bc

The Mafia Don's Wife

book_age18+
12.2K
FOLLOW
86.3K
READ
billionaire
dark
forced
arrogant
mafia
heir/heiress
bxg
mystery
surrender
like
intro-logo
Blurb

MOTECALVO SERIES: MASSIMO SYLVESTER MONTECALVO

BLURB:

Si Massimo Sylvester Montecalvo o mas kilala bilang Silver ay ang kasalukuyang mafia boss ng isa sa pinakamalaking Sicilian Mafia—ang Montecalvo Family.

Silver was described as cold, ruthless, vicious, and like a venom that will poison you alive. People think that he has no weaknesses, but that ain’t true. Besides his family, Silver has another weak point—his wife. Unfortunately, a fortuitous event happened, napatay ng mga hindi kilalang tao ang kanyang asawa, and now Silver is out for revenge. He kills the people who may be suspects of murdering his wife, kahit na hindi siya sigurado kung ito nga ba ang pumatay rito.

Until one day, his men found someone in the middle of a rainy street. Agad ibinalita ng kanyang mga tauhan na nakakita sila ng babaeng kamukhang-kamukha ng kanyang namayapang asawa, and so, he kidnapped her.

Ngunit paano kung ang babaeng akala mo ay nagkataon lamang na kamukha ng iyong asawa ay may sekreto pa lang nakalakip sa kanyang katauhan. At paano kung malaman mo na ang pumatay sa iyong asawa ay hindi lang basta kalaban mo kung hindi isang taong hindi mo inaasahang magtatraydor sa ‘yo?

Will love bloom even when it started with lies and pretensions? How can you learn to love someone when both of you make a vow, sinfully? Are you ready to be entangled with the Mafia Don with the uncertainties of escaping?

WARNING: The story is a dark-themed romance. It may not be suitable for some audiences. Reader discretion is advised.

chap-preview
Free preview
SIMULA
UMALIS ako sa apartment na tinutuluyan namin. Naabutan ko kasi ang boyfriend ko na nakikipagtalik sa ibang babae. Alangan namang manatili pa ako roon. Naramdaman ko rin ang pagkulo ng tiyan ko. Gutom na ako. Nakalimutan ko ang gutom ko kanina dahil sa mga nangyari. Hindi ko naman maaaring palayasin ang ex-boyfriend kong si Ronan dahil sa aming dalawa, siya talaga ang nagbabayad ng upa ng apartment. Bumuntonghininga ako. Ang pangit talaga kapag umasa ka sa boyfriend mo, ngayong naghiwalay na kayo, hindi mo alam kung saan ka pupulutin. Akala ko kasi, kami na ang para sa isa’t isa. Geez, bullshit! Eura Karolina Taravella, you’re so f*****g stupid! Bakit ba kasi hinayaan mong kontrolin ng ex-boyfriend mong pangit ang buhay mo?! Psh, ngayong break na kami, puwede ko na siyang laitin sa utak ko. But I’m hungry. Gutom pa ata ang dahilan ng pagkamatay ko. Napatigil ako nang mapansin ang maraming sasakyan sa hindi kalayuan. Bumababa ang mga bisitang nakaitim at pumapasok sa isang magarbong lugar. Naisip ko na baka may handaan doon, at dahil desperada na ako para kumain, agad akong pumunta roon. Nakisabay ako sa mga bisita at nagpanggap na bisita rin ako kahit hindi nila alam na makikikain lamang ako. Sa dalawang babaeng nasa unahan ko, nagpanggap ako na tila ba kasama nila ako. Noong una ay pinanliitan ako ng mata ng bantay pero hindi naman niya ako sinita. Nakahinga ako nang maluwag nang makapasok ako sa loob ng lugar. Matutuwa na sana ako dahil makakakain ako ng libre. Wala na kasi talaga akong pera dahil lahat ng panggastos ko noon ay mula kay Ronan. Wala rin naman akong pamilyang matatakbuhan dahil ulila ako. Halos magtatalon pa ako sa tuwa noong una nang makapasok sa loob ng lugar, subalit ang saya ko ay agad naglaho nang mapagtanto ko kung anong pinasukan ko. Someone’s wake. Samo’t saring mura ang aking naisip dahil napagtanto ko na nasa lamay ako ng kung sino at hindi ito isang party! That explains why most of the guests are wearing black or dark colors! Gusto ko na sanang umalis, ngunit nahagip ng mga mata ko ang table kung saan may mga nakahandang pagkain. Naramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan kaya’t hindi ko na naiwasang lumapit doon. Magagalit ba ang pamilya ng namatay kung makikikain ako? Pasensya na talaga, gutom na gutom lang ako. Kumukuha ako ng mga pagkain, lalo na iyong pagkain na mukhang masarap. Alam ko na mali itong ginagawa ko pero ang sakit na ng sikmura ko na kinakain na ng malaking bituka ko ang maliit na bituka sa sobrang gutom. Habang kumukuha ng pagkain, may ilang boses akong narinig. “Poor Aneesa,” sabi ng isang babae. “Namatay agad, ang bata pa niya. Ilang taon na nga ba si Aneesa? 25 years old lang?” “Oo, ang balita ay pinatay raw ng mga kalaban ng pamilya ng asawa. Tsk, tsk, pero naniniwala ako na nagpakamatay iyan!” bulong naman ng isa. Bulong bang maituturing kung naririnig ko ang pagsasalita nila? Napatingin ako sa unahan. Hindi ko nakita iyong litrato ng namatay dahil may nakaharang pero nakita ko ang pangalan niya. Aneesa Kassandra Montecalvo. “Nahuli ata ng asawa niya na may kalaguyo kaya mas piniling magpatiwakal! Ang bali-balita naman kasi talaga ay may ibang lalaki iyang si Aneesa, nahuli na siguro ni Silver Montecalvo kaya nagpakamatay kaysa asawa niya ang pumatay sa kanya.” Ano ba naman itong dalawang babaeng ito, hindi man lang marunong igalang iyong patay. Nakuha pa talagang magchismisan. Hinayaan ko na lamang sila at kumuha ng isang pagkaing hindi pamilyar sa akin pero mukhang masarap. Nang matapos ako roon ay maghahanap na sana ako ng puwesto kung saan maaaring kumain nang may marinig ako. “Get them.” Agad na may mga lalaking tumayo at nilapitan iyong dalawang babaeng nagchi-chismisan, ang sunod na nangyari ay talaga nga namang ikinagimbal ng aking sistema na muntikan ko nang makalimutan na gutom ako. Ilang putok ng baril ang aking narinig. Pinagbabaril ng mga lalaki iyong dalawang babaeng pinag-uusapan iyong namatay. Tulala ako sa pagkabigla. May ilan din na nagulat ngunit mas piniling manahimik. Tumayo ang isang lalaki at nagulat din ako…dahil guwapo siya at matipuno. I was about to admire him when I saw how emotionless and dangerous the man is. Nilunok ko na lang ang kahibangang iniisip. “Those who will try to denigrate my wife will have the same fate as the two women. Kapag may narinig pa ako ni isang pangit na bagay tungkol sa asawa ko, hindi ako magdadalawang-isip na tapusin ang buhay ninyo rito. Understood?” Punung-puno ng awtoridad ang boses ng lalaki, na kahit ang mas matatandang tao na naririto ay tumango sa sinabi niya. I see, he is the husband! Pinapatay niya iyong mga chismosa! Ang mga nakikikain kaya, ipapapatay niya rin? Natakot ako sa kaisipang iyon kaya umalis na ako at lumabas muna. Sa labas na lamang ako hahanap ng puwesto para makakain at kapag nakakain ay aalis na agad. Nakakatakot iyong lalaki, nakakatakot na ganoon na lamang kabilis sa kanya ang tumapos ng buhay. Sa totoo lang, nawalan ako ng ganang kumain dahil sa nangyari. Nakasaksi lang naman ako ng live na pagpatay ng dalawang babae! Kaya lang naisip ko rin, kailangang-kailangan kong kumain. Kahit wala nang gana, inubos ko ang mga pagkaing kinuha ko. Sa mga nagdaang araw na wala na akong bahay, sa isang shelter house ako naninirahan. Mabuti na lamang at may mga ganitong lugar para sa homeless na kagaya ko. Isang buntonghininga ang aking pinakawalan, kahit man lang maliit na ipon ay wala ako dahil kay Ronan. Tanginang lalaking iyon! Bwisit talaga! Kung sana hindi ako nakinig sa kanya at nagtrabaho pa rin, baka ngayon hindi ako problemado nang ganito! Kung bakit ba naman kasi tatanga-tanga ka sa pag-ibig, Eura! Naghahanap naman din ako ng trabaho pero wala akong makuha agad. Mas pinipili kasi ng ilan iyong may mas mataas na credentials. Ang iba naman ay sasabihing tatawagan na lang daw ako pero alam ko na hindi na nila ako babalikan pa. Pwe! Sana sinabi na lang nila na hindi ako tanggap sa trabaho, mas katanggap-tanggap pa. Minsan nate-tempt na akong manlimos kahit ayoko. Kailangan kong magkapera at hindi umasa sa ibinibigay ng shelter house. Nasa gilid ako ng kalsada ngayon. Nagmumuni-muni ako sa kung anong dapat kong gawin sa buhay ko. Nakapaligo naman ako ngayon at nakapagpalit ng damit. Maswerte pa rin naman ako, pero hindi ako maaaring umasa sa swerte lang! I need a permanent solution to this. Bumuhos ang malakas na ulan. Buti na lamang at may bubong itong kinaroroonan ko. Tangina mo, Ronan! Kapag ako nagkaroon ng pera, putangina ka talaga. Bibilhin ko iyang apartment mo at palalayasin kitang hayop ka! I scream, internally. Hell, wala naman akong lakas ng loob ipahiya ang sarili ko rito at magwala. Ngayon problema ko pa kung paano ako makakakuha ng pagkain para mamaya. Gutom ata talaga ang ikamamatay ko. May kinuha ako sa pocket ko. Isa iyong kwintas. Hindi ko na matandaan kung saan ko ito nakuha. Ang tagal na, eh. Bata pa lang ata ako ay nasa akin na ito. Iniisip ko na baka iniwan ito ng aking mga yumaong mga magulang. Bata pa lang ako, wala na akong mga magulang. I am an orphan. Kung isangla ko kaya ito? Magkanong pera kaya ang makukuha ko? Pero mukhang importante kasi kaya huwag na lang. Muli ko itong itinago sa aking bulsa at bumuntonghininga. Habang nakasandal ako sa isang pader at pinagmamasdan ang aking sirang sapatos ay may anino akong nakita. Napataas ang aking ulo at tumingin sa kanila. Nakakita ako ng dalawang lalaki. They are wearing glasses like those for bodyguards or high-ranking security. Both have well-built bodies in black and expensive suits. Tumaas ang kilay ko sa kanila. Anong ginagawa nila rito sa harapan ko? “Bakit—” Hindi nila ako pinatapos sa aking sasabihin at agad akong hinila. Nanlaki ang aking mga mata. My heart beats so fast. Thump…thump. My heart pounded like it wanted to get free from its cavity. “Saan ninyo ako dadalhin? Hoy!” sigaw ko sa kanila at nanlaban pa pero masyado silang malakas. Inapakan ko ang paa ng isa kaya lumuwag ang hawak niya sa akin. Nakawala ako pero mabilis din nila akong nahuli. Hindi sinasadyang tumama ang ulo ko sa isang poste kaya’t agad akong nawalan ng malay. Akala ko noong una, gigising akong kaharap ko na ang manok ni San Pedro pero nagulat ako nang makakita ako ng magandang kisame. Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko at agad na hinawakan ang ulo ko. Wala naman akong ibang nararamdaman bukod sa hapdi ng ulo ko dahil sa nangyari kanina. “I told you not to f*****g hurt her!” Nakarinig ako ng pagsigaw. Nakaawang ng kaunti ang pinto ng silid. Maganda ang kuwarto pero hindi ko alam kung nasaan ako kaya nagtangka akong umalis. “We’re sorry, Don. Hindi po namin sinasadya. Nagtangka pong tumakas at aksidenteng tumama ang ulo niya sa isang psote—” “I don’t care about your pathetic lame excuse.” Kalmado naman ang boses niya but it screams menace. Mas nakakatakot pa ang ganitong tono kaysa iyong kita mo sa pagsigaw ang galit niya. Hindi na nagsalita pa ang dalawang lalaki. I tried to take peek outside just to know kung nasaan ako. “Dismissed, bago ko pa kayo mapatay na dalawa.” Nang humarap siya sa pinto ay agad akong tumakbo pabalik ng kama pero huli na ang lahat dahil naabutan niya na ako. Napatingin ako sa kanya and his dark and ruthless eyes bore into me. Napalagok ako lalo na nang mamukhaan ko kung sino siya. “You’re awake,” he said in a calm yet callous tone. Siya iyong asawa noong namatay kung saan ako nagpunta noong nakaraang araw upang makikain! Nahuli niya ba ako at ngayon ay ipapatay rin dahil nakikain ako? Napaatras ako. His presence is too much—and too intimidating! Nakakatakot ang tumayo o magpakita sa harapan niya dahil pakiramdam ko ay wawasakin niya ako nang pinong-pino hanggang sa wala nang matira sa akin. Lumapit siyang muli sa akin ngunit umatras ako. Lalong nagdilim ang kanyang mga mata nang mapansin niya ang aksyon ko. “Aneesa…” Aneesa? Naalala ko iyong pangalan ng namatay niyang asawa. Oo nga at Aneesa ang pangalan niya. “H-Hindi ako si Aneesa.” Gusto kong sabihin sa kanya na patay na iyong babaeg tinatawag niya. Panay ang pag-atras ko hanggang sa maramadaman ng likod ng tuhod ko and kama. Napaupo ako roon, wala nang mapupuntahan. Naghanap ako kung saan ako maaaring dumaan paalis ngunit iba ang nahagip ng aking mga mata. Nakita ko ang isang litrato sa night table at nalaglag ang panga ko roon. Nakita ko ang litarto ng isang babae—si Aneesa—ang asawa nitong lalaking ito. Kamukhang kamukha ko ito. Mas nadepina lang ang mukha niya at makinis dahil halatang mula sa isang mayamang pamilya. I gasped, hindi makapaniwala. She looks just like me! “Aray!” Hindi ko napigilang mapasigaw nang marahas akong hawakan sa pisngi ng lalaki. Itinuon niya ang isang kamay sa kama habang ang isang kamay niya ay hawak-hawak ako. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng magkahalong galit at isa pang emosyon na hindi ko maipaliwanag. “You will f*****g pay for cheating on me, Aneesa. I will f*****g make you pay!” Nanginig ako sa sinabi niya pero nagkaroon ako ng lakas ng loob para itulak siya. Nararamdaman ko ang hapdi sa magkabilang pisngi ko dahil sa ginawa niyang paghawak sa akin. “I am not your dead wife!” I deadpan. Umigting ang kanyang panga at walang emosyong sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahan. “You are. From now on, you are my wife. You are Aneesa Montecalvo.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
285.1K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.3K
bc

The Real About My Husband

read
24.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
89.1K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook