16: Revelation

1394 Words
"ANG akala ko ay ako lang ang salbahe rito pero mukhang hindi lang pala ako," bulong niya kay Reema, habang abala 'to sa pagbibigay sa kaniya ng halik habang nakaupo 'to sa kandungan niya. Humagikgik 'to. "I'm sorry. Kung tutuusin ay ayaw ko rin naman talagang mangyari sa 'yo 'yon." "Kaya lang?" Yeah, naririnig niya ang kasunod niyon at gusto niyang marinig mismo na sinasabi nito 'yon sa Hindi na nila kailangan na magpanggap. Nandito na sila nito. Nandito na sila at for the first time, ngayon lang niya gagawin ang matagal na niyang ginagawa sa iba't-ibang kandungan ng mga babae na ang corny man na sabihin ay, he felt it oh so right, this time. With this lady. Oo, kahit gaano pa kabaliw 'to. "Kaya lang ay dapat kang mauntog. Sobrang maginoo mo para ikaw pa ang makipaghiwalay sa pinsan kong manloloko. Naramdaman ko lang na kailangan mo 'ko," pag-amin nito. Sabi na nga ba niya, ito ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa iba't-ibang babae na nakaniig. Hinahanap niya 'to, hindi dahil may atraso 'to sa kaniya kung hindi ito at ang halik nito ay sadyang kahanap-hanap naman para sa kaniya. Kung ano ang pinagkaiba niyon sa mga halik na natikman na niya, ah, hindi niya alam pero kaya niyang ma-detect ang pagkakaiba niyon, 'yon lang ang masasabi niya. Ito ang babaeng basta na lang humalik sa kaniya noon kaya sila mas nagkalabuan na ng pinsan nitong si Via. Hindi niya alam kung ano 'tong bigla niyang naramdaman sa natuklasan. Basta alam niyang malabo 'yon sa galit o inis sa nalaman. Ah, paanong hindi niya alam, e, hayun nga at nakangiti na siya na parang tanga. Nakangiti siya habang pinapaulanan siya ng halik ng babaeng nakaupo sa kandungan niya at ngayo'y alam na alam kung ano ang ginagawang paglalaro at kung saan 'yon hahantong. Ito 'yon, wala na ngang iba. Hinalikan siya nito noon habang nakapiring ang kaniyang mga mata... {Flashback} NAKAPIRING ang kaniyang mga mata dahil sa kagustuhan ng girlfriend niyang si Via. In fact, ito pa nga ang nagpiring sa kaniya nang makaupo siya plastic chair na nagsilbing sala na ng maliit na bahay nito. May surprise raw 'to sa kaniya. Piniringan nito ang mga mata niya noong pinapunta siya nito sa k'wartong inuupahan nito. Sa pagkakaalam niya nga ay hindi naman nito solo ang k'wartong inuupahan, kahit pa nga ba ngayon lang siya nakapunta ro'n dahil pinagbigyan lang niya naman 'to. Walong buwan na kasi silang mag-on at ngayon ang pagdiriwang ng araw na 'yon kaya hinayaan na niya. Nakilala niya si Via sa library ng school nila. Nakilala niya 'to noong panahon na nagrerebelde siya sa lola niya dahil sa pangmamata sa kaniya ng mga pinsan niya. Ano ba naman kasi ang kinalaman niya sa mga 'to, hindi naman niya kasalanan na isilang na walang ina na siyang kapatid at t'yahin ng mga 'to. Hindi niya kasalanan na ang lola lang niya ang nagpapalaki sa kaniya at wala 'tong malinaw na sinasabi sa kaniya patungkol sa sariling anak nito na siyang nagluwal sa kaniya sa mundo. Lumalabas tuloy ay paborito siyang apo nito. Na siyang tanging rason ng mga pinsan niya at ng mga anak ni Doña Matilde kaya kung pagsalitaan siya ng masasakit at pangit ay gano'n na lamang. Ngayon nga niya naisip kung tunay ba ang feelings niya kay Via? Ngayon na kamakailan lang ay nahuli niya 'tong kasama ang kapitbahay nito na sa pagkakaalam niya ay namamasada ng jeep at hindi naman nag-aaral na katulad nila. Nakilala niya si Via noong nasa huling baitang na siya ng high school. Kaya hanggang ngayon na mag-kolehiyo na sila ay girlfriend niya pa rin 'to. Oo, gano'n na nga sila katagal para itapon na lang din niya basta-basta ang masasabi na ngang pinagsamahan nila. Masyado nang matagal ang relasyon nila para itapon na lang nang dahil lang sa nakita niya 'to na masayang nakikipagtawanan sa lalaking 'yon. Mariin niyang naikuyom ang sariling kamao pagkaalala niya niyon. Mga mata niya mismo ang nakasaksi pero ang bibig niya ay tahimik. Ang tanong, hanggang kailan ba dapat siya tumahimik? Gayong siya na mismo ang nakakita at hinding-hindi naman pasusubalian ng damdamin niya ang nasaksihan? Nasa gayong siyang pag-iisip nang maramdaman niyang nagbalik na si Via. O si Via nga ba? Bakit iba ang pabango na naaamoy niya? Amoy baby cologne kasi na nabibili sa kung saan-saan na botika ang naaamoy niya at hind ang niregalo niya sa girlfriend na mamahaling pabango... Sa gulat niya ay basta na lamang kumandong sa kaniya ang bagong dating at— hinalikan siya! Hindi ito marunong humalik, siya na nga mismo ang nag-guide rito kung paano. At ang halik na 'yon ay masasabi niyang kakaiba sa halik ni Via kaya sigurado siyang hindi ito ang girlfriend niya. Ngunit sa hindi niya malaman na rason ay hindi niya maawat ang sarili na halikan 'to. Na turuan 'tong humalik... Ang hinala niya ay nagkatotoo nang marinig niya ang girlfriend niya na naghisterikal sa nasaksihan at galit na galit na sinugod ang babaeng nakakandong sa kaniya. Naramdaman na lang niya na may humila sa kaniya palabas sa bahay na 'yon. Hinila siya ng natitiyak niyang isang lalaki. Hinila niya ang piring na nakatabon sa kaniyang mga mata— ang pinsan niyang si Knight pala ang humila sa kaniya paalis sa eksenang 'yon. "Knight!" "Hay, hindi ka dapat nagpupunta sa lugar na ganito kadelikado." Wala pa man sa huwisyo sa bilis ng pangyayari ay nagawa niya naman na makasagot, "Says who? E, ikaw, ano ang ginagawa mo rito?" "Sinabi ko naman na sa 'yo na hindi mo na dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang babaeng 'yon. Gumising ka naman!" He scoffed at his cousin. "Ano nga ang ginagawa mo rito?" "Nakatanggap ako ng text na nahihibang na raw ang pinsan ko sa girlfriend niyang baliw sa isang jeepney driver. So, yeah, kaya ako nandito ngayon para sunduin na siya at gisingin sa kahibangan niya." Napangiti siya. Ngiti na nauwi sa halakhak dahil iniligtas siya ng pinsan sa napipintong pagkasira ng p*********i niya dahil nais na rin naman niyang makipagkalas kay Via. Iniligtas siya nito at ng babaeng 'yon... "Tignan mong kabaliwan mo, ano, gising ka na ha?" "Dude, you don't know have any idea how much I'm happy right now. Tsk, maaasahan ka talaga!" "Nah, mas may isip ako sa 'yo lang. You know, love isn't like that. Hindi love 'yan. Kakahanap mo ng love, napunta ka ngayon saan?" "Really? Sa pagkakaalam ko ay hindi ka pa naman na- in love para sabihin mo sa 'kin 'yan." Lukot ang ilong na iningusan siya ni Knight bago nito ibinalik ang paningin sa tinatahak na kalsada. "At sino nagsabi sa 'yo na na- in love ka na? To whom? Kay Via? Hah! Crazy." Natawa siya. "I don't know how to assess nor how to know the love, actually. I love Granny, I love my father, I love my family kahit gano'n sila, and I do love you too but..." "Yaiks!" Natawa na naman siya. "But someone stole a kiss from me earlier and..." "Woah! Seryoso ba 'yan?" hindi makapaniwalang bulalas nito sa kaniya. "Yeah." "Grabe talaga ang lugar na 'yon. Squatter kasi." "Hey, grabe sa squatter. Mabango naman siya, amoy baby cologne pa nga." "Really crazy." Haglapak siyang tumawa. "Maybe. But man, dama ko na tama ang halik na 'yon. Hindi ko sinasabing love 'yon but a soulmate, maybe?" "Nah, anong kinalaman ng soulmate. Kahit ang magiging kaibigan mo ay soulmate mo 'yon." "But this is felt differ from that." "Nababaliw ka na ngang talaga." Oo, nababaliw na yata siya. Dahil ngayon lang naman kumabog ng gano'n kabilis ang pintig ng puso niya. 'Yong pakiramdam na dapat ay naramdaman niya kay Via, mga feelings na hinahanap niya rito, all in ay naramdaman niya nang dahil lang sa halik ng kung sinong 'yon. Well, love at first sight nga ay hindi niya kinukwestyon. Love at first kiss pa kaya? And when he say love, hindi naman 'yon agad-agad na love pero dama niyang papunta na ro'n. Ah, basta, mahirap ipaliwanag. Kung pagtatagpuin man sila ng tadhana sa future, e, 'di masaya. Kung hindi man, sorry na lang. Kung hahanapin niya kasi 'to ay maglalaho ang pinaglalaban niya sa pinsan niya ngayon. Kung hahanapin niya 'to ay parang dadayain niya na rin ang tadhana. Kung para talaga sila isa't-isa, mangyayari 'yon. Dahil 'yon ang nakatakda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD