Chapter 4

1959 Words
Chapter 4 PARA akong nagising sa mahimbing na tulog at agad akong dumilat at itinulak palayo si Johann. Pero ang itsura niya, langya relax na relax at parang hindi nag-panic nang marinig ang boses ng kapatid ko. Tiningnan ko ang bukana ng kusina kung nakita kami ni Adrian, at nahinga ako nang maluwag ng wala siya. Ligtas pa ko. Nalipat ang tingin ko kay Johann. Nakatitig siya sa'kin na parang binabasa ang mukha ko. Sa totoo lang ay medyo naghahabol pa ako ng aking hininga at kumakabog pa ang puso ko sa nangyari sa'min. He's my first kiss! Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil nadala ako, naakit ako, In short, nagustuhan ko! Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon habang nananatili ang mata sa'kin. What the? Malalim siyang bumuntong hininga. Sa panandaliang segundo parang kakaibang Johann ang nakita ko. Iba ang aura niya sa itsura niya. Parang may mali.. “Aaliyah...” He whispered. Nang marinig ko ang malalim n'yang boses ay agad akong tumuwid sa pagtayo, “N-nasa labas si T-tyler! Sige!” Umiwas na ko ng tingin sa kanya at nagmamadaling lumabas papunta sa sala. Kinakalampag pa rin ang puso ko. Bakit ko ba 'yon ginawa? Nasisiraan na ba ako? Nasa'n na ang isinaksak ko sa utak ko? Hindi pwede si Johann! Hindi pwede! Wala sa sarili ay narating ko ang sala namin. Nag-angat lang ako ng paningin nang marinig kong may tumawag sa'kin. “Goodevening, Aaliyah.” Napatingin ako kay Tyler na ngayon ay nakatayo. Nakangiti nang ubod ng tamis at may hawak na..bulaklak? Kumunot ang noo ko at binalik ko ang tingin ko sa mukha niya. Bahagya akong ngumiti. Ayokong mag-assume. Masakit. ”Tyler, napadaan ka? Upo ka,” Lumapit ako sa kabilang upuan, pagkalapit ko ay iniabot sa'kin ni Tyler ang hawak n'yang isang bouquet ng bulaklak. “P-Para sa'yo nga pala, Aaliyah..” Naestatwa ako. Tinignan ko ang nakalahad na bulaklak. Tiningnan ko ulit siya, at parang nahihiya ang itsura niya. Napakamot pa sa kanyang batok. “S-Sakin? B-Bakit? Ano'ng meron?” Bahagya pa akong tumawa para pagaanin ang tensyon. Bakit ba parang ang daming pangyayari ngayong araw. Baka pasalubong niya lang 'to. Red roses pasalubong? Bakit hindi dunkin donuts? ”Salamat na rin dito..” Nakita ko naman sina Lola at Adrian na tahimik lang na nakaupo. Bukas ang TV kaya hindi ako sigurado kung tutok ba sila doon o nakikinig din sa'min. Umupo ako. Saka rin sumunod sa pag-upo si Tyler. Binalingan ko ang bukana ng kusina. Hindi pa rin lumalabas si Johann. O baka tinatapos niya ang hugasin ko kasi nahinto ako nang...shit! Tumigil, magtigil! Napikit ako at pinilig ko ang ulo ko para mabura ang nangyari kanina. Pero..ramdam ko pa rin ang mainit n'yang labi.. “Aaliyah..” Gulat naman akong napatingin kay Tyler. “Oh?” Ngumiti ako sa kanya. Tumikhim siya at parang may gustong sabihin pero nahihiya. “Ano kasi..may gusto akong sabihin..sa'yo..” Tumango ako at tiningnan ko ang kusina nang hindi lumilingon, “Ano 'yon?” Kumalabog na naman ang dibdib ko nang mamataan ko si Johann, palabas ng kusina. Paglipat nito ng mga mata'y sa akin siya kaagad nakatingin habang naglalakad papunta sa kinaroroonan namin, seryoso ang mukha niya? Napalunok ako. “Gusto sana kitang ligawan.” Nilingon ko kaagad si Tyler. At kitang-kita ko ang titig niya sa'kin. “A-Ano?” Bahagya kong nilingon ang Lola ko, lumingon din siya sa'min. Ngunit bago ko pa tingnan muli si Tyler ay awtomatikong lumingon ako kay Johann. Sinusuri ko siya kung ano'ng reaksyon niya. It's not that I'm interested or worried, okay. I just want to know his reaction. Humilig siya sa dingding, ang mga matitipunong braso ay nakaekis sa dibdib niya at.. madilim ang mukha? Nasisiguro kong narinig niya ang sinabi ni Tyler. Ngunit nang tingnan ko ang mga mata ni Johann, Hindi siya sa'kin nakatingin, kundi kay Tyler! “A-Aaliyah, alam kong nagulat ka sa sinabi ko. Na baka masyado bang mabilis or baka napepreskohan ka sa'kin.. Pero gusto kong malaman mo na..seryoso ako..sa'yo.” Malumanay at tuwid na sabi ni Tyler. Kinakabahan ako. Hindi dahil sa sinabi ni Tyler kundi sa sitwasyon ko ngayon. Parang ang crowded! At wala akong malanghap na hangin! At Parang may tensyon na ako lang nakakaramdam. I looked back at Tyler na may nangungusap na mga mata. “Si-sigurado ka ba? A-Ako? Liligawan mo?” Kinagat niya ang ibabang labi at ngumiti. Aminado naman ako sa sarili ko na may angking kagwapuhan si Tyler. Matangkad din siya at maganda ang pangangatawan. Plus factor pa na may kaya sa buhay at angat sa nakararami ang kabuhayan. Ito na nga yung dream guy ko 'di ba? Hindi naman ako nagmamadali pero heto na siya, abot kamay ko na! Ngunit itong lintek na puso ko na 'to, hindi ko ma-gets! Hindi tugma sa sinasabi ng utak ko! Naguguluhan tuloy ako o ayaw ko lang. Ayaw sumirit nung tumatalon ang puso sa saya. May problema ba? “Bakit naman hindi ikaw? Saka, hindi naman natin mapipili ang taong magugustuhan natin, kusa na lang 'yon mararamdaman.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. May point siya. Kaya lang.. “Kuya Johann! Pwede po bang magpaturo sa'yo sa homework ko? Nahihirapan po ako e,” Nalipat ang atensyon ko kay Adrian. Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya at lumapit kay Johann. Nagkakamot pa sa ulo si Adrian. “O sige, tara. Gawin na natin 'yang homework mo. Mukhang busy pa ate mo e,”. Malalim at tila may laman ang pagkakasabi no'n ni Johann. Tiningnan ko siya at nakita ko ang matalim n'yang tingin sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay. Problema ne'to? Pumasok sila sa kwarto namin ni Adrian. Tumayo naman si Lola habang bitbit niya ang abanikong pamaypay, “Maiwan ko muna kayo apo. Ikukuha ko kayo ng maiinom,” Dagling tumayo si Tyler at inalalayan ang Lola ko. “Ay naku, salamat, hijo,” At saka bumitaw at bumalik na pagkakaupo siya. Bumuntong hininga ako. Kami na lang ang naiwan. Ano'ng sasabihin ko? “Aaliyah..” “Okay.” Natigilan siya. “H-Ha?” Bahala na. Ligaw pa lang naman. “Pumapayag na ko.” “You mean, pwede na kitang ligawan?” I slowly nodded. Chance lang naman. “Yes!” Tila tuwang-tuwa siya. Iyung itsura niya kulang na lang mapatalon siya sa tuwa. I smiled. Who knows, baka siya na sagot sa dasal ko. Unconsciously, napatingin ako sa nakasarang pintuan ng kwarto namin ni Adrian. Nalusaw ang ngiti ko at parang gusto kong tumayo at pumasok sa loob. Pero nanatili ako rito sa sala para sa bisita ko. Hinatid ko sa labas si Tyler. Habang nag-uusap kami ay palagi lang siyang nakangiti. Paminsan-minsan pang bumibira ng Jokes na mabili naman kay Lola. Pero paminsan-minsan din ay napapalingon ako sa pintuan ng kwarto namin. Naghihintay. Syempre baka mauhaw sina Adrian. Pero hanggang sa makauwi si Tyler ay walang lumalabas sa kwarto. Nang nasarado ko na ang gate ay saka ko kinuha ang mga roses na bigay ni Tyler. Maganda at mukhang mamahalin. Ito na ata ang unang beses na binigyan ako ng ganitong kaganda na bulaklak. Bouquet pa. Si Johann pa isa-isang piraso kung bigyan ako. Nang pumasok na si Lola sa kwarto niya ay saka ako pumunta kusina para maghanap ng mapaglalagyan ng mga bulaklak. Nahagip ng mga mata ko ang walang laman na boteng plastic ng coke. Pwede na 'to. Kumuha ako ng kutsilyo at hiniwa ang bandang nguso ng bote para lumaki ang butas. Nilagyan ko ng tubig at saka ko nilagay yung mga bulaklak. Hanggang sa ma-satisfy ko ang sarili ko sa pag-aayos at porma ng bulaklak. Inayos ko pa iyon sa gitna ng hapag kainan namin. Napangiti pa ko nang makita ang naging outcome ng ginawa ko. Matutuwa si Lola nito. I almost giggled. “Effort kung effort ah, tss!” May kaunting impit na tili ang lumabas sa'kin at napaigtad pa ako sa gulat nang marinig ko ang biglang malalim na boses na iyon. “Johann naman!” Napahawak ako sa dibdib ko. I stared at him. Nakasandal na naman siya, pero ngayon ay sa hamba ng kusina. At nakaekis ang mga braso sa kanyang dibdib niya. Ang mukha? Seryoso at madilim. Saka parang kanina pa niya ako pinapanood. Isang salita ang makakapagdescribe sa kanya ngayon. Intimidating. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa misteryoso n'yang tingin. Ba't ba ganyan ang itsura niya? He tilted his head. Na parang na-amuse siya sa'kin o sa reaksyon ko. “Kailangan bang diyan mo pa 'yan ilagay? Para ano? Makita mo palagi? Tss, malalanta rin 'yan. Porke't bouquet, espesyal na? Samantalang 'yung isang pirasong rosas na binibigay ko sa'yo tinatago mo lang.” Bahagya akong nataranta pero nagawa ko pa ring irapan siya. “Si Adrian?” Imbes na patulan siya ay inilihis ko na lang ang sentimyento niya. Sinimulan ko nang ligpitin ang mga ginamit ko. Ewan ko, bakit ganito? Kinakabahan ako. Nakatalalikod ako sa kanya pero ang lakas ng pakiramdam kong lumalapit siya sa'kin. Kaya bahagya ko siyang tiningnan. I knew it. Unti-unti siyang lumalakad papunta sa direksyon ko. Lalong naghumerantado ang puso ko. Nanumbalik kung gaano kami kalapit kanina, ka-intimate. s**t! Nagconcentrate na lang ako sa ginagawa ko kahit na medyo shaky na ang kamay ko. “Nagliligpit na siya ng gamit niya. Matutulog na rin 'yon, maaga pa ang pasok bukas.” Huminto siya sa tapat ng lamesa at tinitingnan ang mga bulaklak. “Ikaw?” Tinapon ko yung excess sa bote at tinabi ang gunting sa ibabaw ng refrigerator. Nagulat pa ko sa tanong niya. “A-Ano..ma-matutulog na rin! Kaya ikaw umuwi ka na, ilalock ko na ang pinto.” I composed myself at pinatatag ang boses ko. He heaved out a deep sigh. “Pumayag ka ba?” Mahina ngunit ramdam ko ang tampo sa boses niya. “Saan?” “Magpaligaw sa kanya?” Ngumuso ako. “Oo.” Ngumisi siya. Pero yong ngising parang dismayado. “Tss, ni hindi mo man lang pinag-isipan a. Oo agad,” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Tao siyang nagpaalam sa'kin at sa Lola ko. Sino ba naman ako para magdamot ng chance sa kanya. Desente siyang tao at may respeto kaya pumayag na ko,” Tiningnan niya ko at seryoso talaga ang mukha niya? May ano ba sa kanya, kinakabahan ako sa itsura n'yang iyon e. “Kailan mo lang 'yon nakilala tapos manliligaw na agad! Instant manliligaw. Samantalang ako..” Napalunok ako pero naiinis din. Napasuklay ako sa aking buhok. “Okay, nagegets na kita. Salamat sa concern pero sa tingin ko, mapagkakatiwalaang tao si Tyler. Binigyan ko pa lang siya ng pagkakataon, hindi ko pa sinasagot. Tawag don 'getting to know each other', d'on ko pa lang malalaman kung may chance rin na magustuhan ko rin siya--” Napahinto ako sa gulat ng bigla niyang hampasin ang upuan sa mesa. Kahoy iyon at sapat na makalikha ng ingay. “Johann! Baka marinig ka nina Lola! Problema mo?” Ngunit nasorpresa ako nang may tumahip na kaba sa dibdib ko. Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Nakakatunaw. Nakakanginig ng mga tuhod. Tinitigan niya ko at parang mag-net ay 'di ko maalis ang tingin ko sa kanya. Para akong na- hypnotize. Huminto ang paghinga ko at ang ikot ng mundo ko sa titig na 'yon. Ang nagma-matter lang ay ang pamatay n'yang titig sa'kin. Ilang segundo pa, ay siya na ang naunang nagsalita. At doon lang din ako nagising, “Aalis na ko. I-lock mo na ang pinto.” Sabay talikod sa akin. Napabuga ako ng hangin. Tiningnan kong muli ang tinahak niyang dereksyon at hinawakan ang kumakabog kong dibdib. “Ano'ng pauso 'yon?” Naitanong ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD