2: Ang Manang at ang Playboy

1522 Words
DAHIL sa frustration na nararamdaman ay napagpasyahan ni Arkin na umuwi na lang muna at ipahinga ang utak. Gusto niya ang proyektong 'yon. Gagawin niya ang lahat para makuha niya 'yon. Iisipin na lang muna niya kung paano mapaamo si Knight o mag-iisip pa siya ng ibang paraan muna. May paraan pa, naniniwala siya. May paraan pa at napakarami pang paraan bukod sa nabanggit ng siraulo niyang pinsan. Hinding-hindi na niya ilalagay sa alanganin ulit ang sarili. "Sh't!" hindi niya naawat ang sarili na mainis at diinan ang busina ng kotse niya sa sobrang traffic. Kung kailan naman kaunti na lang ay nasa subdivision na siya. Subdivision na siyang mas nais niyang uwian sa tuwing may problema siyang katulad na lang ngayon. Ah, sabagay, inabutan na pala siya ng rush hour kaya naipit na siya sa traffic. Rush hour at idagdag pa ang ulan na sadyang nagdudulot na ng trapiko sa Metro sa hindi niya malaman na kadahilanan. B'wisit! B'wisit talaga ang mga kamalasan na nararanasan niya lately. Wala naman siyang balat sa puwit para abutin ng kamalasan, ewan ba naman niya. Pero sabi nga ay sa buhay, kasama talaga ang kamalasan. Hindi niya kailangan na magreklamo, alam naman niyang soon ay may kapalit na ang lahat ng 'yon ng suwerte. Basta mabuting tao pa rin naman siya na hindi nagpapabaya sa responsibilidad niya bilang may-ari ng firm na minalas. Oo, malas talaga! Nasa gano'ng pag-iisip siya nang umusad na ang mga sasakyan sa kaniyang harapan. Kasabay nang pag-ilaw ng screen ng phone niyang nasa cp holder na naka-install sa dashboard ng kotse niya. Awtomatikong napangiti siya nang mapasulyap do'n... Si Mary na malayo sa birhen na Maria pala ang nag-message sa kaniya. Nakilala niya 'to sa isang bar sa Malate noong nakaraan. Pakipot, na normal naman sa mga gano'ng babae. Babaeng sawi kaya naglalaklak sa bar na 'yon. Kung may makakapag-shift ng mood niyang inis sa tuwa ay ang mga babae 'yon na game katulad ni Mary. Ah, nais niya talagang mailabas ang babae at maisama sa listahan ng mga babaeng nakaulayaw niya dahil maganda 'to, parang manika sa ganda. Maamo ang mukha. Maano bang makipagbolahan siya rito tutal ay naipasok na niya ang kotse niya sa gate ng subdivision... HINDI matatawaran ang nadaramang pagod ni Reema ngayon. Kailangan na makakain siya kahit tinapay at kape lang ngayong gabi dahil sigurado siyang pagkalapat niya sa higaan ay makakatulog na siya dahil sa pagod. Marami kasing customers kanina sa supermarket kung saan siya regular na nagtatrabaho. Ewan ba niya kung bakit sa araw na 'to ay mas maraming nangailangan ng serbisyo niya. Walang humpay. Kaya hindi rin siya nakaupo talaga halos idagdag pa na nag-iisa siya dahil ang kasama niyang 'bisor ay naka-leave dahil manganganak. Bilib din nga siya sa sarili at hayun, nakuha niya pa talagang maglakas pauwi. Kailangan e. Kailangan na magising ang diwa niya kung ayaw niyang agaran siyang makatulog pagkauwi niya saka malaking tipid na rin 'yon sa kaniya. "Ayy! B'wiseeet!" tili niya nang pukawin siya at maramdaman niya ang maruming tubig sa kaniyang kanang braso, binti at pisngi. Oo, hindi na niya naiwasan—nasabuyan lang naman siya ng putik! Putik na nasa kalsada dahil sa pag-ulan kanina! Ang salarin? Hayun, ang isang magarang kotse na kilalang-kilala niya kung sino lang naman ang nagmamaneho! Awtomatiko ang pagtalim ng tingin niya sa madilim na bintana ng kotse nito kahit wala naman siyang nababanaag na tao ro'n dahil nga magara ang kotse. "Hoy! B'wisit kang lalaki ka, harapin mo ako!" bulyaw niya kahit alam niya rin na hindi siya naririnig nito. Kinatok niya rin ang salamin ng kotse ng bastos na lalaki sa sobrang inis niya. Oo, sigurado siyang lalaki ang driver ng kotseng 'yon. Aba, sino ang hindi maiinis? Pagod na siya at nakakatamad nang maglaba tapos palalabhan pa nito ngayon sa kaniya ang pants niyang pangtrabaho na naisusuot niya pa ng dalawang araw! Itim naman 'yon kaya naisusuot niya ng dalawang araw pa. Saka kailangang magtipid sa taas ng kuryente ngayon. Kailangan na magtipid sa sabon. Sa lahat ng bagay ay dapat na magtipid lalo kung mag-isa ka sa buhay na katulad niya. Tulad niyang mag-isa nga sa buhay ngunit may sinusuportahan na pamilya na nakakalat sa kung saang parte ng Pilipinas. At ang gano'ng sitwasyon ay pupusta siyang hinding-hindi pa naranasan ng lalaking masasapak niya talaga kung hindi magbababa ng salamin. Ang tagal magbaba ng salamin ng kotse nito kahit huminto naman na. Kumuha siya ng bato at umakma siyang hahampasin ang salamin ng kotse nito na siyang gagawin niya talaga kung nagkataon na hindi 'to haharap sa kawalanghiyaan na nagawa nito sa kaniya ngayon. "Hey," bungad nito sa kaniya nang magbaba ng salamin, malawak na nakangiti pa ang hudyo! "Hey mo ang mukha mo! Ito ang bagay sa kotse mo hayup ka!" Nang makita niya ang ngiti nito ay ewan ba naman niya kung bakit parang kumulo ang dugo niya lalo at determinado na siyang ihampas ang batong hawak niya sa kahit saang parte ng kotse nito. Kaso ay ang bilis nitong kumilos pala, agad na 'tong nakababa sa kotse e. Kaagad na nakababa na 'to ng kotse at hawak na siya sa pulsuhan niya kung saan naroon ang bato na pinulot niya kanina. "Calm down, Reema, baby," mapang-asar pa nitong sambit. She gritted her teeth. At oo, pinakita niya 'yon sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harap niya't tinitingila na niya. "Hoy, hudyo! Kahayupan mo talagang peste ka sa tuwing uuwi ka rito 'no?! Nakita mo 'tong ginawa mo sa 'kin ha?" At katulad na lang noon, sa tuwing sila ay nagkakatagpo na dalawa, ngumisi na tila nakakaloko 'to na mas lalong kinangitngit naman niya. Kung totoo nga ba na bumubuga ng usok sa galit ang ilong ng isang tao ay siguradong gano'n na siya sa mga oras na 'yon sa harap nito. Lalo na at nagsalita na naman 'to ng kalokohan in her face... "Baby Reema Valderama, it's nice to see you again. Nakakagulat na hindi na kita kailangan na kilalanin pa mula sa kotse ko kanina dahil kahit ilang buwan na 'kong hindi umuwi rito sa Blooms Subdivision ay ganyan pa rin talaga ang itsura mo... still the manang that I've known..." Muling pinagkiskis niya ang mga ngipin dahil sa inis niya sa tinuran nito. Pumasag siya sa pagkakahawak nito sa pulsuhan niya, itinapon niya ang bato na kaniyang hawak at pinagpagan ang sarili niyang mga palad bago muling pinanlisikan ng tingin ang lalaking kaharap. Gusto sana niyang sabihin dito na maging ito ay walang pagbabago. Hambog pa rin 'to. Pupusta siyang ito pa rin ang Arkin Winters na kung magpalit ng babae ay animo nagpalit lang ng underwear. Sigurado siyang ito pa rin ang lalaking akala mo ay kung sinong herodes na nagdesisyong paglaruan ang mga babaeng dadaan sa palad nito dahil lang sa niloko 'to ng pinsan niyang si Via. E, kung hindi ba naman kasi malandi 'to at ang pinsan niya, kay aga na magkagustuhan, elementary pa lang pala ang mga 'to. Natural magbago pa ang nararamdaman ng pinsan niyang hindi naman niya ka-close pero nagpunta sa kaniya minsan para umutang ng pambiling gatas. Do'n niya nga nalaman ang kuwento nito at ni Arkin Winters. Nakakagulat s'yempre, akalain niya ba na gano'n kaliit ang mundo. Higit sa lahat, akalain ba naman niyang ang playboy na kapitbahay niya ay minsan na palang nagmahal. Minsan na palang may nagmahal dito. Kung siya kasi ang babae ay hindi niya 'to tatapunan ng pansin man lang! "Wait, nasaan na ang malalaking salamin mo sa mata? Wow, nag-upgrade ka na rin pala kahit paano. Look at that contact lenses, bagay sa 'yo ah. Color gray. Ang hindi lang nagbago talaga ay ang boring na pananamit at boring na buhok mo. Sabi ko naman sa 'yo, para hindi ka masabihan na manang ay—" hindi na naituloy ng lalaking mataas, maganda ang tindig, may nakakalansing mga mata ang sinasabi nito nang walang sabi-sabing undayan niya ng sapak 'to. Sapul 'to sa gilid ng kanang labi. "'Yan ang nababagay sa mga lalaking hambog na tulad mo! Akala mo nabili mo ang kalsada kung magpatakbo ka ng kotse mo!" asik niya rito habang nakayuko 'to, sapo ang labi na nasaktan at tila dina-digest pa ang nangyari. "Wow, medyo masakit 'yon ah, buti pa ang suntok mo nag-evolved. Grabe nga ang progress sa huling suntok na inabot ko sa 'yo," nakakaloko pang ani 'to nang makahuma na at nag-angat ng tingin sa kaniya. Ano pa ba ang aasahan niya rito? Noon pa man ay luko-luko na 'to. Sus. "Buti pa nga talaga. At oo, lahat naman ay may progress, ikaw lang yata ang nananatiling wala at nakahinto sa nakalipas kung saan ka harapan na pinagpalit sa malapit, Arkin Winters," ganting pambubuska niya rito bago niya 'to talikuran. Kung lilingon lang sana siya ay makikita niya kung paanong nanlisik ang may kapilyuhan na mga mata ng lalaking kaniyang binuska sa paraan na alam niyang mas masasaktan 'to. Kaya lang ay hindi na nga siya lumingon. Hindi tuloy niya napaghandaan ang paghila nito sa braso niya at mas lalong hindi niya napaghandaan ang halik na ginawad nito sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD