9: The Set Up

1508 Words
"ANO 'yang ginagawa mo?" "Ha? E, ano ba ang nakikita mo?" simpleng sagot ni Reema sa nakakatangang tanong ng driver sa sarili nitong kotse na si Arkin. "G—Gagamitin mo na 'yan?" parang tanga pa rin nitong tanong. She rolled her eyeballs. "Bayad na 'to, hindi na bawal na gamitin." Besides, kaya nga niya sa backseat ng kotse pinalagay ang supot kung saan nando'n ang baby carrier e, para magamit na niya. "W—Why don't you wait for—" "Shut up ka na lang d'yan, bababa rin naman kami ni Baby Reemo sa kotse so, maaari pa na magamit namin 'to 'no!" "Huwag na muna, okay? Ibalik mo ang seatbelt mo." "Nah, hayan at nasa loob na tayo ng Blooms, ginawa mo 'kong walang isip ka." Umiling na lamang 'to at sinulyapan siya na parang sinasabi na bahala na siya sa trip niya. Good. Dahil gagamitin naman niya na talaga ang baby carrier dahil kapuna-puna naman kasi na sanay ang baby sa karga. Mas payapa ang buhay ni Baby Reemo habang karga siya kaya ngayon pa lang ay natutuwa na siyang isipin na masisiyahan 'to sa baby carrier. "You know, thank you for this ha," naalala niyang magpasalamat sa katabi dahil ito ang bumili niyon. "No problem." "Salamat po sa balato, Papa Arkin," she even added. To her surprise, Arkin laughed. Hala, e, inaasar niya kaya 'to! Sa huli talaga siya pa rin ang asar talo sa tawa nito. 'Kainis! "Anyway, hindi ko alam kung dapat ko pa bang buksan sa 'yo ang tungkol sa mga kamag-anak mo, Reema, but..." "Salamat nga pala rin do'n. Hindi ko man akalain na darating ang araw na pasasalamatan kita, salamat pa rin. Kung ako lang kasi mag-isa ay hindi ako makakasagot. Masyado silang gano'n para sagutin ko pa." He chuckled. "Masyado silang ano? Bakit gano'n?" "Nothing. Ayaw ko lang na magsalita sa kanila ng kung ano-ano, kung gagawin ko kasi 'yon ay para ko na rin silang ginaya." "Pero pagdating sa 'kin, hudyo at hambog?" Lukot ang ilong na sulyap nito sa kaniya. Siya naman ang natawa. "Hindi ka kasali. Ah, come to think of it, ikaw lang pala ang nakakapagpalabas ng bad side ko!" "Ouch, para mo na ring sinabi na bad influence ako." "No. Hindi mo naman ako maiimpluwensyahan 'no." "Mukha nga." "Salamat nga pala sa Jollibee," naalala niya rin 'yon, "Masarap pa rin talaga siya 'pag may kasama kang kumakain niyon sa labas," nasambit na niya bago niya pa maaawat ang sariling sabihin 'yon. 'Yon naman kasi ang totoo niyang feelings sa pagkain nila sa pamosong fastfood kanina. Wala lang, masyado lang siguro siyang nasanay rin na mag-isa kaya iba ang feeling para sa kaniya nang may makasama siyang kumain sa labas. Lalo at ang kasama niya ay ito, na masarap asarin. Oo, naaasar niya si Arkin sa simpleng pagbabalewala niya rito nang sinasagot naman niya ang bawat sinasabi nito. Sabi pa nga nito ay siya lang ang kilala nitong nakakagawa niyon. Kung ano ang ibig nitong sabihin do'n ay ito lang ang nakakaalam. Basta siya, masaya sa extra gravy ng Jollibee. Nabusog siya sobra. NAPANGITI na lang si Arkin sa sinabing 'yon ni Reema. Ngiti na mas lumawak pa nang masulyapan niya 'tong nakangiting inayos si Baby Reemo sa harapan nito. Naisuot na kasi nito sa sarili ang baby carrier kahit pa inawat niya 'to dahil sa seatbelt kanina. Naisuot na at nailagay na rin nito ang baby na halatang natuwa sa puwesto ginawa ng ina-inahan. Kung hindi inakala ni Reema na pasasalamatan siya, well, siya naman ay hindi niya inakala talaga na masisiyahan siyang pagmasdan 'to at si Baby Reemo. In fact, natutuwa nga siya na parang hindi na kinailangan ng baby na mangilala samantalang kanina lang nila 'to nakilala. Oo, kanina lang pero para na silang magkakasama nang matagal na tatlo. May gano'n pala. Na kung siya ang klase ng tao na naniniwala sa destiny ay baka napaniwala niya ang sarili niya ngayon na nakatakda sa kanila nito si Baby Reemo. 'Yong sa tagal nilang magkapitbahay sa Blooms, isang baby pala ang nakatakda sa kanila upang magkaroon sila ng pagkakataon na kahit paano ay magkakilala at hindi puro bangayan at asaran sa tuwing nagkikita. Para naman kasing bata ang babaeng katabi niya. Kada makikita siya ay para rin 'tong naglilihi. Kaya nakakagulat na natameme 'to kanina sa harap ng mga kamag-anak nito. Well, kung ayaw nitong pag-usapan ang tungkol do'n ay karapatan naman nito 'yon. Hindi lang siya matahimik talaga sa isipin na gano'ng klase pala ang mga kamag-anak nito na sa pagkakaalam naman niya ay mga relihiyoso. Ang mga ito pa nga raw ang nangunguna sa tuwing may padasal sa Blooms. Ah, maalala niya, sa bawat padasal ay hindi siya nagpupunta kaya tinawag siyang hudyo ni Reema. Pinangatawanan na lang niya 'yon dahil ahm, sige na nga, aaminin niyang natutuwa siya na naiinis niya ang manang na kapitbahay. Mahinhin kasi 'to at manang pero pagdating sa kaniya ay amasona naman. "Hoy, tumatawa kang mag-isa, nababaliw ka na ba?" untag ni Reema sa naglakbay na pala niyang diwa. Naglakbay na 'yon at nakahinto na sila sa tapat ng bahay pero hindi pa siya nagpatay ng makina. Nauna na tuloy ang huli na bumaba. "Inaantok na 'ko, Baby Reemo..." Naulinigan niyang pagkausap nito sa baby na karga-karga habang nauna nang pumasok 'to sa bahay niya. Oo, sa bahay niya. Kanina kasi sa kotse ay napag-usapan na nila ang magiging basic set up nila sa pagkupkop sa baby at nauna na nga ro'n ang pagbibigay nila ng susi ng bahay ng bawat isa. Para sa tuwing kailanganin nila ang isa't-isa ay kaagad silang mapupuntahan ang isa. Sa totoo lang ay may naisip nga siya na mas makakapagpagaan sa sitwasyon na napasukan nila. Sana lang ay pumayag 'to. "Dito mo na lang assemble 'yong crib, Arkin, o?" anito sa kaniya, tukoy ang parte ng sofa. "Hmn, naisip ko nga rin na ilagay na lang dito para easy access sa 'yo," tugon naman niya. Maaari naman niyang iurong ang coffee table niya. "Ay kaso, sa sofa ka matutulog?" Nagkibit balikat siya. "Yeah, gano'n talaga. Ikaw na rin nga ang may sabi." Hindi niya alam kung guni-guni lang niya na napakagat 'to sa lower lip nito para awatin ang ngiti dahil kaagad naman na 'tong tumalikod. Inayos na niya ang crib habang ito ay naghugas sa lababo ng mga pinamili nilang feeding bottles at milk dispenser. "Bantuan mo ng warm water ang mga bote at milk dispenser mamaya, Arkin. Then, 'pag tuyo na lahat, saka mo handaan ng formula milk at tubig ang mga dede ni Baby Reemo," utos nito sa kaniya nang matapos na 'to sa paghugas ng mga nabanggit. "Sure, susundin ko lang ang nakasulat sa formula milk, right?" "Yes, kaya nauso 'yan para itataktak mo na lang sa dede ang gatas 'pag nagising kayo ng alanganing oras ni Reemo, nagugutom daw kasi ang mga babies ng wee hours. Actually, gutom sila palagi kasi nagpapalaki raw. Wait, check ko lang kung kada ilang oras para sure," sabi pa nito na animo ay nanay na nanay. Hindi niya napigilan na matawa. "What? Ano ang nakakatawa sa sinabi ko?" Nakangiting nilapitan niya 'to at nameywang siya sa harap nito. "Let's talk about this young man." "How about me, Papa Arkin?" Cute naman pala si Mama Reema mag-joke. "Listen, alam kong may trabaho ka sa umaga at gabi, Reema." "Yes, pero hindi naman ako nagrereklamo. Ang sa 'kin lang ay sa 'yo muna siya tonight." "No, not about it, really. I mean, tutal ay matutulungan niyo na 'ko ni Baby Reemo sa mana ko na naka-freeze, gusto kong mapapayag ka na ikuha ko siya ng yaya na pasasahurin ko mula sa mana na 'yon para naman mas okay sa 'tin, magiging busy na rin ako sa trabaho 'pag nagkataon." "Ah, wala naman akong nakikitang masama ro'n." "Good, para rin sa 'tin 'yon." "Okay lang sa 'kin basta huwag mong kalilimutan na alagaan pa rin si Baby Reemo. Huwag kang madaya." He chuckled. Nakaka-amaze talaga ang mga pinagsasabi nito. Hindi na siya sumagot at pagsang-ayon lang naman nito ang gusto niyang marinig. "So, for now, sa akin na muna si Baby Reemo. Heto na po, aalagaan na." Halatang nagulat 'to sa ginawa niyang pagkalas sa lock ng carrier, nanigas kasi 'to gaya kaninang inasar niya 'to sa mall. Man, napakasiraulo niya kanina pero hindi na niya naawat ang sarili kasi at nainis siyang talaga nang tila siya ina-under nito sa harap ng maraming tao. Ngayon lang niya na-realize na mali 'yon. "Let me hold him, baka may masagi ako," pagbibiro niya na agad naman nitong nakuha dahil nakita na naman niya ang pamumula ng paligid ng ilong nito. "Gago ka talaga, Arkin Winters!" Tuluyan siyang natawa dahil ngayon natuloy ang mura na sana ay pakakawalan nito kanina sa kaniya. "Sorry nga pala kanina. Isipin mo na lang testing 'yon 'pag nag-asawa ka na. Hindi matutuwa ang isang lalaki na sigawan at saktan in public places, Remedios, at 'yon ang tanging parusa na maibibigay namin sa mga babaeng tulad mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD