Chapter Four: Should I Confess or Not?

1094 Words
Hanna Rolueta’s Point of View “Girl, pag-isipan mo kaya mabuti sinabi ko. Mag-confess ka na ng hidden feelings mo kay Papa Aga. Malay mo, in lababo pala si Papa Aga sa’yo,” sabi ni Jade sa akin. Inirapan ko na lang siya habang nagsusulat ako ng lecture na nasa white board. “Jade, marunong ka pa sa akin. I know I’m in love with him, pero hanggang doon na lang iyon. Hindi ko naman kailangan sabihin ang feelings ko sa kanya. Besides, we were bestfriends since six years old. Ang dami ng taon naming na pinagsamahan tapos sisirain ko lang dahil sa feelings ko? Friendship na nga lang mayroon kami sisirain ko pa?” sabi ko. Bigla namang ngumuso si Jade sa akin. “Bahala ka friend, ikaw din sige ka. Hindi ba’t sabi moa yaw niyang magtrabaho sa company niyo? Naku! Baka makakita ‘yan ng chikababes kapag nagtrabaho siya,” sabi na naman niya sa akin. Sa inis ko ay marahas kong binagsak ang hawak kong ballpen ang tiningnan siya. “Jade, kamag-anak mo ba ‘yung addict na nahuli noong isang araw?” tanong ko at nagsalubong ang mga kilay niya. Halatang hindi niya maintindihan kung ano ang ibig kong sabihin. “Ha? Anong adik? Loko! Wala akong kamag-anak na criminal! Pero bakit mo naitanong?” “Advance ka kasi mag-isip! Bwiset ka! Mag-sulat ka na nga diyan! Hindi ako makatapos dahil sa’yo,” I said at muling bumalik sa pagsusulat. Pagkatapos ng klase ay nagpunta kami sa cafeteria para makapagmeryenda at saktong kalalabas lang din ng mga HRM students mula sa building nila. Halos isang metro lang kasi ang layo ng BSBA building at HRM building. Malapit na kami sa cafeteria nang may biglang umakbay sa akin. Sisikuhin ko sana kaso napatigil ako nang makitang si Aga pala ito. “Ikaw pala, breaktime niyo?” tanong ko. Napatingin ako kay Jade na nakangising-aso na naman sa akin. Pinalakihan ko siya ng mga mata. “Oo, breaktime naming. Mga fifteen minutes lang tapos next subject ulit. Mukhang naghahabol ng lectures ang prof naming,” sabi sa akin ni Aga at tumango naman ako. As usual ay umupo kami sa favorite spot namin—ang malapit sa counter. Naalala ko pa ang sinabi ni Aga noong mga first year college kami. Gusto niyang malapit sa counter para in case na may gusto kaming bilhin ulit ay kakatukin na lang niya ang estante. Mula noon, naging pwesto na namin ang table na ito. “Carbonara o baked mac?” tanong ni Aga sa akin nang makitang may Carbonara at Baked mac na nakadisplay. He knows na favorite ko ang dalawang iyon. Tumingin ako sa kanya at napangiti siya dahil alam niyang nahihirapan akong mamili. Those two foods are really on the top of my list. “Para hindi ka na mahirapan ay dalawa na ang bibilhin natin,” sabi niya. napalaki ang mga mata ko at mabilis siyang pinigilan. “Hoy ano ka ba? Bakit dalawa? Hindi ko naman mauubos ‘yan eh!” reklamo ko at tumawa naman siya. “Relax, sa share tayo sa Baked Mac ko. Sa’yo ang Carbonara,” he said at lumapit na sa counter. Bumulong si Jade kay Aga para sabihin ang order niya at sabay na kaming umupo sa table namin. “Nakakakilig talaga si Papa Aga. Alam na alam ang gusto mo. Kaso hindi niya alam na gusto mo—” bigla ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa. Napa-igik siya at sinamaan ako ng tingin. “Ladies, here’s your order!” sabi ni Aga nang makalapit sa amin. Tumabi sa akin si Aga at ibinigay ang Carbonara sa akin. Nagsimula na kaming kumain at gusto kong ingudngod si Jade sa kinakain niyang veggies salad. “Papa Aga este Aga, wala ka bang girlfriend? Palagi ko na lang nakikita na si Hanna ang kasama mo. Kung hindi ko lang kayo kilala ay talagang mapagkakamalan ko kayong mag-jowa,” sabi nito. Napapikit ako dahil sa kaibigan kong ito. Lord! Ano ba itong kaibigan ko?! Bigyan niyo pa ako ng mahabang pasensya! “Grabe ka Jade. Ganoon ba kami ka-close? Anyway, wala pa akong balak pumasok sa mga relationship. I find it distraction pa kasi. Gusto ko after na ng graduation. Kung makakakita man,” sagot nito. Ngumuso naman ni Jade at sumubo ng lettuce. “Bakit maghahanap ka pa ng iba eh nandiyan naman si Hanna?” sabi nito at mabilis na umiling si Aga. “Naku, hindi pwede. We only see each other as a friend, well best friends rather,” sagot nito. Mabilis na napatingin si jade sa akin at tila ba humihingi ng tawad. Ngumiti na lang ako ng tipid. Pilit pinipigilan ang pagkabasag ng aking puso dahil sa narinig ko. Alam ko naman na ganito ang mangyayari. I know deep inside of my heart na hanggang best friend lang ang tingin niya but still, umasa ako. Umasa ako na magbabago iyon pero narinig ko na mismo sa bibig niya. After namin kumain ay mabilis na nagpaalam si Aga para pumasok sa next subject niya kaya naiwan kami ni Jade sa cafeteria. Halos hindi ko nga maubos ang Carbonara at nasa harapan ko din ang kalahati sa Baked Mac ni Aga. “Friend, sorry. Dapat talaga tumahimik na ako,” sabi ni Jade sa akin. Umiling naman ako. “Okay lang. At least nalaman ko kaagad. Hindi na ako nag-aksaya pa ng lakas ng loob na magtapat sa kanya. Should I confess or not? You should know the answer,” I said. Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Ayaw kong makita ako ni Jade. Ayokong kaawaan niya ako. “Pero friend, hindi ba dapat aminin mo pa din kahit ayaw niya sa’yo? You should do it for yourself instead na para sa kanya? You know, free yourself thing?” sabi niya sa akin. Tumingala ako para mapigilan ang pagluha ko at saka muling ibinalik ang tingin ko sa kanya. “Ano ka ba Jade? Okay lang ako? Mabilis lang naman siguro maglalaho ang feelings ko para sa kanya lalo na’t alam ko na ang magiging sagot. No need to tell him na. Baka lumayo siya ng tuluyan sa akin. Friendship na nga lang ang pinanghahawakan ko,” sagot ko. Tumayo siya at lumipat sa tabi ko at bigla niya akong niyakap. “Sorry talaga friend. Ang daldal ko talaga, nasaktan ka tuloy,” sabi niya. “Ano ka ba? Okay lang ‘yun. ‘Wag mo akong masyadong isipin. Tulungan mo na lang ako ubusin ang Baked Mac na ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD