bc

No Strings Attached

book_age18+
1.7K
FOLLOW
10.4K
READ
friends to lovers
brave
self-improved
CEO
drama
bxg
heavy
campus
office/work place
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

s*x connects two people. It leaves marks on each other souls. But what will you do if you are trap inside a no-strings-attached relationship? Hanna Rolueta is the heiress of Rolueta Industries and Corporation and fell in love with her childhood best friend, Agapito Agato. Under the influence of alcohol, the two decided to have friends with benefits relationship. They decided to become each other’s companions in bed. No feelings involved, no strings attached, just pure s*x and Hanna’s only hope for Agapito. She is hoping that even they start this way, Agapito will learn to love her. Being friends with benefits lasted several months until Hanna could not contain her feelings anymore and finally admitted her feelings to Agapito.

(R-18. Not suitable for very young readers.)

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Everything is ready, Sir Aga,” sabi ng kanyang sekretarya na si Ms. Choi. Tumango naman siya at kinuha na ang kanyang business coat na nakasabit sa kanyang swivel chair. Isinuot na niya ito at maayos na ibinutones. Kinuha niya ang kanyang eyeglass na nakapatong sa kanyang table at isinuot ito. Matapos ang ilang taon ay muli niyang makakaharap ang babaeng naging parte ng kanyang buhay. Ang babae na minsan nagbigay ligaya sa malungkot niyang buhay. Ang nagbigay saya sa wasak niyang puso, ang pilit na bumuo nito pero hindi niya sinuklian ang mga pagsasakripisyo nito. Lumabas na siya ng kanyang opisina at sumunod sa kanya ang secretary niya. Para siyang hari na sinasamba ng kanyang empleyado at kulang na lang ay halikan ang kanyang dinaraanan. Gusto niyang ipakita sa lahat kung sino siya matapos ang ilang taon. Kung gaano na kalayo ang kanyang narating, kung papaano niya inakyat ang hagdanan patungo sa mundo ng negosyo. Paglabas ng kanyang building ay naghihintay na ang kanyang sasakyan. Pinagbuksan pa siya ni Ms. Choi ng pintuan at umupo siya sa backseat samantalang ang kanyang sekretarya ay naupo sa passenger seat. Idini-discuss ni Ms. Choi ang magiging daloy ng meeting nila ngunit kahit isang salita ay walang pumasok sa kanyang isipan. Lumilipad ang kanyang isipan, kinakapa ang dibdib kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakaharap na niya ang babae. Kumusta na kaya siya? May asawa na ba siya? Wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya maliban noong namatay ang mommy niya at maging CEO ng Rolueta Industries and Corporation. “Welcome to Rolueta Industries!” bati ng receptionist sa kanya nang makapasok na siya sa loob ng building ng mga Rolueta. Pinagmasdan niya ang paligid. Wala pa ring pinagbago ang lugar. Ganoon pa din ang ayos ng mga gamit, ang lounge, and halaman sa tabi ng receptionist, ang vase sa isa sa mga table dito, ang pintura ay ganoon pa din. Kahit isa ay walang pinagbago. Ilang taon na ba ang lumipas? Apat na taon na? Wala pa ring pinagbago ang lahat. Tumapat na siya sa elevator at mismong si Ms. Choi ang nagpindot ng button. Habang hinihintay magbukas ay napadako ang tingin niya sa gilid ng elevator button. Doon ay nakita niya ang sticker ng So-En panty na inilagay ng babaeng iyon. Wala sa sarili niya na hamplusin ang sticker na iyon. Hindi makapaniwala na maging nag bagay na ito ay nanatili, walang gumalaw, walang sumira. Tumunog na ang elevator tanda na magbubukas na ito. Nauna siyang pumasok kay Ms. Choi. Hanggang 30th floor ang building ng Rolueta. Nakita niya ang pag-aalinlangan ni Ms. Choi, bakas sa mukha niya na hindi nito alam kung anong button ang pipindutin. “27th floor Ms. Choi. Nandoon ang conference,” sabi niya at tumango naman si Ms. Choi. Pinindot na ni Ms. Choi ang button at naramdaman na nila ang pag-akyat nito. Nasa 16th floor na sila ng huminto ang elevator at bumukas ito. Bumungad sa kanila ang isang lalaki na mukhang foreigner. Nagtama ang paningin nila at halos kilabutan siya ng makita ang berde nitong mga mata. Matangkad ang lalaki at napansin niya ang peklat sa kaliwang bahagi ng mukha nito. Inirapan siya ng lalaki at pumwesto sa harapan niya. Pipindutin sana nito ang 27th button kaso nakita nitong may ilaw kaya hindi na niya itinuloy. Tahimik lamang ang pag-akyat nila. Hindi niya mapigilang isipin na tila may namumuong madilim na awra sa lalaki ng makita niya. Ding! Napabuga siya at sa wakas ay nasa 27th floor na siya. Bumukas na ang elevator at nauna nang lumabas ang lalaki. Siya naman ay lumabas na din at dumeretso sa conference room. Katulad nga ng sinabi niya, wala pa ring pinagbago ang building na ito. Halos alam niya ang pasikot-sikot na para bang likod ng kamay niya. Nang nasa tapat na sila ng conference room ay hindi na niya hinintay pa na pagbuksan siya ng pintuan ni Ms. Choi. Tinatambol ng kaba at pananabik ang dibdib niya at hindi na siya makapaghintay pa. Pagpasok niya ay nakita niya ang isang babae na may kausap sa cellphone nito. Nakatalikod ito sa kanya at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nito. “Yes, honey. I’m coming home tonight so don’t worry,” sabi nito sa kausap nito. Pinagmasdan niya ang babae. Maikli ang buhok nito na hanggang leeg lamang at kulay blonde. Nakasuot ito ng isang pink na blazer at pencil skirt. Balingkinitan ang katawan at kahit nakatalikdo ay sopistika itong tingnan. “Okay honey. Bye!” Hindi na siya makapaghintay pa at tumikhim na siya. Mukhang narinig naman ang pagtikhim niya at lumingon sa kanya ang babae. Para bang may naglagay ng effects sa kanyang paningin dahil tila nagslow-motion ang pag-ikot ng babae. Nang nakaharap na sa kaniya at nagtama ang kanilang mga mata. Ang almond eyes na gustong gusto niya noon ay tila may malalim ng pinagdaanan. “Oh! You’re here. Kanina ka pa ba?” tanong nito sa kanya. Ngumiti siya at umiling. “No, kapapasok ko lang,” sagot niya. “Well, please take a seat Mr. Agato. We will discuss now the terms and condition ng pag-invest mo sa company ko,” sabi nito sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay parang ilog na umagos ang mga alaala sa kanyang isipan. Mga alaala na matagal na niyang ibinaon sa limot pero heto ngayon, naaalala niya ang lahat. Mula sa umpisa, as in noong una silang nagkakilala. Noong sabay silang mag-aral, unang pakikipag-away niya, hanggang sa panahon kung saan unti-unti na siyang nahuhulog sa lalaki. Pinilit niyang ipakita kay Aga na hindi na siya ang dating Hanna na kilala nito noon. Gusto niyang ipakita kung sino si Hanna pagkatapos ng apat na taon. Gusto niyang ipakita ang isang matatag at malakas na Hanna na hinding hindi na magpapaloko sa kanya. “So, ano nagtulak sa iyo upang mag-invest sa company ko?” tanong niya kay Aga. Pinagmasdan niya ang lalaki, masasabi niyang malayo na nga ang narrating nito at alam niyang hinding hindi na niya maabot pa. Sabagay, kahit noon pa man ay hindi ko siya kayang abutin. Noon pa man talagang malayo na siya sa akin. Apat na taon na ang nakalipas. Tama na Hanna.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook