“NO…” Panay ang ang pag-iling ko matapos kong marinig ang balita mula kay Yvo, pero sa pamamaraan niya ng pagtingin sa akin, alam ko na hindi siya nagsisinungaling. Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Yvo. I need him to tell me this isn’t happening. “Tell me you’re lying,” sabi ko sa kanya. Hindi ko gusto na pinagsisinungalingan ako pero ngayon gusto ko na lamang sabihin niyang nagsisinungaling siya at patatawarin ko pa rin siya. Mas gusto kong kasinungalingan ang lahat kaysa katotohanan. Walang masamang mangyayari kay Silver. That can’t be! “I wish I was, Ani.” Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon. “Hinahanap na ngayon ang kinaroroonan nila. They said to expect the worst.” “Hindi! Walang masamang mangyayari kay Silver!” Ito na naman iyong matinding takot na mawawala si Silv