15: Unspoken Feelings

1564 Words
ANG tungkol sana sa mga magulang ni Baby Reemo ang ayaw niyang mabanggit kay Reema ngunit sa nakikita niya ay katulad na rin niya 'to na masyado nang attached sa bata kaya tulad niya ay nararapat din lang na ipaalala niya 'yon dito gaya nang pagpapaalala niya sa kaniyang sarili niyon. "Hush, that's okay, you know, gano'n talaga, Reema." Tahimik na tumangis 'to sa shirt niya. Minsan ay ang gago niya lang, nananahimik ang isang tao, paiiyakin niya. Ah, malay niya ba naman na iyakin pala ang babaeng ubod ng sungit at tapang na katulad ni Reema? Malay ba naman niya na ang kapirasong salita niua patungkol sa mga magulang ni Baby Reemo ay sobrang magpapaiyak dito? Maingay na sumisinghot na nga ito sa dibdib niya. "Reema... alam mo naman na nagpapalaba lang ako, huwag mong singahan ang damit ko, kawawa naman ang laundry service na naglalaba," pabiro niyang sambit para tumahan na 'to. Sa gulat niya ay hinampas siya nito sa dibdib. "Kasalanan mo 'to, pinaiyak mo 'ko!" He chuckled. Ah, bayolente rin talaga... "Naiiyak ako, naiiyak ako na hindi mo na 'ko kailangan dahil nandyan na si Abby. Kahit ang kakainin mo, siya na ang mag-pe-prepare, ang salbahe mo talaga!" Pagak siyang natawa. "'Yon ba ang pinagseselos mo pa bukod sa siya na ang mag-aalaga kay Baby Reemo from now on?" Singhot lang ang sinagot nito. "Aw, I never knew na gustong-gusto mo pala na inaasikaso kami ni Baby Reemo. I thought, si Baby Reemo lang." "Manhid mo kasi!" Still chuckling, hinawakan niya ang palad nito na pinanghampas sa kaniya, saka niya 'to marahan na hinila palayo sa kung saan sila nakatayo. May pagtataka man sa facial expression nito nang lingunin niya, nginitian naman din siya nito at walang ano-ano'y nakisabay na 'to sa takbo niya. Oo, sa gitna ng kalsada ng Blooms Subdivision, sa gitna ng mga street lights nang gabing 'yon, hinila niya 'to at pinatakbo. Kung hindi nga sila kilala siguro ng mga aso ro'n ay hinabol na sila ng mga 'yon dahil malakas din na nagkatawanan na sila na sinabayan ng mga alagang aso ng mga kapitbahay nila ng malakas pero tila nasisiyahan naman na mga kahol. Nagkatawanan sila na mas lalo pang lumakas nang parang nakiisa ang langit sa lungkot nila sa mga sandaling 'yon nang unti-unti nang umiyak ang langit... Bumitiw mula sa pagkakahawak niya sa palad nito si Reema, saka parang bata na sinalo ng dalawang palad ang ulan. Tahimik na nasisiyahan niya 'tong pinagmasdan lang. Kung hindi pa sana 'to nagsalita ay magkakasya na lang siya sa pagtingin dito habang may hindi maitatatwang ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi... "Alam mo ba na never kong naranasan na maligo sa ulan?" Nagulat man siya sa ni-reveal nito, hindi siya nagpakita ng reaksyon. Mukhang nasa mood 'tong magkuwento at aaminin niyang pinanabikan niya ang araw na 'yon. Kung bakit, hindi pa malinaw sa kaniya. Basta gusto niyang makilala 'to nang higit sa pagkakakilala na niya rito sa mga nakalipas na araw. Nais niya 'tong makilala ng higit pa sa tamad 'tong maghilamos at maligo sa tuwing nasa bahay lang. Na napakasungit man nito ay napakamaasikaso naman. Pamilya, 'yon kasi ang binigay ni Reema sa kaniya at ni Baby Reemo. Pamilya na wala siya. He maybe thankful sa lola niyang nagpalaki sa kaniya pero iba pa rin pala ang tunay na karanasan sa pagkakaroon ng sarili mong pamilya na maituturing. At ang lungkot lang isipin na hindi man niya hiniling, binigay man sa kaniya ay babawiin din. "Bawal kasi akong maligo sa ulan, dadami raw ako," she said continuously. "And who the hell said that?" Kunot noo niyang tugon. Ito naman ang pagak na natawa. "Pamilya ko. Pamilya na ewan ko ba kung pamilya ang turing sa 'kin." Ah, ang lungkot. Magkaiba sila nito dahil siya naman ay wala talagang pamilya na dinatnan nang isilang siya sa mundo pero ito, mayroon nga ay gano'n naman dito. And somehow, alam niya 'yon. Dama niya. Hindi totoong manhid siya. Dama niyang pareho sila nitong nananabik sa pamilya at pareho silang na-enjoy ang kunwariang pamilya na kanilang binuo. Siya, ito, at si Baby Reemo. "Alam mo rin ba na hindi ko pa 'to nasasabi kahit kanino?" Nakaingos nitong sabi. "Ows? So, bakit mo sinasabi ngayon sa 'kin 'yan?" Mayabang niyang tanong, pinagkrus niya ang mga braso at nakataas ang mga kilay niya rito. May gusto ba siyang marinig mula rito? Well, maybe. Or maybe, meron naman talaga... "Kasi special ka e. Special child ka kaya." Natawa siya. "Special child ka rin naman, look at you, ang saya mo sa ulanan." "Masaya naman talaga ang magpaulan," ani nito, hindi pansin ang sarili o wala nang pakialam kung nakabakat na sa suot ang hubog ng katawan na itinatago lang parati sa mga damit na loose. Marahas na napalunok siya nang mamasdan niya ang kabuuan nito. "Uhm, Reema, I think—" Hindi na niya natuloy ang sana ay pagsaway niya sa babaeng masyadong natutuwa sa ulan. May umentra kasi... "Reema, nagdala ako ng payong— I'm sorry, akala ko mag-isa ka lang..." Hindi nakaligtas sa kaniya ang paglaki ng mga mata ni Reema nang ma-realize nitong si Hari pala ang lumapit dito, may dalang payong. Huli na nang ma-realize naman niya ang gagawin ng babaeng tinamaan na nga yata ng magaling— nagtago 'to sa likod niya! "Ah, Hari, ano, ano kasi..." Hahagalpak sana siya ng tawa kung hindi lang may kung anong namuo na inis sa dibdib niya nang mahuli niya kung paanong pagmasdan ni Hari ang katawan ni Reema. Lalaki siya. Alam niyang ilugar ang kalokohan niya ngunit ang isang 'to... "Magkasama kami ni Reema, as you can see, man, so, please get lost," hindi na niya naawat ang sarili na sabihin 'yon sa lalaking pino-flaunt talaga ang mga muscles. Kung hahamunin man siya ng suntukan nito at kung inaakala nito na kinatatakutan niya ang katawang 'yon, hah! Maigi pang mag-isip na muna 'to dahil hinding-hindi ito makakaisa. Sa naisip niyang 'yon ay awtomatikong napahigpit ang hawak niya sa pulsuhan ni Reema. "Let's go home, Reema." Ewan niya, mamaya siguro ay maaanalisa niya rin kung saan galing ang possessiveness na lumukob sa kalooban niya sa mga sandaling 'yon. Ang mahalaga ngayon ay ang mailayo niya 'to sa crush nitong hindi niya alam kung ano ang hinangaan nito ro'n. 'Di hamak na mas g'wapo siya, minsan ay luko-luko siya pero maginoo naman siya kumpara sa crush nito na walang habas nang tignan 'to mula ulo hanggang paa na para bang walang ibang tao sa harap nito na makakakita. Hindi niya kailan man naisipan na gawin 'yon sa isang babae, unless, well, of course, kung ang babaeng 'yon ay nakahain na sa kaniya. "Get dressed, baka magkasakit ka pa," kaagad niyang utos kay Reema nang makarating na sila sa pintuan ng bahay nito. "Thank you sa gabing 'to, Arkin." Napangisi siya. "Nagpapasalamat ka ba dahil tinulungan kitang mauntog sa paghanga mo sa Hari na 'yon?" Inirapan siya nito. "Nagpapasalamat ako sa 'yo dahil bukas ay siguradong may lagnat ako at hindi ko mababantayan si Baby Reemo. So, walang rason para malungkot ako." Natigilan siya. May na-hint pa rin siyang lungkot sa boses nito pero kung hahayaan niya 'tong malunod sa kalungkutang 'yon ay para saan pa ang ginawa niya kanina na paghila rito sa ulanan upang kahit paano ay makalimutan nito ang lungkot na 'yon? "You know, may kasabihan tayo na ang mga taong naliligo sa ulan ay dalawa lang ang rason." "Naku, ano na naman 'yan?" Nagkibit siya ng mga balikat. "May mga taong gusto lang na mabasa sa ulan at may mga taong gusto lang na damhin ang ulan dahil sa pamamagitan niyon ay maaamin nila sa kanilang sarili ang tunay nilang nararamdaman." "Saan mo naman 'yan narinig?" "Sa t***k ng puso mo." Ito naman ang natigilan sa pagkakataong 'yon. Patlang. Kung bakit sila parehong natigilan at nanatiling nakatitig lang sa isa't-isa ay wala naman yatang tamang salitang makakapaglarawan. Basta, masarap lang titigan si Reema, ngayon na nakapaligo na 'to sa ulan. Basta, ngayon niya mas napagmamasdan ang maliit na mukha nito, ang mga mata nito na tila siya nananalamin do'n. "Same boat," untag nito sa pasumandaling katahimikan na namayani sa kanila. Wala siyang sinagot. Basta nanatiling nakatitig lang siya rito. "Pareho tayong nakahanap ng pamilya sa isa't-isa, sa tulong ni Baby Reemo." "Uh—huh." "At gusto kong matapos ang gabing 'to sa isang halik." "Hmn?" "Magagalit ka ba kung hahalikan kita?" "Ang agressive naman pala." Ito naman ang nagkibit balikat na animo balewala lang dito ang sinabi. For a manang, for someone na sobrang reserve sa sarili, wow lang, hindi niya akalain na may kung anong hahaplos sa puso niya nang magpaalam 'to sa kaniya para sa isang halik na kaniya naman nang ninakaw rito kung tutuusin. Again, kung paano nangyari ang kaninang pakiramdam na gusto niyang kaniya lang 'to at ang ngayo'y sinasambit sa kaniya nito, baka mamaya na lang nila siguro aanalisahin. Mas mahalaga naman ang ngayon... "Pero naisip kong bakit kailangan ko pang magpaalam, kung ikaw nga ay—" Naisip niya rin naman na bakit niya pa patatagalin ang paghihirap nila pareho? Kaya hayun, pinatigil na niya 'to sa kadaldalan nito at siya na mismo ang humalik dito. Mapusok na halik, malalim... Sa lalim niyon ay nasa sariling huwisyo pa naman siya kaya alam niya kung saan na sila dinala ng halik na 'yon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD