5:The Plan

1504 Words
NAKALIMUTAN ni Reema na banggitin na kasama nga pala sa maituturing niyang kasalanan niya sa mundong 'to ang pagiging tsismosa. Kaya nga ba noon ay siya rin mismo ang nagsabi kay Arkin na malas ang magdala ng mga babae sa bahay nito at madadamay siya sa kamalasan na 'yon dahil nga magkarugtong ang mga bahay nila. Aba naman, kung bakit hindi niya pakikialaman 'to, halos gabi-gabi noon ay nagigising siya ng alanganin na oras sa ginagawa nitong ingay sa tuwing uuwi 'to noon sa bahay nito na may kasamang babae. Virgin pa siya at never pang nagka-boyfriend pero hindi siya inosente sa mga gano'ng bagay dahil wide reader siya ng kung ano-ano at kasama ang fiction do'n kaya alam niya ang nangyayari noon sa hambog na hudyo at sa mga babaeng nakaulayaw nito. Kaya ngayon ay nakuha rin ng tsismosa side niya ang sinasabi nito sa kaniya na mana— oo, mana raw! Na hindi naman niya pinagtatakhan dahil nabanggit noon ng pinsan niyang si Via nga na ex nitong nanloko rito na mapera 'to, sayang daw at kung kay Arkin 'to natuloy ay hindi sana 'to naghihirap. Hindi lang niya masagot noon ang pinsan na wala naman siyang nakikitang nakakahinayang sa babaerong lalaki. Babaerong lalaki na ngayon ay mukhang isasama pa siya sa mahabang listahan ng mga pinaglaruan nito! "May mana kang naka-freeze na makukuha mo lang kung mag-aasawa at anak ka?" "Yes, Reema." "At kailangan mo na ngayon sana ang pera mong 'yon para sa malaking proyekto na sinasabi mo?" "Exactly!" "At gusto mong magpanggap kami ng baby na 'to na mag-ina mo para makuha mo ang mana na 'yon? Gusto mong iparating sa lola mo na nadisgrasya mo 'ko?" "Yes— of course not! I mean, hindi sa gano'n, Reema... but..." "Gano'n na rin 'yon. Sa gagawin mo ay papalabasin mo 'kong disgrasyada!" pigil ang ngitngit na turan niya rito. No. Sa buong buhay niya ay parating alam niya kung ano ang tama sa mali. Righteous siyang tao dahil nakakahiya naman sa simbahan na walang palya niyang pinupuntahan tuwing araw ng Linggo kung hindi niya maa-apply 'yon sa buhay. Oo, relihiyosa siya, at ang sinasabi sa kaniya ni Arkin ay malinaw na kaimoralan! "Reema, bibigyan kita sa mana na makukuha ko. Pag-usapan natin, sige na, kailangan ko lang—" "No!" buong tatag niyang sambit. Pinutol niya ang sinasabi nito talaga upang malaman nitong hindi 'to nakakatuwa sa mga oras na 'yon. Tumayo rin siya upang mahawi ang mga palad nito na nakapatong sa hita niya. "Reema, please think about it before you—" "Hindi ko kailangan ng pera mo, hindi naman ako nagugutom. Lahat ng mga pangangailangan ko at ng pamilya ko ay nasusuportahan ko pa dahil dalawa ang trabaho ko. Pasensya na, kung plano mong magsinungaling, huwag mo na lang akong idamay kasi ang mga bagay o plano na nagsimula sa pagsisinungaling ay babagsak din sa mga susunod na araw. Hindi ka rin magtatagumpay." "Pero wala namang masama kung susubukan. You have a good heart, alam ko 'yan. Matutulungan mo ang baby, matutulungan mo ako. Ito lang din kasi ang alam kong paraan para makuha ang project na 'yon. Marami kang matutulungan na trabahante ko as well, Reema." "No, Arkin," matatag niyang sabi. "Uuwi na muna ako. Pupunta tayo sa grocery kasi wala namang laman na gatas 'yang lata na nasa baby stroller. Ni wala ring diaper ang baby. Maghanda ka na rin ng gusto mong ipangalan sa kaniya. Dalawa tayo sa duty sa kaniya pero ikaw na ang bahala sa pangalan since lalaki naman ang baby. Hati tayo sa responsibility sa kaniya, hati rin tayo sa expenses. 'Yon ang mahalaga ngayon at hindi 'yang mga kalokohan na sinasabi mo," aniya, bago niya 'to tuluyan nang talikuran. Bahala 'to sa pinagsasabing mana. Hindi na niya problema 'yon. Well, wala siyang pakialam sa sasabihin sa kaniya ng lahat pero hindi ibig sabihin niyon ay basta na lang siyang papayag namabansagan na disgrasyada at imoral. Wala sa karakter niya ang lulunukin ang mga salitang 'yon. O hindi nga ba niya kaya? E, bakit nang nakatapat na siya sa tapat ng dutsa ng shower ay walang ibang laman ang utak niya kung hindi ang mga sinabi ni Arkin Winters, ang mga plano nito na sadyang makakatulong nga sa negosyo nito kung gano'n na nasa krisis pala 'tong matatawag sa sarili nitong negosyo. Bakit tila siya nakokonsensya sa isipin na handa niyang tulungan ang lahat pero ito, pagdating dito ay parang namimili siya? Ano ba naman ang gusto nitong mangyari? Maano bang matutulungan niya hindi lang ang baby na napulot niya, maging si Arkin. Tama ito. Matutulungan niya 'to sa negosyo nito, matutulungan niya rin 'tong maging responsable sa sarili kahit paano. Kung sakali kasi na pumayag siyang magpanggap sila ng baby na mag-ina nito ay s'yempre, matitigil ang hudyo sa paglabas sa kung sino-sinong babae. Saka, siguro naman ay ito rin ang lulutas sa huli sa mga kasinungalingan na gagawin. Nasabi naman niya rito na huwag siyang idamay. Ah, bakit kailangan niyang maging matulungin na tao? Ang hirap din pala niyon, na tsismosa ka na, matulungin ka pa. Dahil deep inside her, gusto rin naman niyang malaman kung ano ang mangyayari sa plano nito. Tutal naman ay kasama na siya ro'n dahil baliktarin man niya ang lahat ng 'to ay sa kaniya natagpuan ang baby. Sa tapat ng pinto niya. Dinamay niya lang si Arkin dahil feeling niya ito ang tatay ng baby at nagkamali lang ng deliver sa bahay niya. Dinamay niya 'to and yet, handa rin naman 'tong makatulong sa napasukan nilang problema. Hindi pa niya nakakalimutan na kinarga nito ang baby kanina nang umiyak 'yon... HINDI malaman ni Arkin ang gagawin. Kanina pa umiiyak ang baby. Ang bagal naman kasi ni Reema na bumalik. "Hey, baby, please don't cry," pagkausap niya sa baby na animo nauunawaan siya niyon. Hindi pa rin 'to tumatahan. Bakit kaya? Hindi tuloy siya makaligo gaya nang instruction sa kaniya ni Reema kaninang layasan siya dahil pupunta nga raw sila sa grocery. "Bibili pa kasi tayong milk, baby, wait natin si Mama Reema mo, please, tahan na..." "Wow naman sa Mama Reema! So, ano, Papa Arkin ka niya gano'n?" Tiningala niya ang kadarating lang na si Reema. Bagong ligo 'to pero parang hindi naman nagpalit ng suot dahil square pants naman ang suot. "Buti naman bumalik ka na, mga ten minutes na siyang umiiyak." "Tabi, ako na." Hinayaan niya nga 'to na palitan ang puwesto niya sa sofa kung saan naroon ang baby stroller ng baby. "May naisip ka na bang ipapangalan sa kaniya?" tanong bigla sa kaniya ni Reema habang tahimik niyang pinagmamasdan ang gagawin nito sa baby. "Ahm, tutal naman ay boy siya, naisip ko na pangalanan na lang siyang Baby Reemo." Hindi makapaniwalang sinulyapan siya nito. Lukot ang ilong. "Nang-aasar ka ba?" He shrugged his shoulder. "Actually, I'm not. Saka temporary lang naman, habang nasa poder lang natin siya, so, why not? Mas madali rin niyang mare-recognize ang name na 'yon since maririnig niya rin naman sa name mo." Reema rolled her eyes. "Whatever," saka sumusuko na nitong sabi. Napangisi siya nang mapapayag niya 'to. Ngisi na napalis din nang makita niya ang diaper pala ng baby ay punong-puno ng— poof! "Yaiks!" bulalas niya. Sabay takip siya sa sariling ilong. Masisisi ba siya? Ngayon lang siya nakakita at nakaamoy ng pupu ng baby! Reema giggled. "Kaya naman pala umiiyak. O, tandaan mo ha, sa tuwing iiyak ang baby, check mo parati ang diaper. Minsan sa sobrang wee-wee rin umiiyak sila kasi nakakairita nga naman 'yon aba." Hindi na niya nagawang tumango. Napaatras na kasi siya sa hindi makayanan na amoy ng pupu ng baby. Hagalpak ng tawa naman ang babaeng noon lang niya napuna na nakalugay pala ang buhok. It was the first time na nakita niyang nakalugay ang buhok nitong shoulder length. Palagi kasi 'yong nakarolyo sa likod ng ulo nito sa tuwing nagkikita sila. "Grabe, baby boy talaga 'to at nananapak ang amoy ng pupu ah!" paglalaro pa nito sa baby. And the baby smile as if nauunawaan nito at kilala nito ang naglalaro rito. Kaya palang makipaglaro sa baby ng isang manang na tulad ni Reema. And well, ngayon lang din niya nakita na tumawa 'to kaya natigilan siya talaga bigla nang matapunan niya 'to ng tingin habang parang kinikiliti 'tong tumatawa nang hindi niya naawat ang sarili sa pandidiri. "Arkin, ikuha mo 'ko ng warm water at cotton bago ka mag-shower. Linisin ko si Baby Reemo, palitan ko ng diaper," utos nito pagkatapos na tumawa, na umuntag sa sandaling pagkatigagal niya. "H—Huh? Warm water?" "Oo, bilis mo, 'yon ang panglinis sa lower body ng baby 'pag pinapalitan sila ng diaper. Hay, hindi mo man lang tinignan kung paano inaalis ang diaper." "Nakita ko naman." Oo, nakatingin naman siya sa ginagawa nito kanina kaya nga nagulat siya sa laman ng diaper ng baby. "Good. Paglinis naman ang tignan mo, hala, kilos na, kuha na ng warm water at cotton!" "O—Oo, oo, eto na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD