12: Something

1500 Words
"CONGRATS! Nabalitaan ko na nakuha mo na ang project na pinapangarap mo," bungad kay Arkin ni Knight hindi pa man siya nakakaupo nang pumasok siya sa office nito. "Thanks, ang bilis nga. Nagulat din ako sa bilis, wala pa yatang two weeks ay nakapag-decide na sila," sarkastiko niyang tugon. Dumiretso siya sa mini fridge ng pinsan at kumuha siya ro'n ng maiinom na energy drink. Sarkastiko talaga ang reply niya dahil iyon na nga mismo ang rason nang ipinunta niya sa malapit na pinsan. "Gano'n ka kalakas, man, to think na nagkaatraso ka pa niyan. Speaking, nabalitaan ko rin na tapos na ang problema mo ro'n, congrats again," malayo sa kasiyahan na muling pagbati nito sa kaniya. Tinaasan niya 'to ng isang kilay. "Inayos 'yon ni Granny. Lahat ng dapat patahimikin ay pinatahimik dahil daw 'tatay' na 'ko. And honestly, nagtataka ako, Knight," seryosong pag-amin niya sa pinsan. "Dahil?" "Man, alam naman natin na hindi ganito dapat kabilis 'to!" hindi na niya napigilan na mapabulalas nang ang tonong ginamit ay punong-punong ng frustrations. Knight crossed his arms, sumandal din 'to sa kinauupuan na swivel chair saka siya tinitigan. "Hmn, kaya ba hindi mo binalita sa 'kin ang tungkol sa pagkakakuha mo ng project? Well, hinihintay ko nga na ipagyabang mo pero hindi nangyari." "Mayabang ako pero naniniwala akong nasa lugar 'yon. And this project is not included sa mga maaari kong maipagmayabang, Jesus!" naiinis na niyang sambit. "Kaya ba hindi ka na nakatiis at sinadya mo na 'ko ngayon? By the way, na-miss ka ng mga staff natin dito." He scoffed. "Wala ako sa mood mag-joke ngayon." "I'm not joking too. Hinahanap ka nila. They even asked me kung kailan ka papasok. Hinihintay ka na rin ng mga alahas dito." "Knight, please..." "Please what?" Nagpakawala siya ng isang naiiritang hininga. Pasalampak siyang naupo sa lazyboy chair na naroon sa office ni Knight. "Arkin, sa lahat ng nakuha na ang naka-freeze na yaman kahit paano, at nakuha na rin ang project na ninanais, ikaw 'tong parang pinagsakluban ng langit at lupa. What's your problem, man?" Malayo sa seryosong tanong ang tono ni Knight pero kilala niya naman 'to na gano'n, sa tuwing nagkakausap naman sila ay 'yon na ang masasabing normal para sa kanila. Ewan niya kung sensitive lang siya pero naiinis siya rito ngayon. Sa klase ng pakikipag-usap nito sa kaniya, to be precised. "Seriously Knight, I guess, something is going on here." "Hmn..." "Hindi rin nag-demand ng DNA si Granny kay Baby Reemo." "Oh, by the way, how's that cute little boy? Nabalitaan ko nga rin na ang laki na ng pinagbago mo e. Nag-alaga ka na talaga ng baby ah, puwede ka nang mag-asawa at mag-baby, for real." Argh! Bakit nahihirapan siyang kausapin ang pinsan niya ngayon? What's wrong with him? What is wrong with this freaking situation?! "Nag-alaga lang ako ng baby, 'yon lang ang bago dahil hindi naman puwedeng pabayaan si Baby Reemo," aniya na lang dito. "And you're doing great, man. Kayo ni Reema." Tinapunan niya 'to ng nababagot na tingin. "Nasabi ko naman na sa 'yo, wala pa sa kalahati ang ibinigay ni Granny M sa 'kin na pera mula sa pinamana sa 'kin ni Grandpops. Hindi ko rin alam na kasama sa last will ni Grandpops na kailangan ko munang maging responsableng ama at asawa. You know, kailangan daw namin na magpakasal muna ni Reema." Natawa si Knight. "So, naisahan ka rin pala ng lolo at lola mo." "Exactly!" "Naisahan ka nila dahil wala ka namang plano na magpakasal. But at least, hayan, okay na ang project na sabi mo nga ay makakapagpabawi sa mga nailugi mo no'ng nakaraan." Isang malalim na buntonghininga na lang ang isinagot niya sa pinsan. Baka nga praning lang siya. Baka wala namang basehan ang mga pinag-iisip niya the past few days. Wala rin naman na siyang planong kunin ang iba pang pera niya sa abuela niya, aanhin niya pa ba 'yon, e, hayun naman at okay na ang business niya. Nakuha na rin niya ang inaasam na proyekto. Mapapalago naman niya 'yon na siguradong hindi na niya kakailanganin ang natitirang pera sa mana niya. Meaning, hindi niya kinakailangan na mag-asawa. "About the baby, wala pa bang balita sa parents niya?" He shrugged his shoulders. "The baby is in good hands. Maasikaso si Reema at about his parents, wala pa, wala pa." May katagalan na rin ang halos mag-iisang buwan na nasa kanila si Baby Reemo. Hindi niya masasabing close na sila ni Reema dahil sa baby pero masasabi naman niyang ang lahat sa kanila ay smooth. Naaral na nila ang pag-aalaga. Wala na nga rin siyang plano na magbabad sa trabaho dahil kay Baby Reemo. Ah, 'yon ang impact sa kaniya ni Baby Reemo, 'yong dating pa-chill-chill lang niya ay nais niyang ituloy pa rin pagkatapos ng project na tinutukan niya nitong mga nakaraan para mas marami na siyang time para sa anak-anakan. Hindi niya talaga akalain na mas pinipili na niya ngayon ang mag-alaga ng baby. "Maasikaso ka rin naman. Dapat mo ring bigyan ng credits ang sarili mo." "Of course, at ikaw sa lahat ang nakakaalam kung bakit." NAGNGINGIPIN si Baby Reemo kaya heto, kanda-browse tuloy si Reema kung ano ang do's and dont's sa pangangalaga sa baby na ngayon pa lamang tinutubuan ng ngipin. Matapang si Baby Reemo pero s'yempre, hindi makadede nang maayos. Ang adults nga 'pag masakit ang ngipin ay napapraning, baby pa kaya. Umiiyak 'to sa tuwing nasasagi ng tsupon ang ngipin na nakausli na sa ibabang gilagid. "Hay, where's your Papa Arkin na ba? Nabura ko yata ang number ng doctor mo, wala rito sa phone ko ay," mahinang sambit niya kay Baby Reemo habang hinahanap nag-s-scroll siya sa phone niya. Panandalian na pumirmi sa pag-iyak ang baby, binigyan niya kasi 'to ng laruan na basta na lang niya kinuha noon sa mall na ngayon niya lang nalaman sa tulong ng YT na para pala 'yon sa pagtubo talaga ng ngipin ng babies. Nakatulong naman 'yon pero nagwo-worry siya at hindi 'to makadede. Hindi makakain. Magugutom si Baby Reemo! Na-excite siya masyado nang may kumatok sa pinto ng bahay niya. Kanina niya pa kasi hinihintay si Arkin dahil nga sa kondisyon ni Baby Reemo. Na-text naman niya 'yon dito pero hindi ito nag-reply na ngayon lang nangyari kaya mas nadagdagan lang ang worry niya. Well, wala pa naman pagkakataon na hindi 'to umuwi sa bahay nito mula nang kupkupin nila si Baby Reemo pero may katagalan na rin kasi nang matengga 'to sa bahay, hindi naman niya maiwasan na maisip na hinahanap din nito ang nakasanayan na buhay. Though, never niya naman 'tong naringgan na nagreklamo kung sa pag-aalaga rin lang sa baby. Masasabi pa nga niyang nag-e-enjoy 'to sa pag-aalaga sa anak-anakan nila, nag-e-enjoy 'to sa pagiging ama-amahan, nakikita niya 'yon sa mga mata at kilos nito. 'Yon nga lang, lately ay parang may iniisip 'to... "Hi, Reema!" bungad na bati sa kaniya nang napagbuksan niya sa pinto na si... Hari— O. M. G! "H—Hari? Uhm, napadalaw ka?" Kailangan niyang kagatin ang dila niyang pumipilipit ang bigkas ng salita sa tuwing nakikita niya ang kapitbahay niyang 'to. Lihim niyang kinagat ang sariling dila saka siya pasimpleng lumunok. Why, si Hari lang naman ang ultimate crush niya ro'n sa Blooms! Just, oh, my gosh! She can't— er, no! Bawal siyang magkunwari na hindi makahinga at may baby siyang inaalagaan so, kailangan niyang umayos sa harap ni Hari kahit crush niya pa 'to. "Ah, nabalitaan ko kasi na nagngingipin si Baby Reemo," tugon ni Hari sa kaniya, nakangiti. "Oo e, nahihirapan nga ako, ayaw niyang dumede." Niluwagan niya ang pintuan upang masilip ng bisita niya ang baby na pinag-uusapan nila. Naglalaro naman sa mga oras na 'yon si Baby Reemo sa loob ng crib nito. Hawak pa rin ang toy na binigay niya rito at pinanggigigilan 'yon. "Hindi talaga siya makakadede kasi nagngingipin." "Yeah, tama ka, pero nagwo-worry ako na baka magutom siya. Makakasama 'yon sa kaniya, for sure." "'Yun na nga, kaya nagpunta rin ako sa 'yo dahil may suggestion ako." "Telege— ay, talaga?" Pagak na natawa 'to, akala yata ay nag-joke siya. E, telege nemen na pumilipit ang dila niya! Charot! "Yep, hindi ako, actually. Ahm, puwede kaya na imbitahan ko kayo sa bahay?" "S—Sa bahay mo?" medyo nagulat niyang tanong, kunwari. "Oo sana." Ultimate crush niya ang g'wapong kapitbahay niyang 'to at ngayon lang sila nagkausap sa tagal nilang magkapitbahay sa Blooms, aarte pa ba siya? Of course, hindi na 'no! Kaagad niya nang kinarga si Baby Reemo, nag-locked siya muna ng pinto bago siya sumama na nga kay Hari na may suhestyon daw para makadede ang baby. Na hindi raw pala ito ang may suhestyon, gets naman niya kahit hindi niya masyadong inunawa. Bahala na 'to, basta ang mahalaga naman ay walang record ng crime sa subdivision nila. Safe manirahan sa Blooms. Safe ang surroundings at ang mga nakatira. Saka uy, ang g'wapo kaya ni Hari para maging kriminal 'no!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD