bc

Baby Natin, Kunwari {COMPLETED | FREE}

book_age16+
1.8K
FOLLOW
4.4K
READ
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED | TAGALOG

Kakagising lang ni Arkin, ni hindi pa siya tapos humigop ng kape nang may kumatok sa pinto niya— ang kapitbahay niyang masungit at manang na si Reema.

"Anak mo, naligaw sa pinto ko," anang bungad nito sa kaniya nang pagbuksan niya ng pinto.

Hindi pa man nag-sink in sa kaniya ang sinabi nito ay pinasok na ng babae ang baby stroller sa loob ng bahay niya.

"What the hell?"

"Anak mo nga."

"A—Anak...?"

"Congrats, tatay ka na pala!"

Siya? Tatay na? Sumumpa man siya na ang lahat ng babae na dadaan sa palad niya ay paiiyakin na niya, wala naman sa plano niya ang anak!

Ang ending, napilitan silang akuin ang bata. Naalala kasi niyang kailangan nga pala niyang mag-asawa upang makuha na niya ang naka-freeze niyang mana mula sa kaniyang namayapang abuelo. Mana na makukuha lamang niya 'pag nag-asawa na siya...

Maisahan kaya nila si Doña Matilde? Gayong alam nila ni Reema na sa dulo nito ay kailangan pa rin nilang ibalik ang bata sa tunay na mga magulang nito...

©May 2022 | Luna Margaret

***

[STORY WRITTEN IN TAGLISH]

chap-preview
Free preview
1: Ang Mana
Trigger warning: -Premarital s€x -Annoying characters -Bad language What to expect: -Hulsam -Sweet -Cliché -Fast read romcom ***** "PROBLEMADO ka sa proyektong 'yan dahil sa krisis na nangyari sa firm mo noong nakaraang buwan, tama?" "Exactly, Knight!" Knight smirked and glanced at him, bago 'to tuluyan nang pumasok sa office nito kung saan siya ay nakasunod naman sa likuran nito. Usual scene nilang magpinsan 'yon sa tuwing darating siya sa jewelry shop na pag-aari nito. Jewelry shop kung saan ay kasosyo siya nito. "Grabe ang laki ng ospital na 'yon. Kayang-kaya na naming pagtulungan 'yon. Saka, chance na 'yon ng firm ko. Mabu-boost pa ang negosyo namin kung makukuha namin ang proyektong 'yon ng mga tao ko. E, ito naman kasing si Architect D, hindi ko makontak. Hindi ko naman masisi at ngayon lang 'yon nag-leave mula nang itayo namin ang firm," dagdag pa niyang tugon sa pinsan na si Knight, tukoy niya ang kasosyo na kaibigan at kasosyo na arkitekto. "At? Gusto mong magpakawala ako ng gano'n kalaking pera? Tama rin?" "Yes. Oo, sana. Kung puwede lang naman..." Umiling 'to, itinuon ang pansin sa mga papeles na nasa harapan nang makaupo na 'to sa swivel chair. "Sige na naman, Knight," pakiusap pa niya rito. Malaki kasi talaga ang kagustuhan niyang makuha ang proyektong 'yon. Isa 'yong malaking proyekto na kayang-kaya niyang kunin kung hindi lang sana dumaan sa krisis noong mga nakaraang buwan ang construction firm niya. May pera pa naman siya, kaya lang ay hindi niya maaaring sagarin 'yon. Ang isang ospital na proyekto lalo at malaki nga ay nangangailangan din ng malaking budget. Isa pa, hindi pa naman sikat ang kaniyang negosyo upang sugalan ng client nang gano'n na lang. Kailangan niyang magpa-impress muna sa mga 'to, s'yempre. And speaking of impress, sino pa ba ang maaari niyang malapitan, e, 'di si Knight Winters. Mas mayaman 'to sa kaniya, mas g'wapo lang siya. Binalik nito ang pansin sa kaniya. Matiim at nababagot siyang tinignan nito habang ang isang siko ay itinukod sa arm chair at ang mga daliri ay pinahinga paikot sa isang pisngi. "Arkin, sa lahat ng problemado sa negosyo, sa lahat ng may binabayaran na mga tauhan na naaksidente at may inaayos na danyos, also, may kasong dapat asikasuhin o bayaran, ikaw 'tong nakukuha pa na mamasyal sa kung saan-saan, tama rin ako 'di ba?" Napabuntonghininga siya at napakamot sa sariling batok. "Knight, nagsasaya lang naman ako sa mga problema na napagdaanan ko..." "Problema na alam mong mangyayari pero binalewala mo." Hay, daig pa talaga niya ang nagsimba 'pag ang pinsan niyang 'to ang kausap. "Of course, hindi ko naman ginusto na mangyari 'yon at hindi ko rin inaasahan 'yon. Maging si Architect D ay nagulat. Aksidente 'yon—" "Mali. Inaasahan mo 'yon. Inaasahan mo and yet, sinige mo pa rin. Ikaw na rin mismo ang nagsabi sa 'kin, remember?" Kakamot-kamot tuloy siya ulit sa sariling batok. "Haist, tapos na 'yon, nangyari na. Inaayos ko naman na at alam komg responsibility namin 'yon ni Architect D. Knight, sayang kasi talaga 'tong project na 'to. Dito ako makakabangon mula sa inilugi ko sa nangyaring aksidenteng 'yon." "Kumusta nga pala ang mga naaksidente?" "Okay na. Wala naman silang malalang pinsala." Kibit balikat niyang sagot. "I can't believe you! For a businessman, napakapabaya mo." Nakaingos nitong sambit. Anong oras kaya matatapos sa sermon 'to? Hindi na bale, mapa-oo niya lang 'to ay worth it naman ang makinig sa sermon ni Father Knight Winters. "Kaya nga gusto kong makuha ang proyektong 'to e, para naman makabili na 'ko ng mas magandang mga materials and equipments. Alam mo naman na hindi pa gano'n ka-boom ang firm ko ah." Siya kasi talaga ang mas malaki ang share ro'n sa kanilang dalawa ng arkitektong si D. "Hindi pa gano'n ka-boom kasi nga, tinipid mo! Kung hindi mo tinipid 'yan mula't simula, sana ay katulad na 'yan nitong jewelry shop." "Knight naman. Nakakasakit ka na." Pagpapaawa niya. Try niya lang kung makukuha niya 'to sa paawa na strategy. Baka lang naman. "Hah! Ngayon ay aartehan mo 'ko na parang ang bait mo. Dito nga lang sa shop ay kakapiranggot na ang ambag mo. Mabuti nga at hindi kita dinaraya sa pasahod." "Kaya nga advance mo na. Pasensya na, man, gipit lang." "Tsk!" "Sige na, Knight, wala naman akong ibang malalapitan." Natigilan 'to at tumayo, namulsa habang patuloy siyang matiim na pinagmamasdan. "Mali, Arkin." "Ano?" "May iba ka pang malalapitan. Hindi totoo 'yang sinasabi mo na ako lang." "Haist, sino naman 'yan? Ikaw lang naman 'tong nilalapitan ko sa tuwing nagkakaproblema ako." "Si Doña Matilde." Lola niya sa father side ang tinutukoy ng pinsan niya. Si Knight kasi ay pinsan niya sa mother side. Si Doña Matilde ay nakahiga na nga sa pera nito. kaso lang ay hindi siya makakalapit do'n kahit pa ba sa mga apo nito ay siya ang masasabing pinalaki nito. Paano ay namatay na ang kaniyang ama no'ng siya'y siyam na taon pa lamang. Wala naman din siyang nanay. Hindi niya nakilala ang nanay niya. "Naku, Knight, alam mo naman na masungit sa 'kin 'yon pagdating sa pera at hindi ko naman hinawakan ni isa sa mga negosyo niya," tugon niya rito. Totoo naman kasi 'yon. Never pa niyang sinubukan na lapitan ang abuela patungkol sa usapin na pera dahil nga sa mga pinsan niya sa mother side ay siya 'tong walang ambag kumbaga sa mga negosyo nila. May sarili siyang negosyo at ayos na siya ro'n. Hindi rin kasi niya saklaw ang klase ng negosyo ng mayroon ang mga Hondradez—family name ng mother side niya. Kaya naman niya pero masyadong magulo ang mga kamag-anak niya sa mother side. Sila-sila rin ang nagtatalo sa pera. Iba pa rin 'tong pinsan niya sa father side na si Knight. And of course, iba pa rin ang may sarili kang negosyo. "Well, wala naman akong sinabi na hawakan mo ang negosyo niya," untag ni Knight sa nilakbay na ng isipan niya. "Basta, ayokong lapitan si Doña Matilde, okay? Alam mo naman na hindi rin ako umuuwi ngayon sa mansion." Hindi siya umuuwi sa malaking bahay ng abuela dahil ayaw niyang hamakin siya ng mga pinsan niya patungkol sa nangyari nga na aksidente sa negosyo niya no'ng nakaraang buwan. Though, siya lang naman ang kasama ni Doña Matilde sa bahay nito, pumupunta naman do'n paminsanan ang mga pinsan at mga magulang ng mga 'to upang magpalapad ng papel sa abuela nila. 'Yon na nga mismo, magpalapad ng papel, na siyang hindi niya ginawa kahit kailan. "Wala rin naman akong sinabi na lapitan mo siya." Kumunot ang mga kilay niya sa pagtataka. "Ows? E, ano ba? I mean, man, alam mo naman ang stand ko sa pamilyang 'yon. Ikaw sa lahat ang nakakaalam." Dahil dito lang naman siya nagsasabi ng mga sama ng loob niya. Masiyahin talaga siya sa panlabas pero emo siya inside. At ang emo side niya ay parating sinasalo ng pinsan na kaniyang kaharap ngayon. Knight leaned forward at him. Nakatukod ang magkabila nitong braso sa office chair nito habang siya ay nakaupo naman sa dulo niyon gaya nang nakagawian na niyang puwesto sa tuwing guguluhin niya 'to sa opisina nito. "Hindi mo na ba naaalala ang mana mong naka-freeze kay Doña Matilde, Arkin?" Natigilan siya. Oo nga pala, bakit nga ba nakalimutan niya na ang tungkol do'n? Nang mamatay kasi ang asawa ni Doña Matilde na kaniyang abuelo, may apat na taon na ang nakalilipas, pinamanahan siya niyon s'yempre. Pinamanahan siya ngunit may kaakibat naman na kondisyon... At sa pagkaalala niya sa kondisyon na 'yon ay nalukot ang kaniyang ilong. "Hindi puwede 'yon. Hindi ko rin 'yon makukuha." Knight let out a breathe. Saka 'to umayos ng tayo at napahalukipkip na iningusan siya. "'Yon ay dahil ayaw mo pang mag-asawa." Exactly! Asawa o mag-ina, 'yon ang kondisyon na kailangan niya upang makuha niya ang man na binabanggit ng pinsan niya. "Masyado pa 'kong masaya sa buhay ko para magpatali sa isang babae. Saka, hindi naman agad-agad ay makakabuo ng bata," katwiran pa niya. "Mag-ina ang condition ng mana na 'yon at hindi basta asawa lang." Naumay na kasi ang abuelo siya sa kakapalit niya ng babae no'n. Naumay ang namatay niyang abuelo sa kabilaan na babae na naugnay sa kaniya na umabot na sa puntong natakot 'to para sa kaligtasan ng kalusugan niya na para naman sa kaniya ay OA lang at kaya naman niyang alagaan ang sarili. "Kahit na." "Hoy, Knight Winters, hindi mo alam ang sinasabi mo." "Look, twenty seven ka na pero palpak naman 'yang negosyo na sinimulan mo." Ouch! "Hindi naman palpak, grabe ka. Hindi ba puwedeng minalas lang?" "Sige, minalas na kung minalas. But think of this— twenty seven is not young, man. Puwede ka nang mag-asawa. Baka nga asawa ang kailangan mo na upang magtanda ka. Upang magtino ka na at hindi na gawing biro ang lahat ng bagay." "Hindi ko makita ang koneksyon," iritang wika niya pa rito. "Kung may asawa ka na, magbabago na kasi ang pananaw mo sa buhay. At sa tingin ko, 'yon nga ang nais ng lolo mo. Look at me, I'm married and contented." "Ikaw 'yon." Pagak na natawa na lang 'to nang talikuran na niya 'to. Pag-usapan na nila kahit ang pinakamahirap na iresolbang math, huwag lang ang tungkol sa pag-aasawa niya. Hah! Masyado pa siyang masaya sa buhay para mag-asawa. Wala siyang balak magpaloko na naman sa mga babae. Oo, nilalahat na niya, hindi naman kasi biro ang sakit na pinagdaanan niya sa mga 'to. Kaya nga ba magmula niyon ay sumumpa siyang hinding-hindi na magseseryoso sa kahit sinong babae. At may seseryoso pa ba sa usaping asawa at anak? Damn it!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
72.8K
bc

His Obsession

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
117.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
22.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook