” Bulong ko sa sarili.
Pagkatapos kong magluto ay bumalik ulit ako sa kwarto niya. Napalunok ako nang makita kong nakatihaya na siya at nakababa na ang kumot sa baywang niya. Exposed na ang walang baro n'yang katawan. Binalewala ko ang dagundong ng dibdib ko at nilapag ko ang tray. Umupo ulit ako sa gilid niya. Dahil sa bahagyang paglubog ng kama ay dumilat ng kaunti si Johann. Mapupungay ang mga mata n'yang dinilat. “Kumain ka na at saka ka matulog ulit.”
Nakita ko ang malalim n'yang paghinga. “Umuwi ka na..”
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil sa pagkirot na naman ng puso ko. Kinagat ko pa ang labi ko. Pakiramdam ko talaga ilang minuto mula ngayon babagsak na ang luha ko. “K-Kumain ka na muna saka ako uuwi.”
Hindi siya sumagot at maya-maya pa ay bumangon siya at umupo, nilingon ang umuusok pang instant noodles. Nang hindi pa siya gumalaw ay ako na ang kumuha ng tasa at sinunukan siyang subuan. Hinipan ko muna ang laman ng kutsara at saka tinapat sa bibig niya.
Hindi siya umimik kaya umangat ang mga mata ko sa mukha niya. Tumambol ang puso ko sa nahuli ko siyang nakatunghay sa akin at para bang titig na titig siya sa ginawa ko. Matiim na tingin iyon. Nagkakabuhol buhol ang pintig ng puso dahil dito.
“Ayaw mo ba nito? Kanin? Gusto mo?” I tried to act normal, pero sa pinapakita niya sa'kin unti-unti na kong naghihina at nawawalan ng kumpyansa na kausapin niya. Babagsak na ko..
Bumuntong hininga ako. Nakatitig lang siya at pakiramdam ko napapahiya na ko. Binaba ko ang tasa sa tray. Baka mas gusto n'yang kumain mag-isa. “Ubusin mo yan ha. Aalis na ko.” Yumuko at tinago ang pagbadya ng luha ko.
He's mad at me that's why he didn't want me to be here to take care of him! Ngunit sa pagtayo ko ay bigla niya akong hinablot sa braso at halos mapatili ako sa gulat. Malakas ang pagkakahatak niya kung kaya't napahiga sa kama. Parang bagyong gumihit ang mabilis na kaba sa dibdib ko. Sa pagdilat ko ay agad kong nakita ang gwapong mukha ni Johann. Using all his power to cage me on his arms.
Gulat kong sinalubong ang mapupungay n'yang mga mata. “J-Johann!”
Nakatitig pa rin siya. Bumaba ang mata niya sa nakaawang kong labi. Sumagi sa isip ko ang unang halik na pinagsaluhan namin sa kusina. Hahalikan ba niya ako ulit? Nakaramdam ako ng excitement. s**t.
Napalunok siya habang nakatitig sa'kin at mas lalo akong kinabahan ng pumaibabaw siya sa'kin. Kaba at excitement ang magkahalong nararamdaman ko. Mali ito pero..gusto ko din. Ang gulo!
“Kanina pa kita pinapaalis pero ayaw mo. Mula nang makita kita dito nagpipigil na ko, pero sabi mo dito ka lang.” Bulong niya.
“K-Kasi gusto kong mag-usap tayo. G-Gusto kong..”Nadi-distract ako sa pagtitig niya sa labi ko na para bang ilang segundo mula ngayon ay lulusubin na niya. Nakakawala ng huwisyo!
“Gusto mong?”
Lumunok ako. “Gusto kong..”
“Gusto kitang halikan Aaliyah.”
“H-Ha?” Bumubulong na rin ako. s**t.
“Gusto ko itong labi mo...Nami-miss ko na ang lasa at hagod ng labi mo.” His hoarsed voice compelled me.