“EVERYONE, out.” Hindi ako kumilos kahit na ganoon ang sinabi ni Silver. Nanatili akong nakayakap sa kanya at tahimik na umiiyak. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa na nagsasabi sa akin na umaalis na ang mga taong naririto sa silid. Isang malalim na buntonghininga naman na sa tingin ko ay mula kay Yvo ang aking narinig. “Yvo, I am assigning you to be the acting Don until I recover. Ikaw na rin muna ang bahala sa pag-iimbestiga. I already gave all the necessary information. If you need anything, sabihan mo lang ako.” “Roger that, Kuya. I’ll give you an update once I find something.” Narinig ko rin ang ingay mula sa paglalakad ni Yvo nang bigla itong tumigil. “But since I am the acting Don, once I found who f*****g did this, can I decide what to do, or should I still need to consult you?