14: The Yaya

1553 Words
NAPAKURAP-KURAP pang muli si Reema bago niya napagtanto na wala ang alarm clock niyang pink na baboy na una niyang sinusulyapan sa bedside table niya sa tuwing nagigising niya. Kumurap pa siya ulit, saka niya naalala na nakatulog nga pala siya sa bahay ni Arkin. Oo, pagkatapos nilang magtalo at mag-asaran kagabi nito ay nagkaayaan sila na kainin ang pizza na dala nito at nakatulog na siya sa sofa ng bahay nito dahil na rin sa pagod niya siguro kay Baby Reemo na nagloko kahapon dahil sa pag-iipin. Mataba na ang baby nila kaya nakakapagod na 'tong kargahin sa tuwing umiiyak. "Good morning!" untag sa kaniya nino pa, e, 'di ni Arkin, na napakalawak na nakangiti habang nagtitimpala na ng kape. Naaamoy niya kasi ang aroma ng kape. "Anong oras na?" tanong niya rito habang nagkukusot siya ng mga mata. "Alas diez na ng umaga. Pareho nga tayong tinanghali ng gising ngayon." Pagkasabi nito sa oras ay napamulagat siya. "Ten na? Si Baby Reemo, hindi pa nakainom ng milk—" natigilan siya nang pagsilip niya sa baby crib ay wala ro'n si Reemo. E, hindi naman din karga ni Arkin... "Nasaan ang anak ko, Arkin Winters?!" Tumawa ang lalaking tinawag niya sa buong pangalan. "Relax, Remedios, que aga mo." "Relax? How can I relax?!" Tumayo siya, tarantang hinahalughog niya ang baby crib, wala ro'n si Baby Reemo. Nilapitan niya ang tumatawa na hambog, hinawakan niya 'to sa braso nito at niyugyog. "Nasaan na ang anak ko? Ang anak natin, nasaan na?!" Okay, medyo OA siya sa anak natin pero hindi niya na 'yon mababawi. Kaya para mapagtakpan ang kagagahan niya ay tumalikod na siya sa tatawa-tawa pa rin na si Arkin. Eksaktong talikuran niya 'to ay siyang pasok ng isang babaeng tulak ang baby stroller ni Baby Reemo. Hanggang ilalim ng tainga ang buhok ng babae, may kulay 'yon, may suot na malaking loop earrings, naka-skirt na maiksi at naka-crop top— santisima! Sino 'to? "Bakit na sa 'yo ang anak ko?" Kaagad niyang nilapitan 'to, kinuha niya mula rito ang baby stroller. Hindi nga lang niya makarga si Baby Reemo, tulog kasi nang silipin niya. "Remedios, sabi ko naman sa 'yo, relax ka lang e," sabat ni Arkin. Tinapunan niya 'to ng masamang tingin. "Relax mo 'yang mukha mo." "Siya nga pala si Abby, siya 'yong nabanggit ko sa 'yo na yaya. Natagalan lang at marami akong inayos nitong mga nakaraan but the important is, nandito na siya. May makakatulong na tayo sa pag-aalaga kay Baby Reemo." "Hello po, Madam Remedios," bati sa kaniya ng yaya na Abby raw ang pangalan. Nilipat niya rito ang tingin niya. Mukhang kaedad niya ang babae. Mukhang kaedad niya rin 'to kahit na mas mukha siyang may edad naman dito dahil... well, nakakabata ang gano'ng pananamit na never niyang sinuot pa. "Reema na lang, don't call me madam," aniya rito sa neutral na tono. Medyo nahimasmasan na siya sa fact na may yaya na si Baby Reemo pero medyo hilo pa siya sa nakikita niyang itsura ng yaya. "Sige po." "P'wede bang pakiiwanan muna kami, Abby? Tawagin na lang kita, may pag-uusapan lang kami ni Arkin," sabi niya rito, tumango naman 'to at sinunod siya. Nanlilisik ang mga mata na tinapunan niya ng tingin ulit ang hambog at hudyong lalaki. "O, bakit?" tanong nito sa kaniya na parang hindi alam kung ano ang pag-uusapan nila. "Saan mo nakuha 'yon? Yaya 'yon, sure ka?" gigil niyang turan dito. She even gritted her teeth. "O—Oo, yaya raw siya." Kibit balikat at parang walang alam nitong tugon. Tinalikuran pa siya at hinarap ang cupboard, maghahanda siguro ng almusal nito. Ibinaba niya si Baby Reemo sa baby crib, saka mabilis niyang binalikan si Arkin, binatukan niya 'to kahit mas mataas 'to sa kaniya at kahit nakatikod 'to sa kaniya. "Ouch!" reklamo nito, sapo ang nasaktan na ulo nang harapin siya, may hawak na itlog sa kamay. "Nababaliw ka na ba ha? Yaya 'yon sa 'yo? Ang haba ng kuko! Masusugatan ang anak ko sa mga kuko niya," gigil niyang sambit, "tapos ang pabango, umaalingasaw, alam mong hindi 'yon puwede sa baby, Arkin. Hibang ka ba?" Nagkibit na naman 'to ng mga balikat. "Kadarating lang naman niya." "And what do you mean by that?!" "Hoy, Remedios, nakapustura ang isang tao 'pag umaalis ng bahay. S'yempre iba ang itsura niyan 'pag nagtrabaho na." "Aba't— e, ang kuko, ano, puputulin niya pa kung kailan na-hired mo na siya?" "Oo." "Ano?!" "Oo nga sabi," pabalewala nitong sagot. In fact, nagsimula na 'tong magpainit ng kawali. Naihilamos niya ang sariling palad sa kunsumisyon sa hudyong kausap. "Arkin Winters, hindi laro ang pagkuha ng yaya!" "Says who?" anito, nilingon siyang may ngisi sa labi. "Nagkausap na nga kami niyan ni Abby, magpuputol 'yan ng kuko mamaya, saka magsusuot siya ng uniform na scrub suit 'no." Tsk. Hindi siya kumbinsido. "Kaya mag-relax ka na, Remedios." "Hindi!" "E, 'di huwag kung ayaw mo. Masyado kang highblood." "Dahil hina-highblood mo 'ko!" "Haist, saka mo na ayawan ang tao, 'pag hindi nagampanan ang trabaho niya. Grabe ka naman, nakita mo naman na hindi pa naka-uniform e, kinilala na ang aalagaan." May point. Pero diskumpyado pa rin siya talaga. Lalo at alam niyang babaero ang isang 'to... "Choosy ka pa ba, bakit, ayaw mo ba na magkaro'n kayo ng time no'ng crush mong alaga sa gym ang katawan?" "Ano?" Iningusan siya nito. Lukot ang matangos na ilong. "Dama kong gusto mo na rin naman ng love life, Remedios, don't me. Kaya hayan, habang nariyan si Abby, may katuwang na tayo sa pag-aalaga kay Reemo, puwede ka nang makipagligawan nang hindi kasama ang anak ko." Ano raw? Bakit parang napunta sa kaniya ang sisi bigla? "Ano ba—" Hindi na niya natuloy ang dapat na sasabihin niya, iniharang na ni Arkin kasi sa labi niya ang hintuturo nito para patahimikin siya. "Again, saka ka na magreklamo 'pag hindi okay ang service ni Abby. For now, tanggapin mo na kailangan natin siya at wala tayong dapat pagtalunan do'n, okay?" Okay? Okay nga ba sa kaniya? SIGURO nga ay judgmental lang si Reema. Sa buong maghapon kasi na nakasama nila ni Baby Reemo si Abby ay okay naman 'to. Maasikaso naman, active rin sa gawain, mostly sa mas importante— sa pag-aalaga nga kay Baby Reemo. Katulad nang sinabi ni Arkin sa kaniya, nagsuot nga 'to ng scrubsuit bilang uniporme at naggupit ng mga kuko. Nakakagulat nga rin na ito na rin pala ang magiging all around maid sa bahay ng mayabang na lalaki. Kung magkano ang sahod nito, hindi niya na tinanong pero para sa gao'ng service, mukha namang malaki. "O, may yaya na si Baby Reemo, hindi ka pa rin naligo?" untag sa kaniya ng kadarating mula sa trabaho na si Arkin. Naramdaman naman niya at nakita ang ilaw ng kotse nito nang pumarada 'to sa gawing likod niya, hindi lang niya 'to nilingon. Naroon siya sa kasi sa harapan ng bahay nito at nakamasid lang sa bagong yaya na ngayon ay nagluluto. Maliit lang ang bahay naman nila ni Arkin. Kung nakabukas ang pinto, matatanaw kaagad ang sofa at kitchen sa ibaba. Pareho lang ng espasyo pati pagkakaayos ng sofa at kitchen pero s'yempre magkaiba ang interior. "First day pa lang ng yaya, gusto mo naman ay tumulad ako sa 'yo na hundred percent na kaagad ang tiwala na ibigay sa kaniya." Nakairap niyang tugon dito. Pumalatak ito. "Remedios, 'pag nagpaalaga ka ng baby o kumuha ka ng maid, dapat ay tiwala ka sa hinired mo, ano ka ba." "Kumpleto ba documents niyan?" "O, look at you, nagna-nag ka na naman." "I'm just asking, maano bang sagutin mo na lang ako." Pero imbes na tugunin siya ay nanahimik 'to. Sobrang tahimik na kinataas na ng isang kilay niya rito. "Anong problema mo?" Hindi na nakatiis na tanong niya. Hindi pa rin 'to sumagot, bagkus ay mula sa mariin na pagkakatitig nito sa kaniya, inilapit nito ang sariling mukha nito sa kaniyang mukha. Mas pinatapang niya ang facial expression niya. Kung sa inaakala nito ay matatakot siya sa mga gano'ng kalokohan nito, hah! Sanay na sanay na siya ro'n. "Alam mo, Reema..." "Hindi pa." Natawa 'to sa pambabara niya. "Well, kung hindi pa nga ay makinig ka." "Go, I'm listening." She even crossed her arms, naghikab din siya para ipakita ritong naiinip siya sa kung ano nang sasabihin nito. "I think, nagseselos ka kay Abby." Her eyes widened in shock! Siya raw? Nagseselos? Sa paanong paraan nito nasabi 'yon? "Hep! Let me explain first kung paano ko nasabi." "Ayusin mo 'yan, Arkin, naku, sinasabi ko sa 'yo," inis na banta niya pa. S'yempre tatawa-tawa na naman 'to. "Nagseselos ka kay Abby kasi normal lang naman 'yon, ikaw naman kasi ang nag-alaga kay Baby Reemo." Aw. Na-touch naman siya ro'n. Inakala niyang kalokohan na naman ang lalabas sa bibig nito. "But let me tell you this also, dama ko ang pagmamahal mo kay Baby Reemo but Reema, dapat nating alalahanin pareho na soon, magkakaro'n ng result ang investigation nila sa kung sino ang mga magulang niya, that's why I hired Abby, too." "B—Bakit mo sinasabi ngayon 'yan?" Imbes sagutin siya ay niyakap siya nito. At ewan ba naman niya, mas nakakaiyak pala 'pag gano'n na may yumakap sa 'yo sa masuyong paraan... For the first time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD