3: The Baby

1515 Words
BALIKWAS na bumangon si Reema mula sa sofa na nakatulugan na niya kagabi. Hayst, sabi na nga ba niya, sa sobrang pagod niya ay pagka-shower kagabi ay bagsak na kaagad siya. Hindi na niya nagawang makaakyat sa k'warto niya at sa sofa na siya inabutan ng antok. Antok pa na bumangon siya. Hindi siya papasok ngayon kasi sarado sila. Nakalimutan niyang official holiday nga pala ngayon. Kung hindi ba naman katangahan niya rin para magalit kagabi sa hudyong si— Argh! Naalala na naman niya ang hayup na si Arkin Winters at ang unang halik na ninakaw nito sa kaniya. Oo, unang halik niya 'yon. Unang halik at... Ah! Nakakainis! Nakakainis na maalala kung gaano kabasa ang halik na 'yon. Nilamutak lang naman ng hudyong si Arkin Winters ang bibig niya! Pero s'yempre, pagkatapos ng halik ay isang sapak ulit ang inabot nito mula sa kaniya bago siya mabilis na nagmartsa paalis. Kung hindi niya kasi bibilisan ay makikita ng lalaking 'yon ang namumuo ng luha sa kaniyang mga mata kagabi. Luha na sigurado siyang pagtatawanan na naman nito. Gano'n naman 'to sa tuwing nagkakaroon sila ng engkwentro. Tatawa lang. Akala mo ay nakakatuwa siya. Hmp! "Napakasalbahe talaga ng lalaking 'yon," himutok pa niya sa sarili. Matapos niyang magbanyo at magwisik lang sa mukha ng tubig ay nagpakulo na siya ng tubig sa electric kettle niya para makapagkape na muna siya. Gaya nang nakagawian ay dinala niya sa munting gazebo ng bahay niya ang kape niya. Pinalagay niya ang gazebo na 'yon upang kapehan niya talaga 'pag naroon siya sa bahay niya. 'Yon na lang ang pinalagay niya at hindi naman kasi siya pinayagan ng president ng subdivision's homeowner association na magpalagay ng fence at division na maghahati sana sa bahay nila ni Arkin. Oo, tag kalahati sila ng hudyong lalaki sa isang buong bahay na may dalawang pinto. 'Yon lang kasi ang afford niya. Nauna siya sa hudyo na makakuha ng bahay ro'n. At ewan ba naman niya, sa dami pa ng makakakuha sa kalahati ng bahay ay ito pa. Gayong sa pagkakaalam naman niya ay mayaman 'to. Anyway, buti na lang at pinayagan ang gazebo niya. Masarap magkape ro'n sa umaga habang nagmumuni-muni siya at isa-isang binabati ng mga nagdaraan na kapitbahay. Sa pagkaalala sa salitang kapitbahay ay pumasok na naman sa isip niya si Arkin. Napaingos siya. Maaga pa naman, sigurado siyang tulog pa ang b'wisit na lalaki. 'Pag nagising 'to ay sasabayan niya ng alis sa gazebo. Hindi ito at ang nakakadiring basang halik nito ang makakapagpaawat sa kaniyang peace sa paninirahan sa Blooms, hah! Pero ang inaasam niyang peace ay mukhang hindi niya makakamit ngayon. Pagbukas kasi niya ng pinto niya ay isang baby stroller ang bumungad sa kaniya—baby stroller na may natutulog na cute na baby! NAG-INAT si Arkin at pinatunog ang mga buto niya sa leeg habang hinihintay niya na kumulo ang pinainit niyang tubig para sa kape niyang barako. Sa umaga ay barako talaga ang kinakape niya pampagising. Nang umagang 'yon ay mas kailangan niya niyon dahil halos mapuyat na siya sa pag-iisip kagabi sa pagresolba ng problema niya sa pera. Napuyat na siya ngunit wala, zero. Si Knight pa rin ang nakikita niyang solusyon sa problema niyang 'yon. Ang pinsan niyang si Knight na magmula yata nang makapag-asawa ay sinapian na ng espiritu ng kakuriputan sa hindi niya malaman na dahilan. Tsk. Ilang beses din niyang inisip ang magiging approach niya sa lola niyang si Doña Matilde para buksan niya ang tungkol sa naka-freeze niyang mana pero wala. Wala siyang maisip na magandang approach. Kilala niya ang lola niya. Hindi rin talaga 'yon papayag sa gusto niya kahit hainan niya pa ng kung ano-anong salita at pangako. Napakamot siya sa sariling kilay na lang. Dahil sa labis na inis nga ay hindi naman siya natuloy sa paglabas kagabi. Nawalan na siya ng gana. Sinabihan na lang niya si Mary na sa susunod na lang sila lumabas. Hindi na rin niya kasi gustong magdala ng babae sa bahay niyang 'to sa Blooms na noon naman ay ginagawa niya. Wala lang, wala naman sigurong masama kung maniwala siya sa kasabihan na malas 'yon. Napangisi siya nang maalala niyang ang nagsabi sa kaniya na malas ang gano'n ay nakatira lang sa kabilang bahay. Si Reema Valderama na may malambot na labi pala... Man, magkape ka na para kabahan ka naman. Malayo si Reema sa mga babaeng naikama mo na. Don't ever think about it! Nasa gano'ng pakikipagtalo siya sa sarili nang hindi pa man niya nahihigop ang tinimpla niyang kape ay tumunog ang doorbell niya. Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Masyado pang maaga para sa bisita ah. Hindi na siya nag-abala na silipin kung sino ang nasa likod ng pinto niya dahil sa tagal niya naman na nanirahan do'n, walang aberya na maaari niyang ma-encounter kaya nga ba mas gusto niya pa rin na uwian ang bahay niya ro'n. Mababait din ang mga nakatira ro'n. Saka, inaantok pa siya para pagkaabalahan pa ang pagsilip sa pinto. "Anak mo, naligaw sa pinto ko," bungad ni Reema sa kaniya nang mabuksan niya ang pinto ng bahay niya. Sa pinagsamang antok at gulat ay hindi kaagad nag-sink in sa kaniya ang sinabi nito. Inuna niya kasing takpan ang harapan ng boxer short na suot niya. Paano ba naman, binalya ng manang ang pinto! Binalya nito pabukas at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay niya tulak ang isang— baby stroller...? "W—What the hell?" "Anak mo nga." "A—Anak...?" "Oo. Congrats! Tatay ka na pala!" tugon nito, kumaway pa sa mukha niya saka sumibad na ng alis. Gano'n kabilis. Kumatok 'to, pumasok sa bahay niya nang pagbuksan niya, may iniwan na baby stroller at lumayas na. Naiwan siyang napatanga. Napatanga at nanlaki ang mga mata nang matanto niyang may baby na natutulog sa baby stroller! SIRA ang doorbell ni Reema kaya kinalabog na lang ni Arkin ang pinto ng bahay nito. Kung hindi nito bubuksan 'yon ay sisipain niya ang pinto talaga makapasok lang siya sa loob. Gano'n na ka-hype ang gigil na nadarama niya sa mga sandaling 'yon. Sa mga sandaling 'yon na ang baby ay umiiyak na. Fvck! "Sandaleee!" dinig niyang sigaw ni Reema. Buti naman at may plano 'tong pagbuksan siya. "Ano ba—" "Manang Reema, pakikuha ang anak mo at umiiyak na," putol niya rito nang bumungad na 'to sa kaniya. Tinaasan siya nito ng kilay. Sinarado nito ang pinto ng bahay nito at nakapamewang na hinarap siya. "Hoy, virgin pa 'ko kaya hindi ko anak 'yan 'no!" "Hoy ka rin, alam kong virgin ka pa dahil manang ka. Hindi na 'ko virgin pero hindi ko anak ang batang 'to." Sumumpa man siya na lahat ng babae na daraan sa mga palad at landas niya ay paiiyakin niya, wala sa plano niya ang magkaanak. Na-master na niya ang safe na paraan upang hindi magkaanak. Nagsimula nang umingit ang baby. Sabay nila 'yong tinapunan ng tingin. Hindi niya natiis ang pag-iyak ng baby, kinarga niya 'to upang tumahan. "Don't cry baby," bulong niya pa sa baby na sa tantya niya ay apat na buwan gulang pa lamang o lima. "O, 'kita mo, pareho kayo ng buhok, may pagkakulot!" He scoffed. "Look at your hair," hamon niya rito. "Hah! Kulot lang 'to dahil parati kong nirorolyo. 'Pag binasa ko 'to, makikita mo na straight 'to huy!" He rolled his eyeballs. "Tell that to the moon." "Que aga mong naghahanap ng moon." He glared at her. Relax na relax nga 'to ngayon kahit ibinalik niya na ang baby rito. Virgin e. Wala naman duda ro'n. Late na niya na-realize na ipamumukha nito 'yon sa kaniya. Oo nga naman, paano manganganak ang isang virgin? "Tigilan mo na ang kalokohan na 'to, kawawa naman ang bata at mukhang gutom na," naiinis na niyang turan dito. Yumukod 'to sa baby stroller. May kinuha ro'n, nakaipit sa ilalim ng higaan na foam ng baby ro'n. "O, hayan ang dede niya, mukhang may gatas naman na kasama ang baby mo. Padedehin mo, tatahan 'yan baka gutom na," utos nito sa kaniya. Ininguso rin ang parang lata nga ng gatas na naka-plastic at nasa ilalim ng baby stroller kung saan maaaring maglagay ng gamit. The baby stroller is the one na mabibili lamang sa mall. Pricey 'yon, nakasisiguro siya kahit hindi pa siya nagkaka-baby dahil madalas niyang paglaruan ang gano'n sa mall noong maliit pa siya at namamasyal sila ng lola niya sa isa sa mga malls na pag-aari nito. "Do'n na kayong mag-ama, oki? At ako'y magluluto pa ng makakain ko." Akma siyang tatalikuran na ng manang, nang mabuksan na ulit nito ang pinto ng bahay nito ay inangkla niya ang paa niya upang maawat niya 'to sa pag-alis. S'yempre ay hawak niya ang baby at pinapadede. So, magdusa 'to sa ginawa niya. Matinis ang tili na pinakawalan nito nang ma-realize na sigurong hahalik 'to sa sahig dahil sa ginawa niya. He chuckled. Pero mautak pala 'to. Plakda man ang pagbagsak sa sahig ay kaagad naman 'tong nakaharap sa kaniya at nanlilisik ang mga mata na tinignan siya. "Hudyo ka talaga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD