Episode 6

900 Words
(Miranda POV) May hangover pa din ako sa panaginip ko kagabi. Grabe nandoon na eh no ilalapit na. Napabuntong hininga ako. Naawa naman ako sa alarm ko. Sa kanya ko lang naman isinisisi ang pagkaudlot ng kiss ni hotty boss sa akin. Kung nakakapagsalita lang ang alarm ko malamang sa alamang dinakdakan na ako. " Miranda bakit ganyan ang mukha mo? Sambakol" biglang sulpot sa tabi ko si Alehlie. " Sambakol bang hindi naman ah?" tanggi ko ayoko naman mag open up about sa panaginip ko baka kasi pagtawanan ako nito. Kilala ko itong babaitang to numero unong bully to eh. " Weh hindi nga.Tumingin ka sa mirror mirror on the wall baka masagot niya iyang katanungan mo. Kung sambakol ba ang feslak mo, ganern." siraulo talaga to naiimbyerna ako sa mukha ng ka officemate ko. Parang gusto kong batukan ng bonggang bongga . Ano ba iyan bakit ba ang init ng ulo ko? Dahil ba doon sa naudlot na kiss? Juskolord panaginip lang iyon bakit naiinis ako. " Bakit ba ang init ng ulo mo? Meron ka ba? Dont tell me nararamdaman mo na ang sign of aging ateng." sabi ng ka officemate kong loka loka. " Heh!Leave me alone." napa english tuloy ako. " Ay wala lang sa mood napapa english ka na teh." natatawang sabi ng ka officemate kong si Alehlie. " Did you hear me right? LEAVE ME ALONE " mataray na sabi ko. Luh hindi ko mapigilan magsungit. Ganoon ba kapag nabitin umiinit ang ulo. Makapagwork na nga lang para mawala itong inis ko. Kinapa ko ang mug ko sa mesa. Makapag kape nga muna mahimasmasan ako. Baka kulang lang ako ng luto ng langit. Ano ba, kung ano-ano na naiisip ko. My gosh nasaan na ba ang coffee ko. Tiningnan ko ilalim ng mesa ko baka nailagay ko doon. Bakit ko naman ilalagay sa ilalim ng mesa.? Check ko din ilalim ng upuan ko. Baka kasi nabaliw ako nailagay ko din doon.Nakalimutan ko lang. Nasaan na ba ang kape ko! Baliw lang pati folder binuklat ko baka natakpan lang. Pati sa sapatos ko check ko din baka lang naitabi ko doon. Napatingin ako sa table ni Alehlie hayon ang mug ko. Hala paano napunta doon naglakad ba ang mug ko? Nakita kong uminom ang walanghiyang Alehlie sa mug ko. Nakangiti pa ang gaga. Tumayo ako para kunin ang kape ko. "Magtimpla ka ng kape mo!" sabay kuha sa mug. (Drake POV) Nandito ako sa Manila para sa seminar. One week ang ilalagi ko dito. Gustong gusto ko ng umuwi pero hindi pa puwede. One day to go na lang babalik na ako ng province. This past few days palagi ko na lamang naalala ang isang empleyada ko. Natitigan ko lang siya pero grabe effect nito sa akin. Ito ba yung tinatawag nilang love at first sight? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Everytime I looked at her may nararamdaman akong kakaiba. She isn't my type of girl. She is just plain simple. Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naiisip. Papasok na sana ako sa loob ng opisina ko ng marinig ko ang mga empleyada ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko ng marinig ko ang boses ni Ms. Miranda. Hindi muna ako pumasok. Pinakinggan ko lang ang pag-uusap nila sa loob ng opisina ko. " Mira ayusin na natin ang table itong ni Sir hotty. Pati na ang mga table natin. Papasok na daw ngayon. Tapos na daw ang seminar niya sa Manila." sabi ng isang empleyada. " Aba babaita ako pa talaga sinabihan mo niyan? Tingnan mo nga ang table ko kung makalat? Table mo nga ang makalat" napatawa pa si Ms. Miranda. Kaya mas Lalo akong napangiti. " Ay may regla lang teh kung makareact." natatawa ako sa biruan nila. " Teka ipagtitimpla ko ng kape si Sir baka parating na iyon." " Wow Secretary lang ang peg mo Mira?." " Ewan ko sa iyo tulungan mo na lang ako maglinis kaya. Dalian mo at baka dumating na ang boss natin" sinilip ko ang ginagawa nila. Nakita ko si Ms. Miranda na inilapag ang kape na tinimpla nito. Napangiti ako. Siguradong magiging mabuting asawa siya pagdating ng panahon. Pagkatapos inayos na nito ang magulo kong lamesa. Wala na kasi ang Secretary ko dahil inalis ko na. Nalaman kong dito niya dinadala ang lalaki nito kapag wala na ako sa opisina ko. Hindi niya alam na may CCTV ang loob ng opisina ko. Kaya ng minsan nagcheck ako ng video. Nakita ko ang kababuyang ginagawa nila ng isang lalaki na hindi ko kilala. "Mira labas muna ako naiihi ako punta lang ako ng bathroom." napatago ako sa isang sulok ng lumabas ang isang empleyada ko. Naiwan sa loob si Ms. Miranda. Buti hindi ako napansin na nasa isang sulok. Busy kasi ito sa pagbutingting ng cellphone nito. Tiningnan ko ang oras sa relo ko 15 minutes at mag 7:00 am na. Nagpasya na akong pumasok. Gulat ang naging reaction ng makita niya ako. " Good morning Sir Drake." bati nito sa akin. Nakatitig ako sa kanya. She is so beautiful. Napatitig din ito sa akin. Nakaawang ang labi nito. Napatulala ako sa kanyang mapulang labi. " Sir?" pukaw nito sa pagkatulala ko. "Huh .. G-good morning Ms. Miranda." nauutal na tugon ko. " Sige Sir lalabas na po ako." Nginitian ko siya. Para akong lumutang sa ulap ng nginitian niya ako pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD