8: Accidentally

1500 Words
NILAYUAN na siya ni Arkin matapos nilang makapamili. Hindi na lang niya 'to pinansin at wala rin namang mangyayari kung mag-aasaran sila. Isa pa, hindi niya gusto na nagkakatotoo ang mga nababasa niya sa romance novels na parang may kung anong humahalukay sa kaniyang t'yan dahil lang sa mga pinaggagawa nito sa kaniya. Hindi siya naniniwala ro'n kaya nga ba bulate ang sa tingin niyang naglaro sa mga t'yan niya kanina. Hah! Hindi ang isang Arkin Winters ang gugustuhin niya. Napakalayo nito sa lalaking disente at normal na siyang nais niya at hinahangaan niya. Oo, tulad ng ibang babae na kaedaran niya ay humahanga rin naman siya sa kalalakihan. kapitbahay rin nila 'yon. Lihim na crush nga lang at ang mga babaeng katulad niya ay sadyang mahiyain talaga. Kung papansin siya nito, salamat. Kung hindi naman ay salamat pa rin. Kung para kayo sa isa't-isa, tadhana ang gagawa ng way para sa inyo. Gano'n kasimple lang 'yan. Naniniwala siyang hindi kailangan na magmadali. Dahil kung para rin naman sa 'yo ang anak, ibibigay 'to. Katulad na lang ng baby na tulak-tulak niya ngayon. Ang baby na cute na pagkatapos maghagikgik kanina ay tulog na naman... Napangiti na lang niyang pinagmasdan si Baby Reemo. Hindi niya pa rin akalain na ganito kabilis, nanay na siya— mapipilitan na maging nanay katulad ng kasama niya ngayon. Bigla niya tuloy naisip na kung may ugali man si Arkin na nauunawaan niya, 'yon ay ang pagkatakot sa pagkakaroon ng anak. Dahil nga may pamilya siyang sinusuportahan, takot siyang magkaroon ng anak na paniguradong makakapagpa-deadma sa mga obligasyon niya sa ibang tao. Sa kapamilya niya, to be exact. "'Kain na muna tayo, game ka ba?" untag sa kaniya ni Arkin. Gano'n 'to ka-chill na nagtanong nang lingunin niya, sobrang chill pa nga maging ang itsura nito na parang walang ginawang kalokohan kanina lang. Na parang gutom na nga siya talaga. "Ikaw ang bahala. Ikaw naman din ang magbabayad," tipid niyang sagot na lang dito. Nauna na siya na maglakad tulak si Baby Reemo. Dinig niyang nagmamando 'to sa kahera at sa nagsusupot ng mga pinamili nang makatalikod na siya. Minamanduhan nito ang mga 'yon sa kung saan ilalagay ang kanilang pinamili dahil plano nga kasing kumain na muna nito bago sila umuwi. Walang problema sa kaniya ang pagkain. Nakakatamad din naman na magluto. Pagluluto ang isa sa kinatatamaran niyang gawain talaga kaya nga mas marami siyang instant na pagkain na nakaimbak sa cupboard niya. Mas lalong walang problema kung libre pa nito 'yon. "May food ba na bawal sa 'yo? Hindi mo kinakain or anything?" tanong ni Arkin sa kaniya nang makaagapay na 'to sa paglalakad niya sa kalagitnaan ng mall. "Hmn, wala akong allergy naman sa foods. Hindi ko lang type ang mga pagkain na mahihirap bigkasin." He chuckled, do'n yata talaga 'to mahusay. "Dahil? Masarap naman 'yon ah." "Simple lang, dahil nakakawalang gana na silang bigkasin." Pagak 'tong tumawa. "You gotta be kidding me, sa smart mong 'yan, nahihirapan kang bigkasin ang mga 'yon?" "Being smart in life and being alam na ang lahat ay magkaiba pa rin naman, Arkin Winters. Ikaw kasi ay akala mo, alam na ang lahat. Napakaimposible naman na hindi ka gumamit ng dictionary sa mga pesteng pagkain na type na type mo pala, ngayon ko lang nalaman," aniya nang hindi 'to nililingon. "Woah! Grabe ka na talaga. Grabe na ang mga pinaglalaban mo sa buhay ah, I'm wondering tuloy kung saan mo hinuhugot 'yan." "Lahat naman ay may hugot. Katulad mo, kailangan mo ang mana mo dahil sa kamalasan na nangyari sa business mo last month pero hindi mo naisip man lang na ang gagawin mong panloloko sa lola mo ay may kaakibat na bagong kamalasan." Natawa na naman 'to kahit hindi naman nakakatawa ang sinabi niya. Pero buti na lang ay tumahimik na pagkatapos. Wala rin naman kasi siyang planong magpatalo rito dahil between them, naniniwala siyang siya ang tama. Maaaring hindi lang matanggap nito, dahil sino ba naman ang taong tumanggap ng kamalian? Lalo at ang taong 'yon ay kasing hambog pa nito. "Okay, I get it, sa Jollibee mo ba gusto?" "Nothing wrong. Mas madaling bigkasin ang C-1. Mas madali rin na maubos ang chicken nila dahil joy naman ang gravy na kasama." Halakhak ang sumunod na pinakawalan ni Arkin. Halakhak na hindi niya maunawaan kung bakit, e, again, hindi naman siya nagjo-joke. "Alam mo, parang nagsisimula ko nang magustuhan ang napasukan natin na situation." "S'yempre naman, ikaw ba naman 'tong may limpak nang mana na makukuha," kalmado niyang sagot. Kalmado lang talaga, wala siyang planong magpasaring pero kung 'yon ang tingin nito, puwede rin naman. Kaso ay tumawa na naman 'to. "Pero mautak kasi 'yong lola ko. Iniisip ko pa kung paano kong sasabihin 'to sa kaniya nang ako mismo." "Bahala ka sa lola mo, hindi ko na problema 'yan." "Oo naman, ako ang bahala. Pero salamat talaga sa cooperation." "Wala pa naman akong ginagawa." "Meron na. Sabi ko naman sa 'yo, siguradong makakarating na kay lola ang tungkol sa pagsasama natin dito sa mall kapag may nakakita sa 'tin. Ang nakakita pa ay ang pinsan kong kolokoy." "Halata ngang kolokoy, parang ikaw e. Wait— mukha ngang close kayo e," akusa niyang sinulyapan 'to nang nakairap. Hindi man niya gusto ang magduda pero maiiwasan ba niya? Hindi niya pa kilala ang lalaking kasama nang higit sa pagkakakilala ng mga taong malalagay sa ganitong sitwasyon na katulad nila sa proper way. "O, huwag mong sabihin na iniisip mong ako ang nagpapunta kay Knight dito. Ayon sa mga naririnig ko, ikaw 'tong writer daw nga ibang bansa." Natigilan siya na pinagmasdan 'to. Tinititigan niya 'to dahil wow, sharp din naman pala ang hudyo! "Writer nga ako online pero para 'yon sa magazine at hindi sa gawa-gawang kuwento katulad niyang ini-imply mo. Saka, hindi ako ang nagsabi niyan, ikaw. Sa bibig mo lumabas." "You're a writer, mayaman ang imagination mo." "Hoy—" "Ikaw ba 'yan, Remedios?" Magkapanabay na naman nilang nilingon ni Arkin ang ngayon naman ay tumawag sa kaniyang pangalan. Nanlaki ang mga mata niya nang matanto niyang tita niya 'yon! Isa sa mga third degree na tita niya na may kaya sa buhay kaya hindi niya nakakausap man lang kahit simpleng kamustahan. "T—Tiya Amor," pautal na pag-recognize niya rito. Nagulat talaga siya na nakita niya 'to ro'n. Of all places, of all people na kasama niya ay si Arkin pa talaga ang nakita nito with her— with Baby Reemo pa! "Oh my, nakipag-live in ka na ba?" puno ng malisya ang tono ng tita niya na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Arkin at sa baby na tahimik na natutulog sa baby stroller. Napayuko siya. Hindi niya alam ang dapat niyang sabihin sa t'yahin lalo at kasama pa nito ang anak na babae na may pagkamaldita rin tulad nito. Wala rin naman siyang magagawa kung akalain ng mga 'to na nakipag-live in na siya. May kasama siyang lalaki at baby sa mall, idagdag pa na sigurado siyang ang una nitong sinipat sa kabuuan niya ang palasingsingan niya at ni Arkin. Sa klase ng pamilya na mayroon siya, hindi na siya nagtataka. "God, nakakagulat na m—may baby ka na, Reema," anang pinsan naman niya na halos kaedad lang niya. Hindi niya gustong pabulaanan ang mga akusa ng mga 'to. Hindi rin naman siya mananalo sa mga 'to. Besides, kung may nakakaalam man ng totoo ay ang Diyos 'yon at hindi ang mga taong katulad nila na relihiyoso at takot makagawa ng kaimoralan. Ah, dati na niya alam na iba't-ibang uri ng tao ang humaharap sa Diyos at sila mismo ng mga kamag-anak niya ang patunay ro'n. "May asawa at anak ka na ngunit hindi ka kasal!" Nag-angat siya ng ulo nang akbayan siya ni Arkin at pisilin nito ang balikat niya. May pagtataka niya 'tong sinulyapan. Mariin lang siyang tinignan nito bago 'to malakas na tumikhim. "Excuse me po, kami ng partner ko ay naghahanap ng jewelry shop na maaaring bilhan ng singsing para sa nalalapit namin na kasal sana. Mawalang galang na po, baby ko po ang pinagkakaguluhan niyo at malabong maging baby ni Reema 'yan dahil kung sakali naman ay paniguradong nabalitaan niyo na ho sana na nagbuntis siya at nanganak since mukhang magkamag-anak naman yata kayo, ano po?" Nagkatinginan ang tita niya at pinsan bago ituon ang paningin nila sa nagsalitang si Arkin. "Yes, hijo, tama ka. Pinsan ko ang papa nitong si Remedios kaya nakakagulat na hindi kami invited pala sa mga nangyayari sa kaniya—" "'Ma, updated kasi 'yon, hindi invited," pabulong na pagtatama ng pinsan niya sa ina nito. Nagkatulakan ang mga 'to at nagbulungan muna saka nagpaalam na sa kanila ni Arkin. Nang makatalikod ang mga 'to ay saka lang niya nalaman na kanina pa pala niya pinipigil ang kaniyang hininga't marahas niyang pinakawalan 'yon. "See? Aksidente ka nilang nakita rito, Reema. Nangyayari 'yon." Tsk, nakapuntos tuloy sa kaniya ang hambog na si Arkin dahil sa mga panira niyang mga kamag-anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD