Episode 3

1352 Words
(Miranda POV) Pumasok akong may hangover kagabi. Dahil sa pagkindat ni Sir hindi ako nakatulog ng maayos. Kahit nagbilang ako ng tupa sa isip ko wala din saysay. Kaya ito puyat ang beauty ko. Parang 4 hours lang ang tulog ko. " Miranda pinapatawag ka ni Sir." bakit kaya? May nagawa ba ako at kailangan pang ipatawag ako? Dahil ba sa pagkindat niya sa akin? Siguro dadagdagan niya pa. Kung ganoon gora tayo mga besh. " Bakit daw ako pinapatawag?" siyempre tanong tayo par hindi obvious na excited akong pumasok sa loob ng office ni Sir hotty. Oh di ba maka hotty ang lola niyo. Napatingin si Nadia sa akin. " Malamang maghuhubad ka doon. Char lang. Aba ewan ko sinabi lang ng secretary niyang higad at anakonda" sabi nito. Aba like ko iyan. Isinaisip ko na lamang. Baka kasi nagmumukha akong obvious. Maalala ko pala iyong nawitness kong puwit ng Secretary ni Sir Drake. Sino naman ang kalampungan niya kagabi? Aba ginawa pang motel ang office ni Sir. Naku patay siya kapag nalaman ni hotty boss ang pinaggagawa ng Secretary niyang magaling. Naiinis kasi kami sa secretary niya. Akala mo boss kung mang-utos sa amin. May milagro naman palang ginagawa. Kahit naman medyo tsismosa ako, ayokong itsismis ang nakita ko izizip ko ang bibig ko. Mabuti ng manahimik para walang gulo at issue. " Pakidala daw itong mga papers." napakunot naman ako ng noo. Bakit ako ang magdadala puwede naman ang secretary niya? Ano pa ang silbi ng pagiging Secretary ng higad na iyon. Gusto ko sanang sabihin. Isinaisip ko na lamang. " Sigurado ba ako ang pinapapunta niya doon? Hindi ang secretary niya. Ako talaga?" nakakapagtaka naman. " Oo nga ikaw bakit may iba pa bang Ms. Miranda dito?" malay ko ba kung may kapangalan ako or baka nabingi lang siya ng dinig. Minsan bungol pa naman ito. " Oh, Okay sorry naman gusto ko lang linawin" napangiti na lang ako ng pilit. Nagpunta na ako sa office ng boss namin. Hay naku bakit sa dinami dami ako pa talaga? Ako talaga? Turo ko sa sarili ko para lang akong baliw kausap ang sarili. Napatapat ako sa table ng Secretary ni Sir. Tumingin ang anaconda ng masama sa akin. "Anong kailangan mo?" mataray na sabi nito. Napairap ako sa kanya. Feeling naman niya siya ang ipinunta ko dito. Akala mo naman kay linis. Alam ko na ang lihim mo bruha. " Hindi ikaw ang kailangan ko. Nandito ako dahil gusto akong kausapin ni Sir." pagkasabi ko nun tinalikuran ko na ang bruha. Deadma ko na lang ang presensiya ng babaeng higad na ito na kung makatingin para naman aagawin ko ang boss namin na ubod ng guwapo. Nakakainis kung makamando akala mo siya ang boss. Kumatok ako sa pinto ni boss pogi. " You may come in" baritonong sabi nito. Nalaglag ang panty ko sa baritono niyang boses pati ang bra ko nakalas na sa pagkakahook. "Sir pinapatawag niyo daw po ako" hindi muna ako umupo. Nakatungo lang siya habang may ginagawa sa laptop niya. Nang nagtaas ito ng tingin parang nagslow motion ang lahat. " Paki edit na lang iyang hawak mong papers. You may sit there. Tapusin mo ngayon din iyan. I need that for tomorrow" gravity makautos now na? Tinungo ko ang table na nasa may sulok. May computer na doon. Ngayon ko lang napansin na may table pala dito. Hindi ba puwedeng sa table ko na lang gawin? Bakit dito pa talaga? Tanong ko sa sarili ko. Hala sige sagutin ka ng sarili mo. Naglakas loob ako na tanungin ang boss kong pogi. Humarap ako sa kanya. " Ah Sir hindi po ba puwedeng sa table ko na lang gawin ito?" tanong ko sa kanya. Nakakadistract ang kaguwapuhan niya. My god. " No you do it here. Kung may papabago ako hindi ko na kailangan tawagin ka pa doon." seryoso niyang sabi. Sabay sulyap niya sa akin. "Oh okay Sir" hindi na ako nagreklamo para ano pa, siya ang boss namin dapat sundin. Pumunta na lang ako sa table na itinuro niya. " Ms. Miranda can you make me a coffee?" utos nya sa akin. Napaisip ako puwede kaya mag part time ako na secretary niya kapag magpapa OT siya sa akin dagdag kita din iyon. Oh, di ba? Brilliant idea. "Yes Sir. Black or with sugar or cream Sir?" tanong ko para makasiguro ako baka kasi pagalitan ako kapag nilagyan ko ng cream. Ayaw pala niya ng may sugar. Di ba? Oh huh Secretary lang ang peg. "Black with a little sugar" ano ba iyan dapat secretary ang gumagawa nito. Bakit ako my gosh. Pumunta na ako sa pantry niya. May sarili kasi siyang pantry dito mismo sa loob ng office nito. Kumpleto may coffeemaker, mini ref tapos may microwave pa. Puwede kaya makigamit papainit ko baon ko pag lunch. Char lang. Ang kapal ng feslak mo ateng. Sabi ng konsensya ko. Natapos ko ng timplahin iyong kape niya. Bumalik na ako sa table at inilapag table ang coffee na ginawa ko. Hope magustuhan niya medyo mapait ang lasa ganoon kasi ang timpla sa kape ko. " Thank you" ngumiti ito sa akin. Bumalik na ako sa puwesto ko at sinimulan ko na mag edit at ng matapos na. "Masarap ka pala magtimpla ng kape kaysa Secretary ko." Sabi nito. " Naku Sir tsamba lang po iyan. Salamat Sir." nahihiya kong sabi. Napansin ko ang pagtitig niya sa akin habang nagwowork sa isang sulok. Hindi ko kasi sinasadyang mapatingin sa kinaroroonan niya. May dumi ba ako sa mukha? Ang layo naman yata ng table ko sa kinalalagyan ng table niya, makikita niya kung may dumi ako sa mukha. Ano yun may largabista siya. Ang taray ni hotty boss ah?! "Sir may itatanong po kayo? " tanong ko kanina pa kasi patingin tingin. " Ah eh n-nothing. Dont mind me" nauutal ba si Sir? Nagkibit balikat na lang ako sa Nakita kong reaction niya. Nagulat ako bigla siyang nagsalita. Hindi ko namalayan nasa harap ko na pala si Sir. Dahil sa busy ako hindi ko namalayang uwian na. " Are you done? Saan ba ang way ng bahay nyo ihahatid na kita" Tanong niya sa akin. Nakapamulsa ang dalawang kamay sa black slack niya. Ang pogi naman parang model. Ngayon ko lang napansin macho pala si Sir. Naka long sleeve ito ng white with necktie. Nakatupi hanggang siko makikita mo ang well built muscle niya na nakabakat sa long sleeve. Hindi ko namamalayan nakatitig na pala ako sa body niya. Tulo laway. " Ehem. Are you done looking at my body" I saw him smirked. Namula ako sa sinabi niya. Naman ako jusko nahuli niya akong pinapantasyahan ko ang body nya. Nakakahiya. " Huh? No I am not Sir. T-Tapos na po ako. I mean iyong pinapagawa niyo Sir" bakit ba ako nauutal. I'm not good at lying. " I know. Sumabay ka na sa akin. Doon din naman ang way ko pauwi" sasagot pa sana ako ng tumalikod na ito. Sumunod na lang ako sa kanya. Nang makalabas na kami ng office. Napatingin ako sa table ng Secretary ni Sir Drake. Wala ng tao buti wala na si higad dito. Baka kapag umalis kami gawin na naman motel ang office nya. Ibuko ko kaya yun? Para makaganti kami sa kasamaan ng ugali niya. Nang makarating na kami sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Wow ang gentleman ni Sir hotty. Wala akong imik sa buong byahe. Wala naman kasi akong masabi. Nakakahiya na hinatid pa ako ng boss ko hanggang bahay. Itinuro ko naumanggi ako na ipasok niya pa sa kanto ang kotse nakakahiya na kasi. " Ah Sir thank you po sa paghatid. Ingat na lang sa pagdradrive" sabi ko sabay ngiti ng matamis sa kanya. " Its okay. Goodnight" nagsmile siya sa akin. Habang palayo na kotse niya nanatili akong nakatanaw. Napapaisip ako anong meron at ganun na lang ang pagtrato niya sa akin? Ayoko naman isipin na may gusto sa akin ang boss ko. Una hindi ako ang tipo niyang babae. Ayokong umasa. Takot akong magmahal ulit.Copyright © 2020 by coalchamber13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD