6: Holding Back, No More

1418 Words
NGAYON lang siya nagpunta sa grocery nang may kasamang iba. Nang may kasamang babae to be exact. Mas lalo na nang may kasamang baby! Kaya alam ni Arkin na kung may makakakita sa kaniya ngayon na kakilala ay kakalat ang kung ano-anong haka-haka patungkol sa kaniya at 'yon ang dapat siguro at hindi na masamang banggitin niya sa kasama. "Reema, kung may makakita sa 'kin dito na kasama ka at si Baby Reemo, makakarating panigurado sa lola ko 'to," bulong niya sa babaeng busy sa kakahanap ng gatas na katulad sa lata ng gatas na nakita nila sa baby stroller. "So?" "Anong so? S'yempre ay alam mo na ang kasunod na mangyayari." Hindi siya tinapunan ng tingin nito. Pinagpatuloy lang ang pagtulak sa baby stroller habang siya ay tulak naman ang grocery cart nila na nilagyan na nito ngayon lang ng diapers. "Over ang ten minutes." "Huh?" "Over ang sinabi mong ten minutes nang umiyak si Reemo kanina, Arkin Winters," sagot nito na sa wakas ay sinulyapan siya. Sa wakas din ay nakita na nito ang gatas na hinahanap. "Okay, then five minutes," naiinis niyang tugon na lang. Noon pa man ay alam na niyang weird ang kapitbahay niyang 'to. Kundi ba naman, bigla siyang katukin nito noon nang dis oras ng gabi habang may tangan na flashlight na sumilaw sa kaniya pagbukas niya ng pinto. Ang rason ng pagpunta nito? Nagrereklamo lang naman sa mga ungol na naririnig at hindi raw makatulog! Natatawa na lang talaga siya sa tuwing maaalala niya na sinagot niya 'to na kung tulog na talaga 'to ay malabo nito 'yong marinig. Nakakatawa ang pamumula ng mga pisngi nito niyon na malinaw niyang nakita dahil sa tangan nitong flashlight ng gabing 'yon. "Kung makarating man sa lola mo ang balitang magkasama tayo ngayon at kasama si Reemo, hindi ba at mas okay 'yon sa 'yo?" "Ano?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Mas okay 'yon sa 'yo. 'Yon naman ang gusto mo 'di ba?" "Er, so, pumapayag ka na...?" Testing-in lang niya, baka lang naman... "Wala akong sinabi na pumapayag ako. Magkaiba 'yon sa aksidenteng makita tayo rito ng isa mong kakilala, Arkin." Nakaingos nitong sagot. Napakamot na lang siya sa sariling kilay sa kakulitan ng babaeng kasama. Sa totoo lang ay hindi naman sila close ni Reema kaya hindi rin niya masisi 'to na huwag pumayag sa nais niya bukod sa alam niyang manang nga 'to. Old- fashioned, virgin, relihiyosa pa nga. Kaya malabo talaga niya 'tong mapapayag. Pero gets naman niya ang kakasabi lang nito. Na wala na 'tong magagawa kung sakali nga na makarating kay Doña Matilde ang tungkol sa kanila. Hmn, kung pakakaisipin ay puwede na rin naman. Tutal ay sa kanila muna si Baby Reemo habang hindi pa nila alam kung sino ang mga magulang nito. Sa naisip ay natigilan siya. Naaawa siya sa baby. The moment nga na mapulot nila 'to at nalaman niyang wala na ngang kopya ng CCTV sa Blooms ay tatawag sana siya ng tulong sa ibang pulis na kakilala ng pinsan niyang si Knight para mapabilis ang pagtunton at paglalagay sa rehas ng kung sinong nag-abandona sa bata. Kaya lang ay nag-suggest naman si Knight na kupkupin na lang muna nila, na maaari niyang magamit ang baby at si Reema para makuha na nga niya ang naka-freeze niyang mana. Noong una ay hesitant siya. May konsensya naman siya kahit paano. Kaso ay sabi naman ng mahusay niyang pinsan, ang mga pangyayari ay may dahilan. Hayun na nga naman at binigyan na siya ng baby at instant mommy pa ng baby para maresolba ang problema niya, aarte pa raw ba siya? Sabagay nga naman, hindi rin naman niya kagustuhan ang mga pangyayaring 'yon at hindi rin naman kaya ng konsensya niya na abandonahin din ang baby kahit pa ba wala siyang alam sa pag-aalaga. Kung naiba ang sitwasyon na kung hindi niya kailangan ang naka-freeze niyang mana, buong puso pa rin naman niyang kukupkupin ang baby. Oo, kahit pa nga ba mag-isa siya at hindi involved si Reema. Kahit wala sa plano niya na magkaroon ng anak. Dahil naniniwala siyang walang baby na deserve na abandonahin nang gano'n. Why, hindi naman sila ang nagnais na mailuwal sila sa mundo para gawin sa kanila ang gano'ng kawalang pusong pag-iwan na lamang basta. "A—ARKIN...?" Natigil sa pagpili ng feeding bottle para kay Baby Reemo si Reema nang may kung sinong tumawag kay Arkin. Sabay nila 'yong nilinga ng huli. Isang lalaking mataas at hindi nalalayo ang itsura sa kasama niya ang nalingunan nila. Hindi nalalayo dahil may hawig nga, pareho rin na naaamoy niya ang mga yaman kahit pa nga ba hindi niya singhutin ang mga 'to. "Knight!" masayang bulalas naman ni Arkin sa tumawag dito. "Fancy seeing you here," anang lalaki, nilingon siya nito. "Uhm, sino siya? Wait, may asawa at anak ka na? Wow! Congrats! Hindi ko alam na nag-stick ka na sa isa!" Okay, ang binanggit sa kaniya ng hudyo kanina ay nangyari na nga. Nangyayari na ngayon. May nakakilala na rito at nakita silang magkasama ngayon with Baby Reemo. Well, sino nga ba naman ang hindi mapagkakamalan na hindi sila mag-jowa man lang ni Arkin Winters e, may kasama nga silang baby at namimili sila together ng mga baby needs and stuff. "Dude, namimili ka rin ba ng baby stuff?" "Yeah, mapili kasi ang baby ko sa tsupon. Napadaan lang ako sa store na 'to," reply ng lalaki kay Arkin. Arkin glanced at her, naalala yata na ipakilala siya. "Ah, by the way, this is Reema. Reema, this is Knight, cousin ko." Oh, pinsan pala. Kaya magkahawig. Isang tipid na ngiti ang binigay niya sa ipinakilala sa kaniyang si Knight. "Nice name." Pagak na natawa 'to. "Sabi nga nila." "Bagay sa 'yo," aniya pa rito. Tumawa 'to ulit. "Ikaw lang ang nagsabi niyan, ha." Nagkatawanan ang magpinsan. Ngumiti lang siya. Bahala ang mga 'to sa mga trip nila. Basta siya, nag-eenjoy lang naman sa pagtingin ng mga cute na baby stuff. Maraming pera naman ang kasama niya, ito na muna ang magbayad. Pupunuin na niya ang cart nila tutal at hayun, makukuha na nito tiyak ang naka-freeze nitong mana na sinasabi sa kaniya. At least, hindi siya pumayag. Again, iba 'yon sa may nakakita sa kanila na magkasama. Hindi rin naman niya akalain nam magugustuhan niya at mawiwili siya sa pagbili ng mga gamit para kay Baby Reemo. Feel na feel niya nga actually, na siya mismo ang naghahanap ng mga gamit na nababagay rito maging ng damit. "Baby carrier, buy ka na rin," sabi niya kay Knight. Wala lang, pinakita lang niya sa mga 'to na halos mapuno na ang cart na tulak ng pinsan nito. Busy na kasi ang dalawa sa kung anong pinag-uusapan na wala naman siyang pakialam. Nilulugar naman niya ang pagiging tsismosa. Saka, wala siya sa mood makitsismis at nawili na nga siya na bilhan si Baby Reemo ng mga gamit. "Yeah, buti napaalala mo rin, Reema, thanks," tugon ni Knight sa kaniya. Nginitian lang niya 'to ulit sabay sinulyapan niya ang pinsan nito na hindi nga siya nagkamali— napangiwi na sa dami na ng laman ng cart nila. Magdusa 'to. Balato na sa mana na makukuha nito dahil sa kanila ni Baby Reemo tutal naman ay wala siyang planong makihati ro'n gaya nang in-offer nito sa kaniya. Hindi niya gusto na magpagamit dito kaya hindi niya tinanggap ang offer nito. Magpagamit na kasama pa ang inosenteng baby. May dignidad siya, nagkamali ang hambog na hudyo kung inaakala nitong makukuha siya nito sa pera. Pero hindi ba at hindi mo rin naman itinama ang inakala ng pinsan niya? pagkondena sa kaniya ng kung sinong nagsalita sa dulong bahagi ng utak niya. Hay, oo na, hindi niya itinama dahil somehow, gusto rin naman niyang matulungan nga si Arkin sa problema nito. E, kung sa 'yon lang ang paraan. Again, okay na rin naman at gaya na lang ngayon, ito nga ang solong magbabayad ng mga inilagay na niya sa cart nila. Kumpleto na 'yon— ah, wait, hindi pa pala. Kulang pa ng rocking chair, feeding chair, walker saka electric na duyan, uso na 'yon e, mahanap niya nga para sulit naman ang paggamit nito sa kanila ni Baby Reemo. "Okay 'yan, magagamit pa ng susunod mong baby, Knight." "I agree with you." "Okay ba 'yan? Parang nakakatakot at mataba si Angelite," ani Arkin sa pinsan. Genuine concern din naman ang nabanaag niya sa mga mata nito nang sulyapan niya. "Okay 'yan, pinakamahal kasi 'yan e."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD