Chapter 5
KINABUKASAN ay maaga akong naghanda sa pagpasok sa eskwela. Tapos na ang midterm kanya pagkatapos ng finals ay sembreak na. Nagmamadali ang hakbang ko dahil natatanaw ko na iyung ginagawang building. May nakikita na rin akong mga trabahador na busy sa kanya-kanyang gawain. Nakakalula siguro kung do'n sa taas sila nakapwesto. Kinabahan ako, sana galamay na ni Johann ang galawan doon.
Humigpit ang kapit ko sa sling bag ko habang palapit nang palapit sa construction. Pinapasadahan ko rin ng tingin ang bawat tao doon. Siguro 'pag nakita na ko ng kaibigan dito ni Johann ay saka yon lalabas para ihatid ako sa eskwela.
Ngunit nadismaya ako. Nakalagpas na ko at lahat, walang Johann na lumabas. Tiningnan ko ang cellphone ko, walang text. Lumingon ako nang pasimple sa construction, abala pa rin ang mga tao. Napanguso ako at halos bagsak ang balikat ko. Bumuntong hininga ako. “Hindi niya man lang ako sinabihan na 'di niya ako mahahatid!”
Hanggang sa klase ko ay si Johann pa rin ang nasa utak ko. Tinatago ko pa sa ilalim ng mesa ng upuan ko ang cellphone at nag-aabang sa text niya. Sigurado akong susunduin niya ako mamaya. Ayaw n'yang umuuwi ako nang mag-isa. Pati sa lunch break, vacant at panghuling klase ko ngayong araw ay cellphone ko lang pinagtutuunnan ko ng pansin. Muntik na nga kong mahuli ng Professor ko sa kaka-check sa cellphone ko, pero wala. Ni isang text o missed call galing sa kanya, Wala.
Palabas na ko ng campus kasabay ang mga kaklase ko. Maingay silang nag-uusap pero ako, walang gana.
“Hoy bakla! Lutang ka! Anyare sa'yo?!” Untag sa'kin ng classmate kong si May. Huminto kami sa tapat ng nagtitinda ng tokneneng malapit sa main gate ng campus namin. Nakasunod lang ako sa kanila pero alam ko para akong tuod. Hindi ako nakikisali sa pinag-uusapan nila.
“Wala..pagod lang.” Mahina at walang gana kong sabi. Lumingon-lingon pa ko at nagbabakasakali na baka masorpresa ako kapag dumating siya. Pero lalo lang akong nanlumo.
Paasa pa ako sa sarili ko.
Kumain ang mga classmate ko pero abala lang ako sa cellphone ko. I-text ko kaya? Baka busy naman. Missed call ko kaya? E, baka iba na naman ang isipin n'on! Timang 'yon e!
Busy ako sa pagkalikot sa cellphone at busy naman sa kainan at chikahan ang mga classmate nang biglang may pumaradang asul na kotse sa harapan ko. Napalingon ako pero saglit lang at agad ko ring binalik ang atensyon ko hawak kong cellphone.
“Aaliyah..”
Nag-angat ako muli ng tingin sa harap ko at nakita ko nga si Tyler na nakatayo sa 'di pa nasasarang pintuan ng kotse niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya. “Tyler!” Alam kong napansin iyon ng mga classmates ko dahil tumahimik sila. Nilingon ko sila at halos mga nakanganga at parang mga tuod. Binalingan kong ulit si Tyler na ngayon ay papalapit na sa'kin.
Everyone was looking at him. Drooling. Lalo na ang mga babae at ilang mga estudyante. Sino ba naman ang hindi lilingon kay Tyler. Naka-gray shirt, faded blue jeans na obvious namang mga branded at matipunong katawan. Isama mo pa na may dala siyang kuminkintab na sasakyan. Good catch, ika nga.
Nakangiti siya sa'kin at lumantad ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. “Hi, pauwi ka na ba?” Magiliw n'yang tanong.
Medyo nagulat pa ako kaya 'di agad ako nakasagot sa kanya, “Ahh..oo. Pauwi na rin. Tumatambay lang kami saglit. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito?” Ngumiti ako sa kanya.
Napahawak siya sa batok niya at ang isang kamay ay nakapamulsa at tila nahihiya, lihim akong napangiti. “Sinadya kita dito. Gusto sana kitang ihatid..kung..Okay lang sa'yo?”
Na-surprise ako. He's into something. Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. Nahihiya rin ako though hindi naman ito ang first time na may susundo sa'kin mula school pero knowing that it was Tyler and he's my suitor, there were a bit different. Unlike kay Johann na constant kong tagasundo na sanay-sanay na ko. Kahit na pahangin siya at hindi opisyal na manliligaw, mas panatag ako sa kanya.
Nagulat ako nang bigla akong sikuhin ng katabi ko at binulungan pa ako. “Huy! Sino yan? Gwapo ah!” May kasama pang bungisngis.
“Tyler, siya nga pala, mga kaibigan ko, Si May, Ai, Cath at Gian. Guys, si Tyler..ah..” Nawalan ako ng idudugtong. Pa'no ba? Kaibigan din ba? Ngayon pa ko nawalan ng sasabihin.
“Manliligaw niya ako. Nice to meet you.”
My lips parted a bit, at parang nakaramdam pa ako ng hiya. Nag-init ang mga pisngi ko. Ofcourse, hindi naman ako sanay. Narinig ko pang napasinghap ang mga kaklase ko pero kalaunan ay binati rin nila si Tyler. When I looked at them, nakita kong nagsisitaasan ang mga kilay nila at may mga ngisi sa mukha. Bobombahin ako ng mga tanong bukas n'yan.
“Sige na Aaliyah, uwi na kami. Ba-bye! At nice to meet you Kuya Tyler! Ingatan mo si Aaliyah ah! Deretso sa bahay.” Pabirong paalam ni May. Kaya pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran. Ngumiti lang si Tyler at tumingin sa'kin.
“If you want guys, sabay na rin kayo sa'min?” Biglang alok ni Tyler.
Agad umiling ang mga kaibigan ko. “Naku hindi na. Keribels na namin 'to. Baka hindi ka pa makada-moves e! Sige na! Ba-bye!” Eksakto namang may humintong jeep na maluwag kaya agad pinara nina May samantalang dumeretso naman sa nakaparadang motor niya si Gian. Kumaway na lang ako sa papalayong jeep.
“Let's go?”
Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Hinawakan niya ako sa siko at iginaya sa tabi ng driver seat. Medyo kinakabahan pa ko at nahihiya. I know, isa ito sa mga pangarap ko. Inaamin ko nakakaramdam ako ng saya pero, meron pa ring pero. Nang umikot na siya pasakay at lumingon pa ako sa labas. Baka kasi dumating si Johann at magkasalisi kami. Itext ko kaya? O h'wag na? Magte-text naman 'yon pag susunduin ako e. Bahala nga siya.
Matiwasay akong naihatid ni Tyler sa bahay at sa loob ng apat na araw, ni anino ng kuko ni Johann ay 'di ko nakita. Akala ko siya ang hindi makakatiis na hindi ako kulitin pero muntik ko na siyang i-text. Hindi ko siya namimiss, ok. Nahihiya lang ako kay Tyler dahil palagi niya na lang akong sinusundo at baka abala na ko sa trabaho niya sa opisina. Though sinabi ko sa kanya na h'wag na niya akong sunduin at kaya ko naman na pero palagi n'yang sagot, “Kasama ito sa pagsuyo ko sa'yo Aaliyah.”
Kaya naman hindi ko maiwasang humanga sa kanya. Masigasig siya. At sa tulad kong pobreng nagustahan niya aba, ang swerte ko na, 'di ba? Another valid reason para bigyan ko siya ng puntos.
Araw ng sabado, gumawa kami ng mga classmate ko ng project sa bahay nina Ai. Madilim na at inabutan na ako ng gabi sa daan pauwi. Pero sa malayo pa lang sa kanto namin at tanaw ko na ang isang mahabang lamensa sa ibaba ng building na ginagawa nina Johann. Doon, nagkukumpulan ang sa tingin ko'y mga trabahador at nag-iinuman. Habang palapit ako nang palapit ay naririnig ko ang maingay nilang tawanan at tagayan. Mayroon pang isang naggigitara pero wala namang kumakanta. Pero napahinto nang mahagip ng mata ko ang ang lalaking may malapad na likuran, malinis na gupit ng buhok, nakasuot ng puting T-shirt at nakikipagtawanan sa kainuman niya.
Likod niya lang ang nakikita ko kung kaya't hindi niya ako nakikitang nakatitig sa kanya. Dumaloy ang kaba sa dibdib ko. Parang nagkaroon ng karera ang pintig ng puso ko. At nang makita ko ang malaki niyang kamay na may hawak na baso at tinungga ito, alam ko nang siya iyon. Iyong kamay na 'yon na may soot na itim na relo,
It's him.
Binilisan ko ang lakad ko at deretso lang tingin sa dinaraan ko. Alam ko at sigurado naman akong makikita at makikita niya ko. Isa lang sa mga katropa na makita ako, tiyak na malalaman niya. Gan'on ako kakompyansa. Pero habang padaan na ko sa kabilang side ng kalsada ay pabilis din nang pabilis ang pintig ng puso. Ang hirap na tuloy makapagfocus sa paglalakad at baka mapatingin ako sa kanya.
Focus. Relax. Poise. Lakad.
In my peripheral vision, nag-angat ang isang lalaki na nakaupo sa tapat ni Johann. Nakita n'ya ako at alam kong tinuro niya ako sa kanya. Pero nakadaan na ko at lahat ay hindi niya ako nilingon. Nanghina ako pagkalampas ko sa gawi nila. Binibilang ko ang bawat hakbang at naniniwala pa akong susundan niya. Sampung hakbang na pero wala pa ring 'baby labs' na umalingawngaw sa pandinig ko.
“Ay bulate!” Muntik pa kong masubsob sa semento dahil hindi ko nakita yung lubak sa daan. Luminga ko kung may nakakita sa'kin buti na lang walang tao sa tindahan. Binilisan ko nalang ang lakad ko pauwi sa bahay.
Pagkapasok ko sa kwarto ay binalibag ko ang bag ko sa kama ko, “'Yan ba ang lalaking magsasabi na gusto ako?! Dumaan na ko sa harap niya hindi man lang ako pinansin?! Ha!” Naiinis ako. Sa sobrang inis ko pati bitbit kong clearbook ay naihagis ko rin sa gilid ng kama ko. “Akala niya kung sino siya. Makikita niya hindi na siya makakapasok dito sa bahay! Magtangka lang siyang kausapin ako, sasabunutan ko siya!” Binuksan ko ang aparador ko at naghanap ng maisusuot na pambahay. Pero kahit mga damit nakatikim sa dabog ko. “Ilang araw hindi nagparamdam tapos ginawa lang akong hangin sa harapan niya! O pwes, hangin ka rin sa'kin! Isa kang kontiminadong hangin!!”
Pagkakuha ko damit ay pumunta ako sa kusina para maghilamos. Nasa sala sina Lola at Adrian kaya 'di nila narinig ang rant ko at wala akong balak na iparinig. Pagpatay ko ng gripo, kinuha ko ang bimpo sa balikat ko at nagpunas. Pero napahinto ng may marinig akong kung anong tunog. Videoke? Pero parang gitara. E, baka, acoustic yung kanta. Pero bakit parang walang microphone? Ahh, baka jamming lang sa kabit-bahay.
“Ate!”
Pumunta ako sa sala dahil sa tawag ni Adrian. Nakita ko siya sa nakatayo sa nakabukas naming pinto, pati si Lola 'andon din. “Ano'ng meron?”
Lumapit sa'kin si Adrian at hinatak ang braso ko palapit sa pinto. Bakas sa mukha niya ang mangha at saya. Kumunot ang noo ko at bahagyang nawaglit ang inis ko sa lalaking....nasa labas ng bahay namin na ngayon ay may nakasukbit na gitara at..
Kumakanta!
Nanigas ako sa kinatatayuan at napaawang ang labi ko at pumintig na naman ang puso ko. “J-Johann...” I whispered his name. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at saka kumindat sa'kin. Nag-init ang mga pisngi ko. Ang tagal kong hindi nakita 'yon ah. Sinumulan niya ang pagtugtog ng gitara, at kumanta! Sinimulan n'yang kantahin ang True ni Ryan Cabrera.
Hindi ko alam kung mahihiya ba ko o sasabihin kong tumigil na siya pero, all I see is him and how his voice suited the strings of guitar, blended with its rythm. Medyo bumalik ang ulirat ko nang bahagya akong binunggo ng kapatid ko. Hindi ko siya tiningnan pero narinig ko ang tukso niya. “Uyy si ate, tulala na! In love ka na 'no? Ayi!” Gusto ko siyang batukan pero feeling ko,mamaya na lang.
Nagpalakpakan pa sina Lola at Adrian nang matapos ang kanta niya. Lumabas ako para lapitan siya at kausapin. Tinanggal niya ang gitara sa balikat niya. Nasa labas ako ng gate at doon ko lang napansin na may kasama pala siya. May hawak itong bilao. Pareho silang lumapit sa'kin.
Napansin kong parang nahihiya itong lalaking 'to. Kinagat ko ang labi ko para walang umalpas na ngiti sa'kin. Humalikipkip ako.
“Magandang gabi baby labs ni Johann!” Bati ng kasama niya. Natatawa pa ito. Makapal ang buhok niya at may bigote pa.
Nilipat ko ang tingin ko kay Johann. Hawak sa isang kamay ang gitara at saka may inilabas mula sa likuran niya ang isang pirasong pulang rosas. Nakayuko pa n'yang iniabot sa'kin iyon.
“Ano yan?” Masungit kong tanong.
Nag-angat siya ng tingin, “bulaklak..”
Ngumisi ako, “Peace offering?”
Napatitig siya sa'kin na parang sinisipat ang mukha ko. Tumayo ako nang deretso at hinablot ang bulaklak na 'yon. Gusto ko siyang pagsungitan all the way dahil ilang araw siyang wala pero bakit parang unti-unting nawawala 'yung plano na 'yon. At ayokong makita niya iyon.
“Ah, ito rin Aaliyah para raw sa'yo. Pasalubong ni Johann, Kakanin. Malagkit 'to, kasing lagkit ng pagsinta niya para sa'yo.”
Narinig kong tumawa sina Lola at Adrian. Gusto ko na ring tumawa pero kinagat ko nang mariin ang labi ko. Tumikhim ako, “Salamat..p-pumasok muna kayo,” Dahil sa nagbubuhol kong pintig na puso ay nahihirapan akong magsalita sa harap ni Johann. I felt like, I am officially accepting him as my suitor too. And I'm giving him a chance.
Tumingin ako kay Johann at nahuli ko siyang nakatitig sa'kin. Wala ba siyang ibang gagawin kundi ang tumitig? Pero bago pa kami makahakbang ay may asul na kotseng pumarada sa harap mismo ng gate namin. Bumaba ang sakay no'n at buong ngiti ring tumingin sa'kin. Another surprise? “Tyler?” Sabi ko. Napansin ko agad ang dalang niyang malaki at magandang bouquet ng bulaklak at kahon ng tsokolate.
“Good evening, Aaliyah..”
Nang maramdaman ko ang pakay niya ay agad kong nilingon ang lalaki sa tabi ko, at n'on ay natagpuan ko ang matiim n'yang tingin kay Tyler.
Shit.