Malas sa pag ibig. Yan ang tingin ni Miranda Macaspac sa buhay pag-ibig niya. Sino ba namang hindi mag-iisip ng malas? Kung mula sa una hanggang sa huli nyang minahal ay wala man lang sumeryoso sa kanya. Kung hindi ipinagpalit siya sa ibang babae at sasabihing na-fall out of love daw sila sa kanya. O kaya ang boring daw niyang girlfriend at hindi daw siya kagandahan. Dahil sa galit sa mga lalaki nalipasan na siya ng panahon. Sinabi niya sa sarili na siguro hanggang doon na lang talaga. Sumuko na lamang siya kaysa umasa sa wala.
Si Drake Monteverde ay guwapo, habulin ng mga babae at mayaman. Ang mga babae ang kusang lumalapit sa kanya. Isang araw hindi nya akalaing mai-inlove siya sa isang babae na mas matanda sa kanya. Paano nga ba niya mapaiibig ang babaeng nagbihag ng kanyang mailap na puso kung napakatorpe naman niya?