4: Baby Natin, Kunwari

1450 Words
NAGKAGULO at nagkumpulan ang mga kapitbahay nila sa harapan ng bahay nina Reema at Arkin. Natural, matapos siyang hindi tigilan ni Arkin ay ipinagbigay alam na niya sa president ng subdivision's homeowner association ang pangyayari. Na nakapulot nga siya ng baby sa tapat ng pinto niya. Tama naman 'to. Siya ang nakapulot ng baby kaya samahan niya 'tong lutasin kung paanong napunta 'yon sa tapat ng bahay nila. Kung susumahin nga naman ay sa pinto niya 'yon iniwan ng kung sinong walang puso kahit pa nga ba iisa ang kanilang bahay nito. "Naku, napaka-cute na baby naman, ano," natutuwang sambit ng asawa ng presidente sa asosasyon nila ro'n na Mrs. Loida Magbanua. Mataba si Mrs. Magbanua at maputi. Maraming suot na alahas. Mabait naman kahit medyo suplada. Hindi katulad ng asawa nito na magiliw sa lahat ng nakatira ro'n kaya nga naging presidente ng asosasyon. Nakatira ang mag-asawa sa tapat ng bahay nila ni Arkin. Ah, naalala niyang walang anak ang mag-asawa, bakit kaya hindi na lang nila ampunin ang baby? "Cute po talaga," aniya, "kaya nga sabi ko rito kay Arkin ay anak niya 'tong baby, ayaw lang maniwala e." Arkin scoffed at her. "Hindi nga. Wala akong anak. Huwag kang makulit," matalim nitong sagot sa kaniya. Gusto niyang matawa pero huwag na lang muna. Hindi pa niya nalilimutan ang pagpatid na ginawa nito sa kaniya at naiinis pa siya ng very light dahil do'n. Kung sabagay naman, may pasa na 'to dahil sa pumutok na labi mula sa sapak na binigay niya rito kagabi so, quits na sila. "E, Arkin, hijo, mukhang napaaway ka at may pasa ang mukha mo," puna pa ni Mrs. Magbanua na tila nahulaan ang naglalaro sa isip niya. "Ah—" "Ganyan po talaga 'pag babero, napapaaway," pagsahod naman niya sa sasabihin sana nito. Nagtawanan ang mga taong nakakumpol sa kanila at nambuska na rin ang mga 'to sa lalaking katabi niya at may kargang baby na ngayon ay himbing nang natutulog. Sinubukan nitong ilapag ulit ang bata sa baby stroller kanina pero umiyak 'yon kaya kinarga ulit nito. In fairness naman, kahit halata na hindi 'to marunong kumarga ng baby ay hindi nito matiis ang baby at kinakarga talaga nito, 'wag lamang 'yon umiyak. Kanina pa nga niya gustong tawanan 'to dahil do'n, ngayon lang niya magagawa at naroon ang mga kapitbahay nila, so, walang masama na makitawa na rin siya sa mga taong naroon hindi ba? Kaya hala, sige, tawa, Reema! "O, 'yan na pala si Mr. Magbanua," untag sa tawanan nila ng isa sa mga kapitbahay nila na naroon. "Hon, kumusta? Anong sabi ni Chairman Farinaz?" kaagad na tanong naman ni Mrs. Magbanua sa asawa nang makalapit na 'to sa kanila. Mr. Magbanua looked at her, tapos ay kay Arkin before he speak, "Pag-aaralan pa ang mga kuha ng CCTV. Kainaman naman at parang planado ang lahat ng 'to." "Huh? Paano pong planado?" agad na tanong ni Arkin. "Hijo, naglaho ang kopya ng CCTV mula alas singko ng umaga hanggang sa alas sais y' medya na makita nitong si Reema ang baby, kung hindi planado 'to ay ano?" Nagbulungan ang mga kapitbahay. Kaniya-kaniya ng haka-haka ang mga 'to sa narinig. "Planado na iwanan?" singit niya. Hindi niya gets. "Sino po ba ang may hawak ng mga kineme sa CCTV, e, 'di ang subdivision, ang security nila, 'di po ba?" "Oo nga hija, tama ka, pero hindi kasi gano'n kadali na malaman kung sino ang may kagagawan nito." "So, what are we gonna do with this baby, now?" Magkasalubong ang kilay na tanong ulit ni Arkin sa presidente ng samahan sa subdivision na 'yon. Mr. Magbanua smiled at them, pinaglipat nito ang mga tingin sa kanila ni Arkin ulit. At ewan ba niya kung bakit bigla siyang parang kinabahan sa tingin na 'yon nito... "Nakikiusap sa inyo si Chairman Farinaz na habang iniimbestigahan ang tungkol dito ay sa inyo muna sana ang baby. Tutal naman ay sa bahay niyo siya napulot. Hindi kasi natin puwedeng basta i-turn over ang baby sa gobyerno at sigurado naman tayong may rason ang lahat since alam niyo naman na walang bahid dungis ang subdivision natin. Huwag kayong mag-alala, tutulong kaming lahat sa gastusin para sa baby habang nasa pangangalaga niyo siya." ANG sakit naman sa ulo ng napasukan niya, ani Reema sa kaniyang sarili. Ang sakit din sa ulo ng mga pinanonood niya sa You Tube na tutorial kanina pa. Tutorial kung paano mag-alaga ng baby. Sinabi naman nila sa mag-asawang Magbanua na wala silang alam pareho ni Arkin sa pag-aalaga ng baby may pag-normal pa ang mga 'to. Kesyo lahat naman daw ng nanay at tatay ay walang alam sa pag-aalaga ng baby at basta na lang daw matututunan 'yon once na nariyan na at kasubuan na sa pagkakaroon ng anak. Hindi niya gets. Masyado siyang mabait at palagiang gumagawa ng tama para sa mga gano'ng explanation. Ang naging kasalanan lang niya sa mundo ay manapak ng mga taong katulad ng lalaking nasa harap niya at hayun, halatang problemado rin naman sa napasukan nila at may kung ano o sinong dina-dial sa sariling phone. Mukhang may tinatawagan na susumbungan 'to o whatever. Teka, sino nga ba ang binabalak nitong tawagan? Syet. Baka pulis na ang tinatawagan nito! "Hoy, hudyo!" pagtawag niya sa atensyon nito. Nilingon naman siya nito. Lukot nga lang ang mga kilay nitong mahirap na hindi mapuna na maganda talaga ang tabas. Nakakainggit. "May pangalan ako, Manang Reema." "Sino 'yang tinatawagan mo? Magsusumbong ka na instant daddy ka na dahil sa batang 'to? Sira ba ang ulo mo? Hindi mo na ginalang ang samahan ng asosasyon dito sa Blooms kung tatawag ka ng pulis at sa kanila ka magpatulong para matukoy ang mga taong walang habas na nag-iwan ng baby na 'to." Nagkiskisan ang mga ngipin ni Arkin at kitang-kita ng dalawang mga mata niya kung paanong napipikon din nitong hinimas ang sariling baba. "Hindi kasi puwede 'to. I mean, Reema, look, wala tayong alam sa pag-aalaga ng baby." "Madali na lang 'yon, gagawin naman nila Mr. Magbanua ang lahat upang mapabilis ang investigation." "May trabaho ako, may trabaho ka—" "Puwede naman na isahan tayong mag-alaga. Saka sabi naman nina Mr. at Mrs. Magbanua, lapitan natin sila kung kinakailangan. So, ano pa ba ang problema mo?" "So, sinasabi mo ngayon sa 'kin na handa kang makipagtulungan sa kanila sa pamamagitan sa pagkupkop sa baby?" "E, ano pa ba ang dapat? At dahil virgin ako, mas marami dapat ang oras na nasa poder mo ang baby na 'to. Ikaw 'tong hindi na virgin at babaero aba uy, lugi naman ako kung mas lamang siyang nasa akin." Napamulagat 'to sa sinaad niya. Hindi makapaniwala na tinignan siya. Binuka ang bibig upang magsalita sana kung hindi lang naudlot 'yon ng ring ng cellphone nito. Sinipat nito ang sariling telepono, tsinek kung sino ang caller. Saka sumenyas 'to sa kaniya na sasagutin lang ang tawag na 'yon at tinalikuran na siya. Ilang saglit lang naman na kinausap nito ang kung sinong tumawag dito ay humahangos 'tong bumalik at sa gulat niya ay lumuhod 'to sa kaniyang harapan at sino ba ang hindi magugulat at mapapaatras— naka-pajama man siya ay ngayon lang naman may lumapit sa kaniyang lalaki nang gano'n ang posisyon at gano'n kalapit! Sobrang lapit niyon at intimate na para sa kaniyang virgin nga at never pang nagka-boyfriend! Ang hudyo, nang humahangos na bumalik ay kaagad na lumuhod sa harapan niya at inilapat ang mga palad sa hita niya! "G—Go away..." nagulat na taboy niya rito. Pero hindi nito inintindi 'yon bagkus ay inalog-alog pa siya sa hita niya! "Listen to me first, Reema. May naisip akong solusyon sa baby na pareho tayong magbe-benefits!" Tunog masaya naman at excited ang tono nito. Kung sasapakin niya 'to ulit ay kawawa naman, mukha namang na-excite nga lang kaya kaagad na lumuhod sa harapan niya at may paggano'n na yugyog pa sa mga hita niya. Kahit babaero naman si Arkin Winters ay hindi naman 'to p*****t. Mayabang lang din talaga 'to para ipagsigawan sa lahat na ito ang nilalapitan ng mga babae. Sino bang babae ang hindi mababaliw sa gano'ng mukha? Itsurang mabango 'to at itsurang hindi gagawa ng masama kung hindi nga lang talaga at masamang gawain ang mambabae. "A—Ano naman...?" 'takang tanong niya na lang dito. "Tutal ay kukupkupin naman natin siya habang wala pang resulta ang investigation, puwede mo 'kong matulungan. Grabe! Hulog pala ng langit ang baby na 'to!" Tumawa pa 'to, kinataas 'yon ng isang kilay niya. "W—What do you mean?" "Puwede mo 'kong tulungan sa problema ko, kayo ng baby. Reema, help me, kunwari ay baby natin ang baby na 'to!" Ano raw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD