Episode 4

720 Words
(Miranda POV) Kakapasok ko pa lang ng office bigla akong hinila ng ka-offficemate kong si Nadia ang isa sa ka close ko sa department namin. " Ayieee Mira tingnan mo ito? Dali!"Tili nito. Tiningnan ko ang cellphone at may ipinakita  sa f******k niya. Isang post ng hindi ko kilala. Hindi ko pa kasi nakikita kung sino ba iyong binabanggit niya. Nakatutok kasi ako sa nakapost na message. Binasa ko ng malakas. " I look at you and see the rest of my life in front of my eyes" " Sino ba ang nag post niyan?" tanong ko kay Nadia. " Ano ka ba si Sir Drake kaya ang nagpost niyan. So it means may nagugustuhan na siya. At hindi lang iyan ibig sabihin nandito lang sa may office ang girl na binabanggit niya!" aba sino naman iyon? Malay ko ba at pakialam ko ba. Sus nagseselos ka lang dahil hindi ikaw ang gusto ni Sir. Sabi ng isip ko. Kaya napasimangot ako. " Aber sino naman? Bakit mo nasabi na tiga dito sa office? Malay mo kaibigan or kapitbahay di ba? Sa office talaga? Duh" paliwanag ko sa kanya.  " Hay naku magkape ka muna bago iyang mga walang kuwenta." sabi ko. Naglakad na ako papuntang area ko. Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ko ang bag ko. Naupo ako upang ayusin ang kakainin kong almusal. Bumili ako ng pansit sa may baba ng office.  " Sus selos ka lang noh? Kasi may napupusuan na si Sir hotty"sabi nito naksunod pala sa akin. Napataas  ang kilay ko sa sinabi niyang nagseselos ako.  " Ako nagseselos at bakit naman?: itinuro ko ang sarili ko. "Wala naman ako gusto kay Sir. Baka ikaw." wala naman akong sinasabi na may gusto ako sa boss namin. Oo humahanga ako pero hindi naman obvious.  " Ikaw naman hindi ka na mabiro. Alam ko naman na crush mo si Sir" lumaki ang mata ko kasi ang lakas ng pagkasabi niya. At hindi ko inaasahan na parating si Sir. Oh my god! Naku hindi niya sana narinig. Buwisit kasing babae na ito. Mababatukan ko talaga bunganga nito eh. " Good morning Sir" nakangiting bati ni Nadia. Nag nod lang si Sir Drake. Napatingin sa akin ang boss naming hotty.  Narinig kaya niya? Hindi naman sana. Alanganin ang ngiti ko hindi ko alam kung ngingiti ako or kung ngingiwi. " Good morning Ms. Nadia and Ms. Miranda" bati niya sa amin at nagtuloy na siya sa office. Binatukan ko si Nadia. " Aray ko naman bakit ka nambatok!" reklamo niya. " Paanong hindi kita mababatukan ang lakas ng pagkakasabi mo crush ko si Sir. Hindi ko nga crush iyon! Baka narinig niya! Naku nakakahiya baka maniwala iyon!" nakasimangot na sabi ko. Tumalikod na ako para bumalik sa upuan ko. Ako kasi ang tipong ayokong magbigay ng motibo sa mga lalaki. Kahit na crush na crush ko ang isang lalaki. Hindi ako ang nagbibigay ng hint na gusto ko ito. Naniniwala kasi ako na dapat ang mga lalaki ang unang magbigay ng moves hindi ang babae. Sabihin ng sinauna ang paniniwala ko pero iyon ang pamantayan ko sa pag ibig. Naks pamantayan talaga. " Uy sorry na ateng. Joke lang sige hindi mo na crush si Sir" kinakalabit niya ako. Pero hindi ko siya nililingon. Naiinis ako sa kanya. Pero hindi ko naman matiis ako din ang tipo ng tao hindi nagagalit ng matagal. Mabigat kasi sa dibdidb. Napatingin naman ako sa dibdib ko. Maalala ko pala flat chested pala ako. Ibang dibdib naman kasi ang ibig kong sabihin.  " Okay forgiven ka na. Pero next time huwag mo na gagawin. Wala naman talaga ako gusto doon kay Sir." paniniguro ko. Napopogian lang ako kay Sir hotty pero hanggang doon na lang. Hindi naman magkakagusto sa akin iyon. At isa pa mas matanda ako kay Sir Drake. Ayokong pumatol sa mas bata kaysa sa akin.  " Okay I believe you na nga" Ngumiti siya pero para lang nakakaloko. Nagmadali na itong umalis. Alam niya kasi boboljakin ko na naman eh. Nagpunta na ako sa cubicle ko. Ang dami ko pang gagawin kailangan kong tapusin ngayong araw.  Ano nga ba ibig sabihin ng post ni Sir sa sss niya. Talagang pinost pa talaga ang feelings niya sa babaeng natitipuhan nito?.  Ang pag-ibig nga naman. Pero bakit hindi niya pinangalanan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD