7: The Agreement

1518 Words
"YES, of course, bibili na lang din tayo ay pricey na," pag-agree na naman ni Knight sa kaniya. Malapad siyang napangiti. Nang sulyapan niya kasi ulit si Arkin ay para na 'tong pinagpapawisan nang malapot sa nakitang dami ng mga inilagay niya sa cart nila. Ang bilis ng karma mo, hudyo ka! Lihim siyang natawa na lang sa naglaro sa isipan. Sunod niyang pinuntahan ang mga walkers at cribs. Iniwasan niya nang tignan ang magpinsan na nakasunod naman sa kaniya at baka mapahagikgik na siya sa itsura ni Arkin Winters. "Hindi ko pa planong bumili nito, well, hahayaan ko na siguro sa misis ko ang pagpili sa mga ganitong stuff for our baby," ani Knight, tukoy ang walker na sinisipat na niya. "Sabagay, mas okay nga 'yon," kunwa'y pag-agree rin naman niya kay Knight. "Yeah, mas enjoy rin kung magkasama kami na bumili katulad niyo." Pakunwari siyang tumawa na lang sa tinuran nito. "O, gising na pala si Baby Reemo. Gusto mo siyang makilala?" baling niya sa baby. Kinarga niya 'to para maiharap niya kay Knight. "Hey, pal, meet your Tito Knight." "So cute," nice na sambit naman ni Knight sa baby na natuwa naman nang marahan na pisilin ng huli sa pisngi. "Aw, na-miss ko tuloy ang baby ko, o, pa'no, maiwan ko na kayo, lovers," paalam nito sa kanila pagkuwan. "Reema, sobrang dami naman yata niyan," kaagad na bulong ni Arkin sa kaniya nang makaalis ang pinsan nito. "Alin?" "'Yan. I mean, like that walker, hindi pa naman magagamit ni Reemo ngayon 'yan ah." "Pero feeling ko naman 4 months na 'tong si Reemo," pabalewala niyang tugon. Ibinalik na niya ang baby sa baby stroller. "Sa susunod na lang 'yan. Mahihirapan na rin tayo na mag-uwi ng mga 'yan, may crib ka pa rito." Oo, nakakuha na siya ng crib kaninang busy 'to makipag-chikahan sa pinsan nito. Anong magagawa niya? Mabilis din ang sales clerk sa mall na 'yon, na-assist siya kaagad at agad din na binigyan siya ng folded crib na magaan lang naman at hindi naman siya kumuha ng kahoy. Plastic lang na may foam ang kinuha niya. "Sige," tipid na lang niyang sabi. Ayaw rin naman niyang ma-short 'to. "Pero sa susunod ah, habang nasa atin si Reemo, bibilhin mo 'yan, 'yan, at 'yon." Tinuro niya ang mga naroon na kung ano-ano na para namang may paglalagyan talaga siya. "Sure." Wow, sumagot 'to nang buong puso. Iba rin talaga 'pag sureball nang may mana na makukuha! "Balato mo na sa 'min ni Baby Reemo ang mga 'yan." "Balato?" "Oo, balato. Reward. Gift. Saan ka bang planeta galing?" Nakairao niyang sambit. "I mean, alam ko naman ang ibig mong sabihin pero... wait— so, pumapayag ka na?" Masayang tanong nito sa kaniya. Mahi-hint ang excitement sa tonong ginamit. Inirapan niya 'to ulit. "Gaya nang nasabi ko na kanina, magkaiba ang pumapayag sa wala na 'kong magagawa kung may makakita na sa 'yo na kasama kami." "Yes! Salamat, Reema!" "Hep!" Kaagad niyang pag-awat sa akmang pagyakap nito sa kaniya. "Huwag mo nang tangkain na makalapit sa 'kin." Hindi ko pa nakakalimutan ang mamasa-masang halik na ginawa mo sa 'kin! ngali-ngali niyang idagdag. "Grabe, masaya lang naman, why don't you let me hug you?" Eksaheradong umiling-iling siya. "Hindi na, Arkin Winters. Magtigil ka sa paglapit sa 'kin. At puwede bang isaksak mo sa kukote mo 'yan ha? Na huwag akong hawakan at dikitan." "Ang sungit naman nito, manang talaga!" Pabulong lang nitong sinambit 'yon pero hindi 'yon nakaligtas sa pandinig niya. Hindi na lamang niya 'to pinansin at tumuloy na siya sa kahera ng mall. "Ikaw lahat ang magbabayad nito," aniya rito nang makapila na sila sa cashier. "Wala rin naman akong balak na pagbayarin ka 'no." Wow, talaga ba? "Goods," bagkus ay tugon na lamang niya. "Hindi tama na ang babae ang nagbabayad sa mga ganitong pagkakataon. Paano na lang kung anak nga natin talaga si Baby Reemo? Ano na lang ang sasabihin mo sa 'kin? Na ang asawa mo ay inutil? Hah! Hindi kaya ng ego ko 'yon, uy!" She gritted her teeth. Paano ay patuloy sa pagdaldal ang hudyong kasama niya habang hindi nito napupuna na ang lahat na ng nakapila ro'n sa pinilihan nilang kahera ay nakatingin na rito. "Kahit may problema ako financially, hindi ko pagbabayarin talaga ang isang babae na kasama ko. Ako dapat ang may sagot ng lahat— ouch!" "Napakadaldal mo. Lahat na ng tao rito ay nakatingin na sa 'tin, nakakahiya ka!" mahinang asik niya rito matapos niyang pasimpleng siniko ang dibdib nito. E, 'di natigil 'to sa pagdaldal. Daig pa ang babae, jusko! Nanigas siya sa sumunod na ginawa sa kaniya ni Arkin— siniksik lang naman siya nito nang makahuma 'to sa paniniko niya, hinawakan siya sa bewang niya gamit ang magkabila nitong palad at hinapit siya sa katawan nito! Sa ginawa nitong 'yon ay hindi niya maiwasan na manghina. Grabedad! Kakasabi lang niya kanina na huwag siya nitong lapitan pero hayun, hindi lang basta lapit ang ginagawa nito dahil may kung ano na siyang nararamdaman na matigas sa bandang puwitan niya— santisima! Oo, sa gitna ng mall pa talaga! Sa gitna ng mall kung saan hindi niya 'to masasapak man lang! "Layuan mo 'ko, Arkin Winters, isa," mahinang banta niya rito sa pagitan ng pagkiskisan ng mga ngipin niya sa b'wisit na nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon dito. "No," mariin nitong bulong sa kaniya. Tila bakal ang mga palad nito na nakahapit sa mga bewang niya kahit hindi pa man siya pumipiglas. "You know, tama lang sa 'yo na parusahan ng halik at ng ganito, Reema..." "B'wisit ka!" She heard him chuckled. Ang init ng hininga nito ay dumadaloy mula sa tainga niyang binubulungan nito papunta sa leeg niyang naka-exposed. B'wisit talaga 'to! "Sa ganitong paraan kasi ay siguradong mananahimik ka." Hindi siya makapiglas. Napakatagal din kasing umusad ng pila. Sino rin ba ang pipiglas kung gano'n na kahit ngayon lang niya nararanasan ang mga pinadarama sa kaniya ni Arkin sa mga oras na 'yon ay may kung ano sa kaibituran niya ang hindi nababastusan dito. Weird though. Kung nagkataon kasi na ibang lalaki 'to, siguradong maghihisterikal na siya sa galit. Maginoo si Arkin Winters pero medyo bastos at medyo pikon. Malinaw ang tila nguso ng baril na nararamdaman niyang nakatutok sa lower part ng likod niya, na alam naman nila pareho kung ano. At siguro, dahil ito lang ang nagpadama sa kaniya niyon ay may pakiramdam siyang parang okay lang 'yon 'pag ito ang gumagawa niyon. Parang halik nito, kahit ilang beses niyang sambitin na nakakadiri 'yon at basa kasi, sa kaibuturan niya, alam naman niyang pagkatapos niyang magulat ay napahawak din naman siya sa mga labi niya no'ng gabing 'yon dahil tila 'yon pinapak ng langgam na namaga. Namaga pero medyo masarap sa feeling. Oo, akalain ba niya na may gano'n pala. Ah, nababaliw na yata siya. Alam niyang lahat naman ng tao ay may landi sa katawan pero hindi sana siya, huwag sana siya, huwag sana sa lalaking 'to na grabe ang bilib sa sarili na ang lahat ng babae ay mapaglalaruan sa mga palad nito. Kailangan niyang hamigin ang sarili niya kung ayaw niyang siya na rin mismo ang magbigay ng satisfaction dito sa paulit-ulit na linya nitong 'yon. "Sure, gawin mo ang gusto mo. Kung inaakala mo na may effect sa 'kin 'yan, go lang, suit yourself," mahina niyang wika rito. Tinapunan niya rin 'to nang mapanuyang ngisi at tingin. Napatda 'to sa sinabi niya. Dama rin niyang natigagal 'to at nanigas ang mga kalamnan ngunit saglit lang 'yon dahil bumulong na naman 'to sa kaniya. Sa pagkakataong 'yon ay mas mainit para sa kaniya ang buga ng hininga nito sa hindi niya malaman na dahilan. "Gagawin ko talaga, ayokong isipin ng mga tao rito na under ako sa 'asawa' ko," pagbibigay diin pa nito sa salitang 'asawa', maliwanag na tinutuya siya. Ginantihan niya 'yon ng pagak na tawa. "Mukha ka naman kasing aso talaga na susunod-sunod sa amo, Arkin Winters." Sa sinaad niya ay mas naramdaman niya pa ang tumutusok sa kaniyang likuran— Gagong Arkin Winters talaga! Walang kahihiyan ang hudyo! "Alam mo ba na nagba-blush ka ngayon, Remedios Valderama...hmn?" "Tang—" ang mura na sana ay pakakawalan niya ay naudlot na nang sa wakas ay umusad na ang pila at layuan na siya nito para itulak ang baby stroller ni Baby Reemo. Habol niya ang hininga sa tinitimping inis nang makalayo na 'to sa kaniya. Pinukol niya 'to ng masamang tingin. Sa inis niya ay malawak lang siyang nginisian ng hudyo! "Here's my card," ani 'to, nilapag ang card na tinutukoy sa palad niyang ito na rin ang kumuha upang mailagay nito ang card do'n. "use it." "Talagang gagamitin ko 'to at sasagarin pa amg savings dito hangga't gusto ko," gigil niyang tugon dito. Sa mas lalong inis niya, sinaladuhan lang siya nito sa pagkakataong 'yon. Sinaladuhan siya at para siyang tanga na kahit inis na inis na siya kay Arkin sa mga oras na 'yon ay nagawa niya pang maramdaman ang tila mga bulate niya sa t'yan na nag-party na yata ro'n...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD