CHAPTER THREE: Hidden Feelings

1231 Words
Hanna Rolueta’s Point of View Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng bintana ko. Ayoko pang gumising kaya ang ginawa ko ay bumaling sa kliwang bahagi ng queen size bed ko at nagtago sa ilalim ng makapal kong kumot. Alam ko naman na dapat na akong tumayo pero ayaw pa ng katawan ko. Napakalakas ng gravity na humahatak sa akin kaya hindi ako makatayo mula sa kama. Tama naman ang sinabi nila, mas malakas ang gravity s aumaga. Lalo na kapag kama mo na ang humahatak sa’yo. Papaano ba naman kasi puyat na puyat ako kagabi dahil sa pagre-review dahil malapit na ang final examination naming. Consistent honor student ako kaya ayaw kong bumagsak. Anak ako ng may-ari ng Rouleta Industries and Corporation tapos bigla akong babagsak. Ayaw kong bigyan ng kahihiyan ang daddy ko. Bigla akong napatingin sa pintuan ko nang may kumatok. I’m sure si Ate Vangie lang iyan. Ganito naman ang palaging routine ng umaga ko. Bihira lang akong tumayo bago pa kumatok si Ate Vangie. “Ma’am? Gising na po! Nasa baba na po si Sir Aga,” sabi nito mula sa kabilang panig ng pinto. Bumuntong hininga ako. I have no choice kung hindi ang tumayo na dahil napakamainipin ni Aga. Ayaw niyang pinaghihintay siya ng matagal. Motto niya kasi ay daig pa daw ng maagap ang masipag. “Opo! Pakisabi maghintay siya!” sigaw ko. Wala na akong narinig pang sagot at nagsimula na akong mag-asikaso ng sarili ko. Bago ako maligo ay inayos ko muna ang kama ko. Aba’y dapat lang hindi ba? Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na nag OJT uniform ko. Isang navy blue na blouse na chinese colar at isang itim na slacks. Sinuklay ko at gumamit pa ako ng blower para matuyo agad ang mahaba at itim kong buhok. Naglagay din ako ng light make-up. Tamang lagay lang ng kilay dahil manipis ang mga kilay ko, pink na blush on at kulay pink na lipstick. Itinali ko sa isang mataas na ponytail ang buhok ko para hindi gaanong sagabal. Pagbaba ko sa dining room ay nandoon na sina Daddy, Mommy at Aga. Nagkakape na sila pero hindi pa kumakain. Agad akong lumapit sa mga magulang ko at ginawaran ng halik sa mga pisngi nila. May mga iba pa akong kapatid pero nasa elementary at highschool pa sila. Ako ang panganay ng Rolueta. Pagdaan ko kay Aga ay agad ko siyang binatukan. Nadinig ko pa ang pag-igik niya at sinamaan niya ako ng tingin. Well, ito lang naman ang way ng greeting ko sa kanya. “Ang tagal mo. Gutom na kami,” sabi niya sa akin at tinaasan ko lang siya ng kilay. “Eh ‘di sana kumain ka na. Nauna ka na,” sagot ko at kumagat na sa hotdog na bagong luto. Tipikal na almusal lang naman ang nasa hapag naming ngayon. Hotdogs, itlog, at fried rice. Napatingin ako sa pinggan ni Aga at as usual ay punong-puno ito ng pagkain. Malakas talaga kumain iyang kaibigan ko pero bukod siyang pinagpala dahil kahit anong lamon niya ay hindi siya tumataba. “Malapit na ang finals niyo, hindi ba?” tanong ni Daddy kaya mabilis kaming tumango ni Aga. “Yes, Dad. After finals ay ilalabas agad nila ang list ng mga ga-graduate and start na ng practice for graduation,” sagot ko at napatango si Daddy. “Mabuti naman kung ganoon. Galingan niyo sa exam para walang gaanong aberya at makatapos na agad kayo,” sabi naman ni Mommy. “Opo naman Tita. Gusto ko na din kasi ang makapagtrabaho,” sagot ni Aga. “Good. Bibigyan agad kita ng work sa company,” sabi ni Daddy. Napatingin kami sa isa’t isa ni Aga dahil alam ko naman na ayaw niya magtrabaho sa amin. Well, he has values to take care of. “Tito sa totoo lang po, ayaw ko po magtrabaho sa inyo,” nahihiyang sabi nito. Napatigil naman ang mga magulang ko at gulat na gulat ang mga mukha nila lalo na si Daddy. “W-why?” Muli akong napatingin kay Aga at napahawak na siya sa kanyang batok. Sign na iyan na kinakabahan siya. “Ano kasi Tito… gusto ko kasing magsimula sa iba. Alam ko kasi ang mga tsismis na umiikot sa Rolueta building. Gusto ko patunayan sa kanila na kaya kong mabuhay ng hindi umaasa sa tulong niyo. Gusto ko po sanang—” hindi na niya natapos nang muling magsalita si Daddy. “I respect your decision Agapito. Naiintindihan ko,” sabi ni Daddy at para namang nabunutan ng tinik si Aga. Nakahinga ito ng maluwag. “Thank you so much po, Tito.” “O sige na, kumain na kayo at baka malate pa kayo.” Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami at sumakay na sa kotse. Binati pa kami ni Mang Ramon—ang aming family driver. Ganito naman palagi ang tagpo tuwing umaga ko. Maagang pupunta sa mansion si Aga tapos sasabay siya sa amin mag-almusal at ihahatid sa St. Mary’s University. Pareho na kaming graduating na. Noong isang linggo ay kakatapos lang ng thesis defense naming at talagang walang tulugan that time. Tapos ngayon ang iisipin na lang naming ay ang final exam. “After ng klase ay dederetso ako sa hotel. May kailangan akong ipapirma sa critic ko,” sabi ni Aga sa akin at tumango naman ako. “Sure. Bale hindi ka na hihintayin ni Mang Ramon?” tanong ko at tumango siya. Ang tinutukoy niya ang ang hotel kung saan siya nag-OJT. Ako kasi ay sa mismong company naming nag-OJT. I even have classmates na doon ko na pinag-OJT. Pagdating naming sa school ay humalik siya sa akin—sa pisngi lang naman. Iyon ang way niya ng pagpapaalam sa akin pero iba ang hatid sa buong pagkatao ko. Kumaway siya sa akin dahil magkaiba kami ng building. Nang mawala na siya sa paningin ko ay napahawak ako sa dibdib ko. Ang simpleng halik niyang iyon ay sapat na upang pakabugin ng malakas ang puso ko. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Kaba, takot, kilig, o saya. Halo-halo na kasi eh. “And someone is getting a kilig hormones!” Napalingon ako at nakita si Jade na nakangising-aso sa akin. She is my classmate at sa Rolueta din siya nag-OJT. “Tigilan mo nga ako,” I said at tumalikod na para pumasok sa building namin. “Asus! Aminin mo na kasi kinikilig ka. I saw that ha. Nakita kong kiniss ka niya sa cheeks! Kahit anong gawin mo Hanna baby, you can not contain those hidden feelings para kay Papa Aga. Super hot nga naman kasi si Papa Aga,” sabi niya at naiiling na lang ako sa kanya. Aside kay Aga ay may isa pa akong friend that is Jade Hortaleza. She is also scholar katulad ni Aga. At alam niya ang sekreto ko. “Manahimik ka nga. Baka may makarinig sa’yo,” suway ko sa kanya. “Kailan mo ba sasabihin ‘yang hidden feelings mo? Sige ka, baka agawan ka. Ang mundo ay isang Quiapo. Maraming snatcher! Maagawan ka! Lumaban ka!” sabi nito at naiiling na lang ako sa kanya. “Nanuod ka na naman ng No Other Woman. Itigil mo na ‘yan. Tara na nga,” I said at pumasok na sa room namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD