20: Finale

1681 Words
MULI pang nabangga ni Clay Hondradez si Reema, nang lumabas kasi 'to ng pinto ay siyang pag-atras niya, ngunit sa pagkakataong 'yon naman ay nagkatitigan lang sila. Oo, narinig niya ang lahat. Narinig niya na ito ang tatay ni Baby Reemo. Hindi man malinaw sa kaniya ang iba pang mga narinig kanina na pag-uusap ng mga 'to sa loob ay isa lang ang tumatak sa isipan niya— nasabi na ni Doña Matilde sa apong si Arkin ang lahat. Alam na ni Arkin na bayad siya noong ginawa niya ang paghalik dito. Alam na nito na may alam siya patungkol sa pag-aalaga kay Baby Reemo, na pakana lahat 'yon ng doña pero nanatiling tikom ang bibig niya at hinayaan niya 'tong mapaglaruan ng lola nito. O paglalaro nga ba? Ano ba ang intensyon ni Doña Matilde? Hindi malinaw sa kaniya. Ang sakit sa ulo isipin. "Ikaw si Remedios Valderama?" untag sa naglalakabay na isipan niya ni Clay Hondradez, bumalik 'to nang makalampas na sa kinatatayuan niya at tinanong siya. Kiming tango lang ang naitugon niya. Masyadong nakakatakot ang aura ng lalaking kaharap niya kaya kahit hindi naman siya nasasakal talaga ay gano'n ang pakiramdam niya nang magtama ang kanilang mga mata. "Maraming salamat sa pag-aalaga sa baby ko." Kahit kinamayan na siya nito ay nakatanga pa rin siya ro'n. Nakatanga pa rin hanggang sa maglaho 'to sa kaniyang paningin. Kung hindi dahil sa natanggap niyang text mula kay Deena ay hindi niya maaalala na dapat niyang pagtaguan si Arkin. Oo, pagtataguan niya 'to. Wala na siyang mukha na maihaharap dito maging sa lola nito kung tutuusin. Ah, sino ba ang niloko niya? S'yempre ay kaya niya pa rin na harapin ang mga 'to. Ang feelings niya kay Arkin ang tatakasan niya, wala ng iba. Feelings na baka sakali na magbago pa kung sakali na hindi niya 'to makita at makasama. Hindi siya ang deserving na babae para rito. Hindi ang babaeng katulad niya na nagawa itong paikutin ang para rito. Hindi niya kayang malayo rito pero s'yempre ay kakayanin niya. Wala naman siyang hindi kinaya sa buong existence niya sa mundo. Isang malalim na hininga ang hinugot niya bago siya magpatuloy na sa paglalakad palayo sa komedor ng mansion ng mga Hondradez. Mahirap na, baka 'pag nagkaharap sila ni Arkin ay mapayakap na lang siya rito at hindi na umalis sa pagkakayap na 'yon. Kung sana nga ay gano'n kadali. Kaso ay hindi. Sa paglayo na gagawin niya ay kasama na rin do'n ang paglimot kay Baby Reemo. "Pssst!" Napakurap-kurap pa siya, nasa harap na pala siya ng mansion at nakalabas na nang hindi man lang niya namamalayan. Hayun nga at naroon na sa pagtawid si Deena, maneho ang Wrangler Jeep nito at sinisitsitan na siya. Napatingin siya sa madilim na kalangitan. Nakakagulat na magdidilim na pala. Parang alas kuwatro lang yata ng hapon nang makarating sila sa mansion na 'yon. Gano'n kabilis ang oras. Kaya kakapitan niya pa rin ang oras sa paghihilom na gagawin niya. Muli ay nilingon niya ang nakakalulang malaking bahay na nasa kaniyang likuran, bago niya itinapak na palabas ng gate ang kaniyang mga paa dahil malinaw na niyang nakikita na iritang-irita na ang kaibigan niya sa kaartehan niya. Hay, kahit kailan, panira sa moment ang isang 'to talaga, aniya sa isipan patungkol sa kaibigan na mainipin. Nang tuluyan siyang makalabas sa gate ng mansion, natural lang na mag-aangat siya ng tingin at tatawirin niya ang kalsada. Kaya lang, sa muling pag-angat niya ng tingin ay isang mamahalin na sasakyan ang bigla na lang huminto sa Wrangler Jeep ng kaibigan niya at kitang-kita niya na ang isang mataas na lalaki na bumaba ro'n at hinila ang kaibigan niya palabas sa jeep nito! "D—Deena..." Hindi niya maigalaw ang mga paa niya sa gulat at takot na lumukob sa sistema niya sa nasaksihan. Tulong! Kailangan ni Deena ng tulong! Kaso ay bakit walang lumalabas na tinig sa lalamunan niya? Ang takot at kaba na lumukob sa kaniya ay nasundan ng pagdagundong ng kaniyang dibdib nang may marinig siyang sumabog! Takip niya ang mga palad sa magkabilang tainga na napayukyok na lang siya sa kung saan siya nakatayo at hindi makakilos. Mariin niya ring pikit ang mga mata. Kahit na... Kahit na malinaw naman na sa kaniyang pandinig na ang kaninang sumabog ay isang klase ng paputok na umaangat sa langit— fireworks nga! Makukulay 'yon. Nakakasiyang pagmasdan... BINILISAN ni Arkin ang paglalakad upang kaagad siyang makalapit kay Reema. Nakita niya 'tong napatalungko mula sa kinatatayuan dahil sa gulat sa nasaksihan na paghila ng pinsan niyang si Gael Hondradez kay Architect D. Nakita niya rin kasi ang lahat. Kung ano man ang problema nina Gael at Architect D gayundin sina Clay at Abby, bahala na ang mga 'to sa paglutas ng mga 'yon dahil may sarili siyang lovelife na dapat pagtuunan ng pansin ngayon. The love of his life is there... confuse man sa mga fireworks na tinitingila ay hindi naman 'yon maalisan ng tingin. Well, sino ba ang hindi mamamangha sa mga fireworks na 'yon? Makukulay 'yon na sadyang pinalamutian ang tahimik at madilim na kalangitan. Ah, bakit nga ba kailangan niya pang magmadali upang makalapit agad kay Reema, gayong hayun, nakita na nito ang tunay na purpose ng mga fireworks na 'yon na ang lahat ay inayos ni Knight Winters. Akalain niya ba naman na may romantic bone pala ang pinsan niyang 'yon sa katawan? 'PANAGUTAN MO AKO, REMEDIOS VALDERAMA.' Reema blinked her eyes once again, totoo nga. Naroon pa rin sa madilim na kalangitan ang mga katagang 'yon... Kaagad niyang kinapa ang phone niya— kailangan niyang makuhanan ng litrato 'yon bago maglaho! "Do you like it?" Inawat ng palad ni Arkin ang akmang pagkapa niya sa phone niya. "Mukha namang nagustuhan mo at nakalimutan mo na ang kaibigan mo e." Natigilan siya. Pagkatapos ay napayakap na lang dito. No words can actually describe what she's feeling right now. Kung may salita pa ba na nababagay, hindi niya maapuhap. "Your friend is alright. I think may something sila ni Gael," bulong sa kaniya ni Arkin while gently caressing her hair, habang siya ay nagsisimula nang maiyak sa balikat nito. "I'm sorry. 'Yong si D ay—" "Ssshhh... hindi mo kailangan na magpaliwanag sa 'kin dahil alam ko na ang lahat." Mas nakakaiyak naman ang sinabi nito. Nakakainis. She heard him chuckled. "Bakit ka naiiyak? Ayaw mo ba 'kong panagutan?" ani Arkin. Hinawakan siya nito sa balikat niya at marahan siyang iniharap. Ngayon ay magkatitigan na sila. "Pananagutan ko ang mga kasalanan ko sa 'yo, promise." Tumawa si Arkin. "Patawa ka ba?" Siya naman ang natawa. "Overwhelmed lang." "Hay, Reema Valderama..." "Oo na. Hindi na kita tatakasan. Nagbago na ang isip ko. Pananagutan na kita, Arkin Winters kahit ang corny mo na." Halakhak ang sinagot niya. "Hindi talaga ako ang may idea niyan." Inirapan niya 'to. "Feeling ko ay kilala ko, hmp!" "Pasensya ka na, nagulat ka ng fireworks." "Bongga naman e, gusto ko nga sanang picture-an kasi ngayon lang ako nakakita ng gano'n na may letters." Hinapit siya nito at inakbayan. "Ngayon nga lang talaga. 'Yan kasi ay idea ng asawa niyang si Alondra." "So, ibig sabihin, ngayon lang nila ginamit?" Tumango-tango si Arkin. "Ngayon lang nila tinesting. Si Alondra kasi ay naging katuwang na ni Knight sa negosyo niya. 'Yan nga ang idea niya, wedding coordinator na siya ngayon, catering pa. Talagang naungusan na ang alaherong pinsan ko." "Nakakainggit naman." "At bakit ka maiinggit? 'Di hamak na mas marami akong pera kay Knight Winters!" anang isang boses na hinding-hindi nila maipagkakamali kahit kanino—si Doña Matilde. Naikot niya tuloy ang kaniyang eyeballs. "'Yan na naman po ba tayo sa pera niyo?" "Aba't— batang 'to, kung hindi dahil sa pera ko, wala ka sanang Arquino ngayon." "Rephrase ko lang po, kung hindi dahil sa inyo, wala po sana akong Arquino ngayon. Maraming salamat po sa pag-aruga rito sa mapapangasawa ko." Doña Matilde scoffed. "Pareho na rin 'yon." Arkin laughed out loud. Napailing na lamang siya nang talikuran na sila ni Doña Matilde. "Grabe talaga 'yang si Granny. Alam mo ba na sabi niya sa 'kin kanina na nakapasa ka raw sa test niya." "Anong test? 'Yong pagtanggi ko sa nais niyang bantayan si Baby Reemo for you? Kasi naman, ayaw ko talagang alagaan ang baby dahil hindi ako marunong saka wala akong tinanggap na bayad niya ro'n ah," defensive niyang tugon. "Wala sa mga naiisip mo ang test." "Ha?" nagtataka niyang sambit. "First time raw na na-meet ka niya noong naghahanap ka ng work sa Monumento, alam na niya raw na para ka sa isa sa mga apo niya." Napanganga siya. Naalala niya na! Naalala na niya ang tagpong 'yon! "At paano niya naman nasasabi 'yon?" "I dunno, ganyan siya talaga. Then, noong makasama na kita ay napuna kong pareho kayo ng pagsasalita." Kibit balikat na tugon ni Arkin. Napangiti na lang siya. Hindi na kailangan ng isang expert para maunawaan ang weird na doña. Simple lang, nakita siya nito bilang katulad nito sa maraming mga aspeto, naa siyang mapag-iiwanan nito sa apong si Arkin na ito ang nag-aruga at nagtyaga sa pagpapalaki at pag-aalaga. Hindi nga naman kumpleto si Arkin. Lumaki ito nang may kulang sa buhay nito. Wala 'tong nanay. Ginawa lang ng matandang doña ang lahat upang maiparanas sa apo ang pagiging kumpleto sa pamamagitan ng hindi paghahanap sa wala. Sa ginawa rin nito ay naging responsable ang apo. Hindi na rin siya magtataka kung ito rin ang may kagagawan ng pagbagsak ng negosyong itinayo ni Arkin. O kung hindi man dahil aksidente 'yon, may special participation pa rin 'to. "Kailangan na nating magpakasal, Arkin." "Hmn?" "Dahil baka kunin na ni Lord ang lola mo." "Salbahe." Tatawa-tawang sabi nito sa kaniya. "Real talk lang." "Lord, ano ba namang proposal 'to?" Kunwari ay reklamo na lang nito sa langit. Of course, napahagikgik na lang siya. Siya na ulit ang humalik dito. Para matapos na ang daldalan. Besides, mas masarap halikan nang biglaan ang isang Arkin Winters. ~The End~ Thank you for reading! Remember~ Happiness depends upon ourselves :) ©LUNAMARGARET

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD