Chapter 8 HUBAD-baro siyang nasa aking ibabaw. Kulang ang matunaw ako sa lalim ng mga titig niya sa akin. Sa sobrang lapit ng mukha niya, ay halos sumabog sa dagundong ang puso ko. Pakiramdam ko ay dumoble pa ito noong unang hinalikan niya ako. “Johann..” Pabulong kong sabi. Gusto kong kaltukin ang sarili ko dahil sa uri ng pagsasalita ko. Mula sa aking labi lumipat ang tingin niya sa aking mga mata. Pumintig ang puso ko nang dumantay ang mapupungay n'yang mata sa'kin. Pero hindi ko mabasa ang uri ng tingin n'yang iyon. Umangat ang kamay ko sa kanyang matigas na dibdib. “Mainit ka..” Kitang-kita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi. “Alam ko..” He's got a low husky voice that I almost shivered in response. Binasa pa niya ang ibabang labi! “Johann--” Bumaba ang mukha niya at sinakop