Chapter 6
NILAPAG ko sa mesa ang dalang kakanin nina Johann, katabi ang malaking box ng imported na chocolate na dala naman ni Tyler. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko ngayon. Kung sana naman, isa-isa lang h'wag lang sabay. Hindi ko tuloy alam kung paano kikilos nang normal sa halo-halo kong nararamdaman. Naiwan ‘yung dalawa sa sala kasama ang kaibigan ni Johann na si Nitoy at ang kapatid kong si Adrian. Gusto ko silang silipin pero umaatras ako pag nakikinita ko ang maaari kong datnan.
Weird. Inihagis ko ang nakasampay na bimpo mula sa balikat ko palapag sa upuan. Palinga-linga ako dahil hindi ko alam kung ano'ng uunahin ko. Juice ba muna o tinapay? Hindi ko pa alam kung may stock kami.
Napameywang ako.
Binuksan ko ang Refrigerator at tiningnan ang laman. “Ang hirap nang hindi handa..haysst!” Napagat ako sa labi ko dahil sa pressure na nararamdaman ko. May nakita akong pitsel ng tubig, kinuha ko iyon at sinara ang fridge. Kinuha ko rin 'yung isang sachet ng orange juice. First step, juice. Nilapag ko iyon sa mesa at nagsimulang timplahin. Kumuha rin ako ng mga platito, binuksan at nag-slice ng kakanin. Binudburan ko rin ito ng niyog. Nang patapos na ako ay siya namang pasok ni Lola sa kusina. Nakangiti siya at maaliwalas ang mukha niya. Tumabi siya sa akin at bahagyang inayos ang mga nakahain.
“Apo, mabuti pa'y labasan mo muna ang mga binatang iyon. Ako nang bahala dito, sige na..” Bahagya akong ngumiti, kinuha ko ang tray at nilapag ang mga platito. “Sige po, 'la. Dalhin ko lang po 'to..”. Nakita kong kumuha ng mga baso si Lola at nagsalin ng juice.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Iyon ang ginawa bago lumabas ng kusina bitbit ang tray ng meryenda nila. Alam kong medyo shaky ang kamay ko at nanlalamig pa dahil sa kaba. Pero buong-lakas kong tinatago iyon at pinilit na gawing normal lang ang lahat. Kayo ko 'to!
Sabay pang nag-angat ng tingin sa'kin sina Johann at Tyler. Kinabahan ako, dumadagundong ang kaba sa aking dibdib sa dalawang pares ng mga matang nakatunghay sa'kin. Tumikhim ako at naglakad pa papalapit. Silang dalawa ang nakaupo sa munti naming sofa samantalang nasa magkaharap na single sofa naman sina Adrian at Nitoy. Agad tumayo si Johann at kinuha ang tray na hawak ko. Bahagyang napaigtad ako sa pagdikit ng mga balat namin, na tila dinaluyan ako ng boltahe ng kuryente at ang kanyang mabangong amoy na langhap na langhap ko ay muntik nang magpatunaw sa kabang umaalipin sa'kin. Hindi siya nagsalita ng kinuha niya ang dala ko. Para bang normal niya lang iyong ginagawa sa'kin dito sa bahay.
“M-Magmeryenda muna kayo. Tyler, Nitoy..J-Johann..” Alangan pa rin akong tumingin sa kanya. Katabi ko siyang nakatayo na nakatingin sa akin. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang mga tingin n'yang humahaplos sa puso ko. At nakakafrustrate iyon! Dapat galit ako sa kanya dahil matagal siyang hindi nagparamdam pero tokwang kabayo hindi ko na maramdaman iyong inis ko kanina. Nakita ko lang siya, nalusaw na. Mas lalong nakakafrustrate dahil nandito pa si Tyler, hindi ko tuloy mailabas ang tunay kong nararamdaman. Kaya mas magandang h'wag ko na lang siyang tingnan.
Kumuha ako ng isang platito at iniabot kay Tyler. Nakangiti naman niya itong kinuha, “Thank you, Aaliyah.” I smiled back.
Inabutan ko rin si Nitoy na nakita kong nakatunghay sa katabi ko na para bang inaabangan ang susunod nitong gagawin. Pinagkibit-balikat ko iyon at binalingan ang kapatid ko para pakainin din. Natigilan na lamang ako nang si Johann na lamang ang hindi ko pa nabibigyan ng platito.
Ano na, Aaliyah? Napalunok ako. Bakit ba ako ganito?
Saglit ko siyang tiningnan. Nakatingin din siya sa'kin habang ang mga kamay ay nasa bulsa niya. “K-Kumain ka na rin, Johann.” Hindi siya sumagot. Gusto ba niya iabot ko pa sa kanya? Sus, para siyang others. Tse! Nakita kong si Nitoy ay patingin tingin pa rin kay Johann at parang nangingisi.
“Si Lola mo?” Tanong ni Johann.
“Nasa kusina..” Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Sa gilid ko ay nakita kong naglakad siya pakusina kaya naman medyo nakaramdam ako ng ginhawa. Bumuntong hininga ako. Lumapit ako sa tabi ni Tyler umupo sa iniwang pwesto ni Johann. Kumuha ako ng juice at uminom. Pampakalma kahit papaano.
“Pasensiya sa biglaang pagbisita, Aaliyah.”
Nilingon ko si Tyler habang umiinom pagkatapos ay nginitian. “Wala iyon! Ano ka ba. Hindi pa naman gan'ong kagabi. Sakto nga lang pagdating mo kasi kauuwi ko lang din.” Bahagya kong nilingon si Nitoy na patapos na ata sa pagkain. Parang nagmamadali.
“I know. I just..gusto lang talaga kitang makita.” Bahagya pa siyang tumawa. Alangan akong ngumiti. Hindi ako sanay sa ganitong atensiyon. Nakatingin siya sa akin kaya medyo na-conscious ako. Uminom na lang ulit ako ng juice to divert my feelings. “Kamusta ang araw mo? I mean, 'yung ginagawa n'yong project, Maybe I can lend you a help..” Sabi niya sabay baba sa lamesita ng platito nang hindi pa niya nauubos ang laman. Umiinom siya ng juice habang nakatingin sa'kin at hinintay ang sagot ko.
“Ahm, sa research subject namin 'yon. Hindi pa naman gan'on ka-kritikal saka nakiki-cooperate naman ang mga kagrupo ko. Sina Cath at May 'yung napakilala ko na sa'yo naalala mo?” Tumango siya at ngumiti, “Sila ang kagrupo ko..”
“I see.”
“Pero 'pag kinailangan na namin ng tulong, sa'yo na ko unang lalapit ha? Nag-offer ka na..” Biro ko sa kanya.
“I'm always willing, with open arms and..heart for you.” Biro niya.
Napahinto ata ako sa paghinga sa munting banat na iyon. Nag-init ang pisngi ko at biglang nahiya, napatingin ako kay Nitoy na biglang rin umubo, nasamid pa ata. Tinulungan ko siyang maabot ang baso ng juice niya. “Okay ka lang?” Tanong ko pa.
Nagtaas siya ng dalawang kilay habang nagmamadaling uminom. Huminga pa siya nang malalim pagkatapos at saka lang nakapagsalita. “Oo, okay na. Nasamid lang. Hehe.” Ngumiti pa siya na parang assurance na maayos na siya. “Teka, 'asan na ba si bossing? Napag-iiwanan na 'yun! Wait lang, puntahan ko lang.” Saka tumayo. Pinagmasdan ko siyang tinungo ang kusina.
Really, bossing? Pumasok sa kusina si Nitoy.
“Nanliligaw din ba siya sa'yo?” Agad akong napatingin kay Tyler.
“Sino si Nitoy?”
Ngumuso si Tyler pero seryoso ang mukha. Bahagyang nawala ang pagkamagiliw ng mukha niya. “No. The other guy named Johann..” He stared at me.
Napaawang ang labi ko at biglang dumagundong ang dibdib ko. Walang maapuhap na isasagot. “Si Johann? Hindi...” I even shook my head. “Hindi ko siya manliligaw. Malapit na kaibigan lang. Ngayon nga lang nagpakita 'yan ulit e, tss..” Bumalik ang inis ko nang maalala ko na naman.
“Maybe he's not telling you yet.” Mahinang pagkakasabi niya.
“Ha?”
Ngumiti siya at umiling na parang may napagtanto. “Kanina, pagdating ko kulang na lang ay kainin niya ako nang buhay. The way he look at me, it was a death stare.” At saka sinabayan ng tawa.Hindi ko alam kung biro pa ba iyon o unawa niya. Nakita ko ang pagkakatingin na nga iyon sa kanya ni Johann, pero akala ko hindi napansin ni Tyler. Mali pala ako. Mas ramdam pa nga niya ang ibig sabihin kaysa sa akin.
“Pasensiya ka na d'on. Ganoon lang talaga iyong lalaking iyon. Pero wala lang 'yon.” I assumed.
Ngumisi siya. “I knew what he meant by that stare.” He chuckled.
Humigpit ang hawak ko sa baso ko, lumundag ang puso ko na para bang may nabuhay na kung ano. Nagkatitigan kami ni Tyler na tila pinapaintindi niya ang nakita sa'kin. Naputol lang iyon ng may tumikhim sa harap namin, sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng tunog.
Si Nitoy na nakangiti at sa likuran n'yang si Johann na madilim pa sa namumuong bagyo ang awra ng mukha niya, salubong ang kilay at parang galit.
“Ah, Aaliyah mauuna na ko. Balikan ko lang yong tropa sa site hehe..” Tumango na lang ako sa kanya pagkatapos ay nilingon si Johann. “Bossing, una na ko. Galingan mo a.” Nag-apir pa iyong dalawa na akala mo'y may pinaplano.
Tumayo ako para ihatid si Nitoy sa pinto. “Ingat, Nitoy ha.”
“Salamat din sa meryenda!” Sigaw niya nang nasa labas na siya, ngumiti ako at tumango. Pagbalik ko sa sala ay nakaupo na sa iniwanang upuan ni Nitoy si Johann. Nakasandal siya at tahimik lang. Pareho silang tahimik ni Tyler.
Parang bumigat ang atmosphere ah. Napansin kong hawak pa rin ni Adrian ang gitarang ginamit kanina ni Johann. “Adrian, hindi ba kay Nitoy 'yan?”
“Ako nang bahala d'yan. Gamitin mo lang, Adrian.” Malamig na halili ni Johann. Tumango na lang ako at bumalik sa kinauupuan ko.
Para akong nas gitna ng nag-uumpugang pader. Kinuha ko ulit ang baso ng juice at uminom.
“May nakakasabay ka ba kapag pumapasok at umuuwi galing university?” Muntik na kong masamid sa biglang pagtanong ni Johann. Mariin at malalim ang boses niya. Iyong nakakapanginig ng laman at nakakapagpabilis ng t***k ng puso ko.
“H-Hinahatid ako ni Tyler.” Sagot ko. Lumipat ang tingin niya sa katabi ko. Walang emosyon ang mukha. Hindi ngumingiti at ni wala akong mabasa sa kawalan nito ng ekpresyon.
“Simula sa lunes, ako na magsusundo at maghahatid sa'yo ulit.” He stated. Hindi humihingi ng permiso o nagtatanong. Malinaw na pahayag iyon. Narinig ko ang pagngisi ni Tyler.
“Hindi mo ba tatanungin muna si Aaliyah kung gusto niya?” Ani Tyler.
Napalunok ako sa biglang pagbabago ng tono sa pananalita ni Tyler. Kumunot ang noo ni Johann.
“Matagal ko na iyong ginagawa. Pinaalam ko na rin iyon sa Lola mo, Aaliyah.”
I looked at him. Malakas talaga ang kompyansa niya.
“But I insist. Ako na ang magsusundo sa kanya. Naka-schedule na 'yon.”
Gusto ko sanang magprotesta sa kanya dahil batid kong busy rin siya sa trabaho niya, pero bago pa ako magsalita ay naunahan na ko ni Johann.
“H'wag na pare. Mas komportable sa'kin si Aaliyah. Pumasok ka na lang sa trabaho mo at baka makaabala pa kame sa'yo.”
“Hindi abala sa'kin si Aaliyah, hindi kahit kailan. And besides, nililigawan ko siya kaya bukal sa akin ang gawin 'yon.” May pagmamalaki nitong sinatinig.
Lalo akong kinakabahan. This conversation is making me uncomfortable.
“Sabi mo nga nanliligaw ka pa lang kaya dumistansya ka muna.”
“Johann..” Tawag-pansin ko sa kanya. May ibang diin na ang ang Ibig iparating ni Johann, nagsisimula na kong mabahala.
“Kung ano man ang ginagawa ko. Part iyon ng courtship. I like her that's why I'm doing everything to make her feel safe. Ikaw, ano ka ba niya?” May panghahamon sa boses ni Tyler.
Umigting ang panga ni Johann. At mariin ang pagkakasara ng labi niya. “Hindi mo na kailangan malaman. Sa amin na lang 'yon.” Sabay ngisi. Tiningnan ko si Johann at tiningnan niya rin ako. Ngumisi siya sa akin kaya pinandilatan ko ito ng mga mata.
“Tyler, nagwoworry din ako kasi baka nakokompromiso ang trabaho mo sa pagsundo sa akin sa school. Kaya ko naman umuwi mag isa. Okay lang kahit h'wag ka na pumunta..” Mahinahon kong paliwanag sa kanya. Totoo naman talaga iyon.
Lumambot ang mukha niya ng tumingin sa akin. Ngumiti siya. “Wala naman iyon sa'kin, Aaliyah. Gusto ko lang siguruduhing makauwi ng ligtas. Mapapanatag lang ako pag ako gumawa n'on.”
“E kaso hindi ka naman boyfriend. Wala kang obligasiyon.”
Nakita ko ang matalim na tingin na pinukol ni Tyler kay Johann. “Hindi ka rin n'ya boyfriend kaya h'wag ka ring magpumili, pare,”
Nagtitigan sila. Matatalim na titig at kung nakakamatay lang ang mga titig na iyon, pareho ng bulagta itong dalawa. Kailangan ko nang magdesisyon. Dahil mauuwi sa away ang dalawa ito kung pagbabasihan ang usapan nila. Tumikhim ako. “Adrian, ibigay mo na 'yang gitara kay Johann. Uuwi na siya.” Utos ko dito na ngayon pala'y nakatunghay na sa dalawa.
Bahagyang pang nagulat si Adrian nang tinawag ko ngunit kalauna'y tila magpoprotesta pa siya bago isoli ang gitara. “Salamat Kuya,” nagkamot pa siya sa ulo niya at saka kinuha ang platito at basong ginamit papunta sa kusina.
Tiningnan ko si Johann na ngayon ay titig na titig sa akin. “Umuwi ka na, Johann. Salamat sa pasalubong. Saka na tayo mag-usap.” Sabi ko sa malamig na tinig. Ito lang alam kong best way na mapaghiwalay ang dalawa.
“A-Aaliyah..” Nagulat nitong tugon sa'kin.
“Please Johann..” Mahina at mariin na pakiusap ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko kaya ang malalalim n'yang titig. Ayoko siyang itaboy pero walang patutunguhan kung magtatalo sila ni Tyler. Ramdam kong kanina pa mainit ang ulo niya at hindi ko iyon maintindihan.
Ilang segundo bago siya bumuntong hininga at saka tumayo. Kinuha niya ang gitara at tahimik na lumabas ng bahay. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagbagsak ng balikat niya.
Alam kong nasaktan ko siya at nang nakita ko siya sa ganoong itsura ay para akong sinaksak ng punyal sa dibdib. Kinuyom ko ang mga kamay ko para hindi siya pigilan. Lumalim ang paghinga ko.Matagal ko siyang hindi nakita tapos ganito pa ang mangyayari. Yumuko ako at hinintay na lamang ang pag-alis niya.