13: Their First Fight

1579 Words
AWTOMATIKONG nagsalubong ang mga kilay ni Arkin nang malayo pa lamang ang minamaneho niyang kotse ay napuna na niyang madilim sa bahay nila ni Reema. Napasulyap siya sa suot na relo— alas otso pa lang naman ng gabi. Maaga pa para matulog. Napailing na lang siya nang maalala niyang basta na lamang siya sumugod sa office ng pinsan ni Knight kaninang pagkagaling niya sa magiging construction site ng bagong project niya. Business phone lang ang bitbit niya at walang numero ang manang sa phone niyang 'yon, hindi niya 'to matatawagan or text para matanong kung tulog na o umalis ba 'to with Baby Reemo. "Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?" mahinang tanong niya sa sarili nang makababa na siya sa kaniyang kotse. Nang ma-off na niya ang makina niyon ay nauna niyang binuksan ang pinto ng bahay ni Reema kahit alam naman na niyang wala ang mga 'to ro'n. Sumunod niyang chineck ang bahay niya kahit obviously naman ay wala rin sina Reema at Baby Reemo ro'n. Maybe he can ask someone out there, a neighbor or kahit sino na makita niya sa labas, baka alam ng mga 'to kung nasaan sina Reema. He took off his pants immediately at basta na lang niya 'yon hinagis sa sofa niya. Uminom lang siya ng isang basong malamig na tubig bago siya lumabas na ulit ng bahay. Pero hindi na pala niya kailangan na maghanap ng taong mapagtatanungan dahil naroon na sina Reema at Baby Reemo... Si Baby Reemo na karga ng lalaking nakasuot ng boxer short, fitted na sandong gray, namumutok ang mga muscles nito sa braso na halatang alaga sa gym. Automatically, his forehead creased. Saka siya napasulyap sa kaniyang sarili. Okay, naka-white sando rin naman siya at naka-boxer short, 'yon nga lang, wala siyang braso na katulad sa lalaking may karga kay Baby Reemo at kasama ng magaling na manang ngayon dahil never naman siyang nag-gym. Well, mas namumutok ang pang-ibaba niya naman at 'yon naman ang alam niyang mas mahalaga hindi ba? Napangisi na lamang siya sa sariling kalokohan. Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay tumatawa pa rin ang manang sa kasama nitong lalaki habang pinapahigop nito si Baby Reemo ng gatas gamit ang... straw? "Ehem..." Malakas na tikhim niya upang mapuna na siya ng mga ito na wala yatang balak na magbigay pugay sa kaniya kahit pa halimbawa'y makita na siya. "Uy, Arkin, nariyan ka na pala," bati sa kaniya ni Reema na kinatango niya lang. "Para saan ang straw na 'yan?" Diretsahan niyang tanong. "Ah, ito?" Itinuro pa ni Reema ang straw, as if may iba pa siyang straw na tinutukoy. "Paper straw nga 'to," sabi pa nito, ginawa pa siyang tanga na hindi alam ang pagkakaiba niyon sa plastic o kahit anong straw. "Hari nga pala, pare," pakilala sa kaniya ng kasama nitong lalaki nang sumenyas siya rito na kukunin na niya mula sa pagkarga nito si Baby Reemo. "Arkin," pakilala rin niya, out of respect. "Hello, baby," agad niyang bati naman sa anak-anakan niya nang sa wakas ay makarga na niya 'to. Ah, hindi niya inakala talaga na ang pagkakaroon ng baby ay isang theraphy sa kahit anong pain. Weh? Pati ba sa ego? buska sa kaniya ng kung sinong nagsalita sa likod na bahagi ng kaniyang utak. Tumalikod na siya sa bisita ni Reema at sa huli. Kung plano ng babae na imbitahan ang bisita nito sa bahay nito, bahala 'to. Basta siya ay nakuha na mula rito si Baby Reemo. "Salamat nga pala sa tulong, Hari." "Naku, wala 'yon, Reema. I'm glad we were able to solve your problem today." Napahinto siya sa paglalakad nang maulinigan niya ang pinag-uusapan ng mga 'to. Problem? Solve? "Ano ba ang nangyaring problema?" Kung nagulat man si Reema sa medyo napataas niyang boses, kahit siya rin naman. Sino ba ang hindi maiinis na may problema na pala 'to at ibang tao pa ang hiningan ng tulong? Tapos ay nakakainis din si Baby Reemo, humahabol sa ina-inahan. Kinukuhang pilit ang straw! "Naghihintay ako ng sagot, Reema, will you please tell me kung ano ang naging problema niyo ni Baby Reemo at bakit sa ibang tao ko pa nalaman 'to?" Nang titigan lang siya nito nang ilang segundo at muling binalik ang mga mata kay Hari at nginitian nito ang huli, mas nainis siya kaya tuluyan na niya 'tong tinalikuran bitbit niya si Baby Reemo. Kung hindi nga lang kabastusan ay binagsak na niya ang pinto para maiparating niya sa mga 'to na nagdadabog siya. Tutal naman ay para na nga siyang bata na nagdadabog ngayon dahil dama niyang unti-unti na siyang tinotopak. "HOY, grabe ka naman!" Kaagad niyang bulyaw kay Arkin nang makapasok siya sa bahay nito pagkaalis ni Hari. Iningusan siya nito. "Ako pa ang grabe?" "Oo. Tinulungan na nga ako ng tao e, ni hindi mo man lang nagawang magpasalamat." "Magpasalamat? Teka, ako ba ang tinulungan niya?" Napamulagat siya sa sinabi nito. Dati naman na silang nagtatalo na dalawa, dati na silang nagbabangayan at masasabi niyang walang araw na hindi sila nagbangayan ngang dalawa pero ewan ba niya, parang may iba sa ngayon. Iba ang tono ni Arkin sa kaniya, iba ang ganti ng salita... "Aha! Alam ko na 'yan!" Tinaasan siya nito ng kilay. "'Pinagsasasabi mo?" "Alam ko na 'yang ginaganyan mo, Arkin Winters, lintik ka talaga at may ego ka pa pala na natatamaan, akalain mo?!" Tumawa siya, tawa na nauwi na sa halakhak dahil nakakatawa naman talagang isipin na nasaling niya ang ego ng mayabang na 'to. "Ano?" parang diring-diri ang itsura na sambit pa nito sa kaniya. "Ego! Tinamaan ang ego mo kaya ka nagkakaganyan dahil obvious naman na mas g'wapo sa 'yo si Hari." "Hah! Pa-EO ka na uy, kung gusto mo, sagot ko pa." "Obvious din na mas macho siya sa 'yo." "Alagang gym supposed to be like that, FYI." "At mas na-hit niya ang male ego mo nang malaman mong siya ang nakatulong sa 'min ni Baby Reemo!" "I hope you know how pathetic you are right now, Reema," naiinis na turan nito sa kaniya. Sobrang inis pa nga yata. Ngayon lang niya nakita na nagkagano'n 'to kaya niya nasabi na natamaan ni Hari ang male ego nito. Lahat ng male species ay mataas ang ego. Nasasagi 'yon halimbawa ng kapwa nito lalaki na sa tingin nito ay isang kakompetisyon lalo na. NAIINIS na tinapunan ng tingin ni Arkin si Reema na parang tangang nakangiti sa kawalan. Crossing her arms while saying those bullsh't words at his face, then, she literally place her forefinger on her chin while she's smiling crazy to whatever. Malamang talaga, kaya gano'n ang itsura nito ay iniisip na nitong tama ang lahat ng kaniyang pinagsasasabi. Na tinamaan ang ego niya sa pagkakakita niya kay Hari. E, ano ba kasi? Kung hindi ego, ano nga ba? Hayun na naman ang kung sinong konsensya niya yata na nagsasalita. Kinakastigo siya. Kung tutuusin ay hindi naman niya dapat depensahan ang sarili sa kung bakit ba siya tinotopak na nga yata. Why, siraulo si Reema. Ni hindi siya sinasagot za tanong niya kung ano ba ang naging problema nito. Ni hindi man lang siya naisip na sabihan, samantalang sino ba ang tatay ni Baby Reemo? Sila ang pamilya. Tatay. Pamilya... "Sorry na, Papa Arkin, bati na tayo, please..." para siyang tinulos sa kinauupuan niya nang biglaan na lang na maupo sa tabi niya si Reema, inangkla ang braso nito sa braso niya't humilig din do'n. "H—Hey," mahina niyang saway rito. Thinking of sasawayin niya ba o hindi? Hell, para na 'tong pusa na naglalambing sa braso niya, kinikiskis nito ang pisngi ro'n at aaminin niyang habang pinagmamasdan niya ang ginagawa nito ay napapangiti na siya... Buti na lang at nando'n pa ang anak niya, piping saksi sa kabaliwan ng nanay nito. Mabuti pang kay Reemo na lang niya ibaling ang atensyon niya kung ayaw niyang mapahalakhak ng hindi oras. "Hey, baby, Papa Ark's been looking for you, saan ka galing ha?" "Galing lang po kami sa kapitbahay," Reema answered, sa boses na pa-cute na siyang ginagawa nito 'pag napagti-trip-an nitong sagot-sagutin siya sa tuwing kinakausap niya si Baby Reemo. "Ano ang ginawa mo sa kapitbahay? Bakit ka nagpapakarga sa iba ha?" "Sorry na Papa Ark, stop selos na." Hindi niya 'to pinansin. Patuloy naman na nagkiskis 'to sa braso niya na.parang pusa. Nilaro niya lang si Reemo na humahagikgik naman habang hinahalikan niya sa leeg at t'yan. " "Are you hungry na ba young man?" "Hindi pa po, kakainom ko lang ng milk na ginawang milk tea ni Mama Reema kasi may straw." Natawa 'to sa sariling joke. Tumawa rin si Baby Reemo na animo ay nuaunawaan ang sinabi ng lukaret na ina. "Baby Reemo, tinatawanan mo 'ko, bad ka. Ginawan na nga ng paraan ni Mama Reema na makainom ka ng milk dahil d'yan sa teeth mo e!" "Teeth?" "Oo, nag-iipin na kasi siya kaya nga may straw ang milk niya. Sinabi ko 'yon sa 'yo, check your phone." "Naiwan ko ang phone ko kanina..." "Kaya naman pala e! Anyway, si Hari kasi ang nakaisip ng idea na mag-straw si Baby Reemo para makainom siya ng milk." "Paano niya naisip 'yon?" "Huh?" "Anak ng tokwa, mas g'wapo lang talaga ako pero hinding-hindi ko yata maiisip na straw-hin ang baby milk, 'talino naman pala ng crush mo!" "C—Crush ko?" "Halata naman na crush mo 'yon, Remedios. Kaya lang ay sorry ka na lang dahil may asawa at anak ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD