19: Final Revelation

1579 Words
"SIGE, magkita na lang tayo sa harapan ng mansion ng mga Hondradez," 'yon ang text na ipinadala ni Reema kay D bago niya napagpasyahan na lumabas na ng banyo. Matagal na niyang kaibigan si Deena. Naging kaklase niya ng tatlong beses noong elementarya. Ang mga pangalan nila ang siyang naging rason kaya sila nagkadikit na dalawa. Napuna nila na magka-rhyme at pareho ng spelling, and the rest as they say is history. Habang naglalakad siya papunta sa komedor kung saan naroon sina Arkin, hindi niya maiwasan na maalala ang sinabi nito sa abuela na girlfriend siya nito. Aaminin niyang nagulat siya. Hindi niya akalain na gano'n siya ipapakilala nito dahil wala naman silang opisyal na usapin patungkol do'n. Isa pa, aaminin niyang nabuwag niyon ang tapang na inipon niya sa pakikipagkita kay Doña Matilde ngayong gabi. Oo, alam niyang nagulat din si Doña Matilde na naroon siya at nagpakita rito pagkatapos ng maraming taon na nagdaan noong huli silang magkita at magkakilala... Naikuyom niya ang sariling kamao sa alaala. Napaglaruan siya ng matandang doña noon pa man at hinayaan niya 'yon hanggang sa huli dahil ayon na rin sa matalik niyang kaibigan na si Deena ay hindi papayag ang doña na hindi niya sundin ulit ang pinag-uutos nito. Ang sa kaniya lang naman ay kailan magtatapos ang pagsunod nila? Ang kawalan nila ng kakayahan na tumanggi? Oo, kaya nga ba pinakita niya sa doña ngayong gabi na binago niya ang pananamit niya. Sa pamamagitan kasi niyon ay pinapakita niya na rito na hindi na siya ang Reema na susunod na lamang sa nais nito. Hindi niya pa nakakalimutan nang sabihin sa kaniya ng doña na gusto siya nito dahil mukha siyang uto-uto. Gaya nang hindi niya pa rin nakakalimutan ang sinagot niya rito na 'pag binago niya na ang kaniyang sarili, 'yon na ang araw na hinding-hindi na siya magagamit nito. Ah, kailan nga ba nagsimula ang lahat ng 'to? Bakit nga ba hinayaan niya na ganito na ang kahantungan ng lahat? Wala namang ibang talo sa huli rito kung hindi siya at may Baby Reemo at Arkin na 'tong kasama. Ang dalawa ang pinakamahalagang tao na sa puso niya ngayon. Dalawang taong pinakamahalaga na sa kaniya na inaakala niya noon na ang kaniyang pamilya. Pamilya na siyang tanging rason kung bakit nagawa niyang sundin ang pinag-uutos ni Doña Matilde noon na pagsirain sina Via at Arkin dahil sa pera. Kung sana ay nakinig siya kay Deena, hindi sana mangyayari sa kaniya 'to. Kung sana nakinig siya sa kaibigan na tigilan na niya ang pagtulong sa mga kapatid niya na may kaniya-kaniya ng pamilya. Ang lungkot lang na ako pa rin ang mawawalan sa huli. Dahil paano niya ipapaliwanag kay Arkin ang lahat ng 'to? Maniniwala ba ang huli kung sasabihin niyang oo, hindi siya pumayag na magpanggap na partner nito na naanakan para makuha ang mana nito— but not until wala na siyang magawa dahil nagawa ng lola nitong ipatanggal siya sa trabaho. Ah, walang kasiyahan ang lola nito. Hindi niya alam ang rason, basta na lang nang mapulot niya si Baby Reemo, tumawag si Deena sa kaniya at sinabi sa kaniyang sakyan ang gusto ni Arkin dahil utos ni Doña Matilde. Hindi niya alam ang rason, hindi niya rin inalam dahil ayaw niyang pumayag. May bata na kasing involved. May feelings na kasing involved. Oo, hindi na niya itatanggi ngayon na magmula noong sinunod niya ang utos ng doña na pagsirain ang pinsan niya at si Arkin ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang nagawa. Akala niya noon ay dahil lang 'yon sa nakokonsensya siya at malaking pera rin kasi ang pinangpyansa ng matandang doña sa kuya niya na wala rin, nakulong din naman pagkalipas ng ilang buwan at hanggang ngayon ay nasa kulungan. Akala niya noon ay nakokonsensya lang siya kaya ginawa niya ang lahat ng paraan upang huwag makaramdam at magmanhid-manhidan sa pamamagitan ng pagbalewala sa paligid niya. Paano naman ay lahat na lang ng nagawa niya sa tatlo niyang kapatid, wala rin naman napuntahan. Kung may pakonswelo siya, 'yon ay ang mga pamangkin niya na hindi rin naman niya matitiis. Sa huli, siya rin na mag-isa ang magpapatatag sa kaniyang sarili dahil dama niyang magtatapos na ang lahat ng ito ngayong gabi. Hindi naman kasi niya tinanggap ang binabayad ni Doña Matilde sa serbisyo raw niya. Hindi niya tinanggap ang pera nito dahil bukal sa loob niya na alagaan si Baby Reemo at para sa kaniya ay walang katumbas na pera 'yon lalo na ang pag-asikaso niya at pag-entra niya sa buhay ni Arkin. Siguro nga ay tama na naman si Deena, na deep inside her, gusto niya rin na ang pinag-uutos ng doña kaya kahit hindi siya pumayag at kahit hindi siya nagpabayad ay tinuloy niya ang nais nito. Tinuloy niya ang nais nitong mangyari na pagmamanipula sa damdamin ng sariling apo sa hindi malinaw sa kaniya na rason. Ah, wala rin naman nang saysay na malaman niya ang rason ng doña. Noong una kay Via ay alam niya ang dahilan, sino ba naman kasing lola ang hindi ilalayo ang mayaman na apo sa isang babaeng taga squatter na ay nagagawa pang manloko? Itong kay Baby Reemo ay malabo sa kaniya. Nakakaiyak lang na sa pagmamanipulang 'yon ng doña ay damay siya. Mas malaki pa nga ang damage sa kaniya. Karma na yata niya sa nagawa niya noon kay Via at Arkin 'to. Ah, tama na, nakakaiyak lang isipin. Kung may dapat siyang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pagkausap sa doña nang sarilinan. Ito na ang bahalang magsabi kay Arkin ng lahat. Wala na siyang mukhang ihaharap sa apo nito pagkatapos ng gabing 'to. Oo, nakapagdesisyon na siya na siya na ang tatapos ng lahat. Siya na ang tatapos at kusang lalayo. Siya na ang tatapos sa pagmamanipula ni Doña Matilde sa kung sino-sino. Sa paggamit nito sa kaniya. Bahala na si Deena kung ayaw nitong matapos ang kalokohan na 'to, basta siya, matagal nang tapos at nananahimik, dinamay lang ng doña na naman. Tatapusin na niya dahil kawawa naman ang puso niya. Hindi naman siya umaasa na mahal din siya ni Arkin. O kung umaasa man siya, alam niyang lahat ng 'yon ay maglalaho 'pag nalaman nito ang pakikipagsabwatan niya sa lola nito. Natigilan siya sa paglalakad nang maramdaman niya ang mainit na likido na naglandas sa kaniyang pisngi. Naiyak na pala siya nang hindi niya namalayan. Kaagad niya 'yong pinalis ng mga palad. Nang kukunin niya sana ang tissue na nasa handbag niyang bitbit ay nasagi siya ng kung sino, kumalat tuloy ang laman ng handbag niya sa tiles na sahig. "I'm sorry, miss," hinging paumanhin sa kaniya ng lalaking halata naman na humahangos kaya pala siya nasagi. Buti na lang, kaunti lang ang nahulog sa laman ng handbag niya. Coin purse, lipstick at roller cologne lang. Nang matulungan siya nitong madampot ang mga 'yon ay nagmamadali na 'tong tumalilis. Teka, kilala niya ang lalaking 'yon! Nakita niya na 'to... sa painting sa entrada ng mansion—oo, hindi siya maaaring magkamali, isa ang lalaking 'yon sa anim na apo ni Doña Matilde! "WHERE is my son?!" dumagundong ang baritonong boses na 'yon sa tahimik na komedor. Kahit hindi naman lingunin ni Arkin ay kilala niya ang bagong dating. Ang pinsan niyang si Clay 'yon. Ang matandang binata kung tawagin sa magpipinsan na Hondradez dahil well, ito ang panganay sa magpipinsan ngunit nananatiling single sa edad na tatlumpu't dalawa. Nang sulyapan niya ang abuela ay pasimpleng nagpahid muna 'to ng bibig bago tugunin ang bagong dating. "Son? Clayton, mukhang nagkamali ka yata ng napasukan na bahay o whatever dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman 'to day care o pedia clinic." Napangisi siya sa sinagot ni Doña Matilde sa pinsan niyang si Clay. Kung mamalasin nga naman sila sa abuela, oo. "I am not joking here, Granny." "I know, and I must thanks heaven na until now na halos mapatid na ang mga ugat mo sa galit ay tinatawag mo pa rin akong Granny, apo kong panganay," their grandmother sarcastically said. "Where is my son, Arkin?" Nang walang makuha na matinong sagot sa lola nila ay siya ang binalingan ng pinsan. "Nabalitaan ko na ikaw ang nag-alaga sa kaniya and a certain Remedios Valderama. I will thank you later, mahalaga lang sa 'kin na mahanap ang anak ko ngayon muna." Sino ba naman ang tatay na hindi mahalaga sa kaniya ang anak? S'yempre ay wala. At sa nakikita niyang galit sa parati namang galit na pinsan niyang 'to, humanda talaga ang lahat 'pag hindi nito nahanap ang anak. Tinapunan niya ng sulyap ang lola niya at saka siya nagsalita. "Anak niya si Baby Reemo. Ilabas mo na, Granny. Besides, bakit mo ba kasi itinatago sa kaniya?" naguguluhan talaga niyang tanong. "Why? Simple lang, paano naman makakapag-alaga ng bata 'yang pinsan mong tinamaan ng magaling at pinaparusahan ang sarili na animo patay na habang nabubuhay. E, 'de ngayon may pakiramdam na siya." Bumaling 'to kay Clay, "Saka, wala na sa 'kin ang anak mo, Clayton. Naroon na kay Abelina, tinangay na." Walang salita na humangos na paalis ang pinsan niya. "And you, dapat mo nang puntahan si Remedios." "Nasa banyo, hindi ba?" "At naniniwala ka na hanggang ngayon ay nasa banyo?" "Hmn, hindi naman makakaalis 'yon." "Wow, ang yabang talaga ng apo kong 'to." "No, actually, magpapasalamat nga ako sa 'yo, Granny." Malawak na napangiti ang doña. "Lahat kayong mga apo kong lalaki ay dapat naman na magpasalamat sa 'kin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD