“SA tingin mo ba ay magugustuhan ito ni Silver?” Magaling na si Silver at maging si Luigi. Ang ilang tauhan din nila ay nagiging maayos na ang kalagayan. Naisipan ko na bigyan sila ng mga regalo. Parang recovery gift ganoon. “Siguro, Ma’am, kahit ano naman pong ibigay ninyo ay ikatutuwa ni Boss. Hindi mo nga lang mapapansin na masaya siya.” Napangiti ako sa sinabi ni Marco. Siya ang kasama ko, as always, with two other guards dahil hindi ko pa maisasama si Luigi. He’s still recovering. “Ito naman para kay Luigi. Sa tingin mo?” “Oo, Ma’am. Wala naman siyang karapatang umangal. E ‘di binaril siya ni Sir Silver kapag dinismaya ka.” Sinamaan ko ng tingin si Marco pero palihim ding natatawa dahil lagi siyang may side remarks. Binili ko ang mga regalo at pina-wrap na rin sila. Actually,