18: More Revelations

1502 Words
HINDI nakakatuwa ang mansion ng mga Hondradez. Nakakalula kasi 'yon para kay Reema. Ang mga disenyo ng naglalakihan na mga paintings ay wala siyang maunawaan. Buti na lang ay mayroon siyang namataan na isang painting na kahit sino ay alam na agad kung sino-sino ang mga nakapinta ro'n— pamilya ni Doña Matilde. Oo, ito lang ang nag-iisang nakaupo habang nakapaikot dito ang mga seryosong mukha ng mga anak at apo. May isang apo na kamuntikan nang ngumiti sa kuha na 'yon, lihim tuloy siyang natawa, paano ay si Arkin 'yon, wala naman ng iba. Maloko talaga. Kapansin-pansin sa litratong 'yon na pinagkopyahan ng pintor na lumikha na ang lalaking katabi niya ngayon ay may mabuting karakter kumpara sa mga kalalakihan na naroon. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa palad ni Arkin sa naisip niyang 'yon. "Why?" tanong nito, nagtataka. "Wala naman. Nakakalula lang ang bahay na 'to." He chuckled. "Mas nakakalula ang may-ari ng bahay na 'to 'kamo." "Si Doña Matilde?" "Sino pa ba? But don't worry, nasabi niya sa 'kin na mag-isa lang siyang haharap sa 'tin ngayon." "Well, walang problema sa 'kin kung lahat ng nasa painting na 'yan ay harapin tayo." Natawa si Arkin. "Sira ka talaga." "But I'm serious, wala talagang problema sa 'kin. Mukha ba 'kong hindi seryoso?" Pinanggigilan nito ang ilong niya. "You're really makulit." Siya naman ang natawa. Tawa na nahinto rin nang may marinig silang dalawa na tunog ng gulong— automatic wheelchair. Na siyang kinauupuan ng obviously, lola ni Arkin na si Doña Matilde. "Nakakagulat na darating pala ang araw na makikita kitang may babaeng dinala sa bahay ko, Arquino." MASUNGIT ang bungad ng lola niya pero kapuna-puna na ni hindi man lang nagulat do'n si Reema. Nasa ganoong pag-iisip si Arkin nang magulat siya sa ginawang pagmamano ni Reema kay Doña Matilde. "Magandang hapon po, Doña Matilde," dinig niyang pagbati pa ni Reema sa lola niya habang ito'y nagmamano. Ang pagmamano ang isa sa nakagawian na ng mga Pilipino na siyang ayaw na ayaw naman ni Doña Matilde dahil naaalala raw nito ang namayapang asawa. Masyado kasing mahal ng asawa nito ang Pilipinas dahil dito sa bansa nakilala ang napangasawa kaya kasama sa minahal nito raw ay ang mga kulturang Pinoy. Huli na upang maawat niya si Reema sa pagmamano, nang sulyapan niya ang lola niya ay hindi naman 'to nagbigay ng reaction. Siguro ay nagmamagandang asal dahil ibang tao nga naman ang nagmano pero... "I forgot to tell her," aniya sa abuela, tukoy niya sa pagmamano nga na ginawa ni Reema. Binalingan siya ng huli. "About what?" nagtataka nitong tanong na hindi na niya nasagot dahil nagsalita na ulit si Doña Matilde. "Nothing. And that's okay, apo." Really? ngali-ngali niyang sambitin, pero tumahimik na lang siya at hinayaan 'to. "But you must introduce her to me, first, 'yon ang tama bukod sa pagmamano, hindi ba?" Gusto niyang mainis sana sa abuela, kaya lang ay ngayon lang naman siya kasi nagdala ng babae za mansion. Ngayon lang siya may ipinakilala rito kaya siguro 'to gano'n kasungit. Ugali rin kasi nito na sindakin ang mga pinapakilalang babae rito ng mga apo. "Yeah, I mean, kahit ang baby lang ang nais mong makita at makilala ngayon, sure, Granny. Kaya nga dinala ko rin si Reema, para makilala mo siya." "The baby is fine. Na-meet ko na siya, nauna sa inyo ang yaya ng bata. Naroon na sila sa komedor." "Granny, si Reema nga po pala, girlfriend ko." Alam naman niyang 'yon lang naman ang hinihintay ng lola niya na sabihin niya. So, sinabi na niya. Katulad nga ng inaasahan niya, ang nagulat sa kaniyang sinambit ay si Reema, imbes na ang lola niya. Why, kilalang-kilala si Doña Matilde sa gano'ng karakter, 'yong walang facial expression kaya hindi mo malalaman kung natutuwa ba 'to o ano. Sanay na siya ro'n. Kaya nga ba nagpapasalamat pa rin siya sa pinsan na si Knight at sa mga magulang nito dahil kasi sa mga 'to ay hindi siya masyadong na-exposed sa mga kakatwang pag-uugali ng mga Hondradez. Yeah, kamag-anak niya ang mga Hondradez, lola niya ang kaharap na siyang nagpalaki sa kaniya pero sasabihin niya pa rin ngayon na hindi niya nais ma maging katulad ng mga 'to at nagpapasalamat siya na hindi nga 'yon nangyari. Something is off in this family. Oo, sa pamilya mismo na kinabibilangan niya. "So, totoo pala ang rumor," anang abuela niya. "Wala namang rumor na kumakalat at hindi po ako artista," he answered, sarcastic ang kaniyang tono. Doña Matilde scoffed. "Ako nga ay tigilan mo, Arquino. Lalo kung wala ka namang magandang sasabihin." "But it seems, kayo kasi ay mayroon, Granny." Kumumpas ang doña. "Hay, huwag nating pag-usapan 'yan, masyado pang maaga." "Kung 'yon ang gusto niyo." Kibit-balikat niyang sagot sa lola niya. In-stretch niya ang braso niya upang maakbayan niya ang girlfriend niya na tila na natuklaw ng ahas at hindi na nakakibo. "Are you alright?" bulong niya rito. "Okay lang 'yan, nakikita mong nakatayo lang." Haist, napaka talaga ng lola niyang 'to! "I—I'm okay, of course," paanas din na tugon ni Reema. "Tayo na sa komedor, masamang pinaghihintay ang pagkain," anang doña pagkuwan. "Hindi na nga kami nananghali sa bahay para makabawi rito, Doña Matilde." "Stop calling me like that in front of your girlfriend," masungit na anang lola niya pa, nauna na nitong pagulungin ang kinauupuan patungo sa komedor. Kapwa naman sumunod sila ni Reema rito. Nanatili silang nasa likuran ng lola niya. Sa katandaan na kaya nakaupo na sa silyang 'yon ang kaniyang abuela. 83 years old na kasi 'to. But she's still strong as a bull. 'Yan nga at napakasungit pa. Mahina na lang talaga ang mga tuhod dahil may edad na. At dahil maraming pera, automatic ang wheelchair na ginagamit. Ngunit sa lahat ng mapera, ito ang ayaw nang may nurse na susunod-sunod sa kung saan man 'to magpunta na para raw sinasabi nilang inutil na 'to. Gano'n talaga 'to ka-attitude. "Okay so, Granny, gutom na nga po ako," pang-aasar niya pa sa lola niya. "Nagugutom ka dahil matigas ang ulo mo." "Matigas din kasi ang ulo ng lola ko." Huminto si Doña Matilde para lang irapan siya. Pagkatapos ay sinulyapan nito si Reema. "Hindi ka na nakapagsalita, hija..." "Ah—Ahm, ano, ano po... maaari po ba akong makigamit ng banyo?" HINDI naman talaga siya nangangailangan ng banyo. Ang kailangan lang ni Reema ay matawagan ang kaibigan niyang nangungulit sa kaniya dahil kanina niya pa nararamdaman na nagba-vibrate ang phone niya na nasa handbag na dala niya. "D," bungad niya nang sagutin niya ang tawag ng matalik na kaibigan. "Putsa, akala ko wala ka na talagang balak na sagutin ang tawag ko." "Nabanggit ko na sa 'yo na narito na nga ako sa mansion, napakakulit mo pa rin." Lukot ang mukha na aniya rito kahit hindi siya nito nakikita. "Dahil mas makulit ka. Hindi ka dapat nagpunta sa bahay ng taong alam mong delikado ang pagkatao." "Na-meet ko na siya." "Ano?! Teka, nasaan ka na ba? Papunta na 'ko sa subdivision ng mga Hondradez—" "Bakit? I mean, hello, Deena, umayos ka nga! Hindi ako mapapaano rito dahil kasama ko naman si Arkin." "Hay, hindi mo alam ang sinasabi mo." "Relax ka lang. Bago ako nagpunta rito ay nakahanda ako." "Naka, sinasabi ko sa 'yo, hindi mo alam talaga 'yang pinagsasasabi mo." Napakunot-noo siyang minasdan ang aparatong hawak. Jusko, e, ang sinasabi ng kaibigan niya ang hindi niya maunawaan, sa totoo lang. Ah, kailan niya nga ba 'to mauunawaan, e, ito nga ang nagdala sa kaniya sa sitwasyon na 'to. Kasalanan talaga nito kung bakit nahulog na siya kay Arkin Winters. "Kasalanan mo kung bakit nahulog na 'ko." "Tsk, hindi ako ang may kasalanan niyan 'no." "E, kaninong kasalanan? Hello, nananahimik ako pati ang trabaho ko, ni hindi rin ako pumayag sa kalokohan niya noong una pa lang tapos..." Narinig niyang bumuntonghininga sa kabilang linya ang kaibigan. "Part of you ay gusto rin ang nangyari, Remedios. Ikaw pa ba, mapapapayag ka ba nang hindi mo gusto?" "Paanong hindi ako papayag e, inalisan ako ng trabaho ni Doña Matilde!" Natutop niya ang sariling bibig nang ma-realize niyang napalakas ang boses niya. Humagikgik si D sa kabilang linya. "Mas grabe pa nga ang ginawa sa 'kin, imagine." "Magkaiba tayo. Wala akong connection sa kanila, ikaw naman meron at business partner kayo ni Arkin." "May connection ka, Remedios, umayos ka nga." "Kapitbahay ko lang 'yon." "Weh? Gusto mo ba na simulan natin sa umpisa—" "Hindi na. Shut up na. Kinakalimutan ko na ang bahaging 'yon ng buhay ko." Tumawa si D. "Lahat naman tayo, may madilim na bahagi sa buhay. Lahat tayo, nangangailangan. Depende na lang sa pangangailangan at konsensya." "At ikaw lang ang walang konsensya sa 'ting dalawa." "Kaya nga tayo naging close. Isang sagana 'raw' sa konsensya, isang walang konsensya." "Siraulo!" "O, siya, enjoy-in mo na 'yang jowa mong si Arkin. Papunta na 'ko." 'Yon lang at naputol na ang linya. Napailing na lamang siya na in-off ang phone niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD