Episode 5

817 Words
(Mirand POV) Ilang araw ko ng hindi nakikita si hotty boss. Speaking of the demon bakit ba sa lahat ng masasalubong ko ito pa talaga higad na secretary ni Sir. Tinaasan ako ng kilay at pumameywang pa akala mo siya ang boss. Isumbon gko kaya ito? "Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Inggit ka sa beauty ko?" natawa ako sa tinuran niya. Ako maiinggit sa beauty niya. Saang banda? " Sarry. Sarry. F.Y.I. Ang pader ang tinitingnan ko." lumapit ako sa pader at hinimas ito na parang gandang ganda ako doon. " Ang ganda kasi ng color ng pintura. Bakit naisip mong ikaw ang tinitingnan ko? Eh mas maganda pa nga ang pader kaysa sa iyo" nakataas din ang kilay ko. Akala niya siya lang kaya magtaas ng kilay. Kung ganoon pataasan kami ng kilay. To the highest level. "Aba maangas ka na din sumagot. Isusumbong kita kay Sir Drake napakawalang galang mo."singhal niya sabay irap sa akin. Aba ang sarap lang ilampaso sa tae ng kalabaw ang pagmumukha nito. " Ako pa talaga ang walang galang. Eh ikaw itong unang nag-approach ng hindi magandang salita sa akin." kakainis lang feeling naman niya boss. "Whatever!" sabay talikod nya. Aba ang taray ah. Siya pa talaga nagwalk out. Madapa ka sana. Ginaya ko ang gesture niya. Natawa ako kasi natapilok ito. Muntik na ngang mapasubsob. Buti nga sa iyo gagang ito. Aalis na sana ako nang mahagip ko ang paparating na tao. Nakita kong lumapit sa kanya ang higad na Secretary. Tingin ko base sa pagkakatingin sa akin ng higad parang nagsusumbong nga ang walanghiya. Tumingin si boss sa kinatatayuan ko. Para akong natulala nakatitig kasi sa akin ang boss ko. Nang tumapat na ito sa kinatatayuan ko. Nagsalita ito. " Miranda in my office" seryoso na sabi nito. Tsaka ito Tumalikod. Gusto kong sabunutan ang Secretary ni Sir. Ano naman kaya ang sinumbong niya? Siguradong puro kasinungalingan lahat. Konti na lang at isusumbong ko siya kay Sir Drake. Ginagawa niyang motel ang office niya. Sa sobrang inis ko inambaan ko ito ng suntok. Pinanlakihan ko pa ng mata. Nang nasa tapat na ako ng pinto ni Sir. Pinayapa ko muna ang t***k ng puso ko. Ninenerbiyos ako dahil baka papagalitan ako ni Sir.Kumatok ako ng tatlong beses. " Come in" narinig kong sabi nya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko siyang nakatalikod, nakaharap sa may malaking bintana ng office niya. Nanatili lang akong nakatayo at tahimik na hinihintay ang paglingon ni Sir hotty. Diyos ko ang sexy ng likod niya. Hot na hot. Paano kapag humarap. Warak ang panty ko niyan. " Mira" feeling ko nang-aano siya. I mean nang-aakit ang boses niya. "Pinatawag kita kasi gusto ko sanang ibigay ito." nalaglag ang panga ko dahil akala ko papgalitan niya ako. Tiningnan ko ang inabot niya sa akin maliit na kahon. Inopen ko ito. Oh my god it's a necklace na may pendant na two heart na may diamond. Ang ganda! Nagningning ang mata sa nakikita ko. Nakakapagtaka naman na binibigyan niya ako ng ganito. Girlfriend na ba ako ni Sir ng hindi ko alam? Aba kailan pa? " Sir bakit niyo po ako binibigyan ng ganito?" tanong ko. " Nakita ko kasi sa isang store sa france kaya binili ko. I think bagay sa iyo iyan kaya binili ko." sabi nito. "Naku Sir nakakahiya naman." sinoli ko ang kuwintas. Iniabot ko sa kanya iyon. "Huwag na po kayo mag abala. Ibigay niyo na lang iyan sa girlfriend mo Sir" Umiling si Sir Drake. "No it's for you. Please accept it." Hindi ko namalayan nakalapit na pala si Sir sa harap ko. "Im not acccepting a no. And wala akong girlfriend kung yan ang gusto mong malaman." naramdaman ko na lang may malamig na bagay sa leeg ko. " See. Bagay sa iyo. You look beautiful in that necklace. Hindi ako nagkamali sa pagpili." ngumiti ito sa akin iyong tipong nakakatunaw na ngiti. Habang ako nakanganga. Diyos ko ang pogi ni Sir kapag ngumingiti. Face to face pa kami. Inilapit ni Sir ang mukha niya sa mukha ko. Oh my hahalikan na niya ako. Ayan na ayan na naamoy ko na ang mabango niyang hininga. Malapit na. Kring kring kring. Tunog ng alarm clock ko. Ganyan talaga ang tunog ng alarm clock. Parang telepono. Napabangon ako bigla. Nangamot ako ng ulo ano ba iyan akala ko totoo. Panaginip lang pala kainis. Nandoon na eh no? Binigyan niya na ako ng necklace at ikikiss na nga ako. Buwisit kang alarm clock ka dapat mamaya na lang eh. Sana wait mo muna kiniss nya ako eh. Pananginip lang pala. Akala ko totoo na. Nakasimangot akong tumayo na sa higaan ko. Kakainis kasi akala ko mapifeel ko na lips niya. Akala ko matitikman ko na ang labi ni Sir hotty. Malaking akala lang pala. Makaligo na nga maaga pa pasok ko. Para mahimasmasan ako sa panaginip kong bitin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD