Chapter Five: The Graduation

1340 Words
Hanna Rolueta’s Point of View Simula nang marinig ko mula kay Aga ang mga sinabi niya ng araw na iyon ay naging bihira na lang ang pagkikita namin. Siguro dahil na din sa hell week na rin naming. Two days ay finals na kaya todo sunog na kami ng mga kilay. Ang hihirap pa naman ng mga exam na ibinibigay sa amin ng mga professors naming. Tipong iisipin mo kung nasa libro ba ang tanong na iyon o wala. Ibinabaon ko na lang muna sa limot ang mga sinabi niya. Gusto ko lang muna mag-focus sa pag-aaral ngayon. Hindi ako pwedeng bumagsak at hindi maka-graduate. Ayokong mapahiya ang daddy ko. Hangga’t maaari ayaw ko siyang bigyan ng kahihiyan. Hindi naman talaga niya ako pinipilit na magka-honor o magkaroon ng mga matataas na grades. Desisyon ko lang ito dahil nga anak ako ng may-ari ng Rolueta tapos wala man lang akong achievement. Anon a lang ang sasabihin ng mga investors at kasosyo ni Daddy? Papaano ko makukuha ang tiwala nila kung bokya ang academic record ko? “Ma’am?” Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Alam kong si Ate Vangie lang iyon. Napatingin ako sa orasan na nasa study table ko at nakitang pasado alas onse y media na ng gabi. Tumayo ako at binuksan ang pinto at nakita si Ate Vangie na nakapantulog na pero may bitbit na isang tray. Isang baso ng fresh milk at may chicken sandwich pa. “Ate Vangie, ikaw pala,” I said. Pumasok sa loob ang matandang maid namin at ipinatong sa coffee table ko ang tray ng pagkain. “Alam kong nag-aaral ka ng husto pero sana bigyan mo ng break ang sarili mo. Baka magkasakit ka niyan,” sabi niya sa akin. Ngumiti ako at na-touch sa sinabi niya. This is why I love Ate Vangie. Para na siyang pangalawang nanay ko. Bata palang ako nang magsimula siyang manilbihan sa pamilya ko hanggang sa naging head na siya ng mga maids dito. Halos parte na siya ng pamilya naming but still, she respects my parents. “Thank you so much, Ate Vangie. Buti na lang dinalhan mo na ako ng snack kasi balak ko talaga bumaba mamaya,” I said. Ngumiti siya sa akin. “Sige na. Matutulog na din naman ako. If may kailangan ka, katukin mo na lang ang kwarto ko,” sabi niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko. Bago ulit ako magsimulang mag-aral ay kinain ko na kaagad ang sandwich na gawa niya. “Waah! I’m having a brain clot! Brain damage! Comatose na!” sigaw ni Jade sa akin habang nakaupo kami sa botanical garden ng St. Mary’s University. Kakatapos lang namin mag-exam at sa wakas ay kahit papaano makakahinga na kami ng maluwag. Pero after two days pa kasi ilalabas ang results ko kailangan ko pa naming manalig kay Lord! “Feeling ko nagkaroon ako ng mental blackout dahil hindi ko matandaan kung may nabasa ba ako sa librong gan’un. Nakakaloka, feeling ko natuyo ang utak ko,” reklamo ni Jade. Ngumiti lang ako at ibinigay sa kanya ang dala kong orange juice. Habang nakikinig sa mga reklamo sa buhay ni Jade ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bag at nakita ang pangalan ni Aga. He was asking kung nasaan ako kaya I immediately reply to him. Minutes later ay nakita ko na siyang papasok ng botanical garden. “Ay si Papa Aga!” sabi ni Jade kaya mabilis ko siyang siniko. Hinahanap niya kami kaya I raised my hand at kaagad niya kaming nakita. “What’s up? Nakakapanghina ang exam ngayon,” sabi niya. Ngumiti ako sa kanya. Fine, I will be honest. I miss him. “Oo nga eh. Itong Jade na-comatose na daw siya,” I said at tumawa naman si Aga. I miss his voice. Para bang malambing na melody ang boses niya. Damn, am I really in love with him? “We have two days before the result are out. Mukhang kailangan kong lumakad ng nakaluhod sa simbahan ng Quiapo. Kailangan kong makapasa at baka hampasin ako ng dos por dos ng mama ko,” he said at natawa ako. “Naku, sasama ako sa’yo! Kahit mula labas ng simbahan ay luluhod na ako,” sabi ni Jade. “Kumusta ba exam niyo? Ikaw Hanna? Kumusta?” tanong niya sa akin. “Sobrang hirap. Para bang walang balak ang mga professors na ipasa ako,” sagot ko na siyang ikinatawa niya. After two days mula ng final exam ay literal na nag-Quiapo kaming tatlo. As in lumakad kaming nakaluhod mula sa pinto hanggang sa altar. May rosary pa ngang dala si Jade at talagang nakapikit pa. After namin magdasal ay nagpasya kaming kumain sa isang fast food chain malapit doon sa simbahan. Habang kumakain kami ay nagtunugan ang mga cellphone namin. Isang email mula sa school ang natanggap naming at nang mabasa naming ito ay halos umiyak na kami sa tuwa. The emails said that we passed the final test at makakasama na kami sa list of graduates. Kaya after naming kumain ay bumalik kami sa simbahan to thank God for this blessing. The next week come like a gust of the wind. Ang bilis lang parang dati lang nagsusunog kami ng kilay and now ay nagpa-practice na kami ng graduation. After the practice ay kumuha na kami ng aming toga. Ang isa sa mga patunay na magtatapos natalaga kami. Ito na ang sign na nasa end stage na kami ng aming pag-aaral. Then the D-day has come. Pinaayusan talaga ako ni Mommy sa isang stylist at binilhan niya ako ng isang kulay puting dress. Ako ang pinapili niya ng design and I find this dress simple. Ayoko ng masyadong magarbo dahil feeling ko napaka-out of place if I will wear like that. Pagdating naming sa school ay sinalubong kami ni Tita Minerva—ang mama ni Aga. Napatingin ako kay Aga and I am starstruck sa kanyang porma. A simple light blue long sleeve polo-shirt na itinupi ang mga sleeves hanggang sa siko. A black slacks and a leather black shoes. Nakita ko din na gamit niya ang relo na ibinigay ko sa kanya noongv birthday niya two years ago. “Minerva! Sa wakas nakatapos din ang mga bata!” sabi ni Dad at bumeso kay Tita Minerva. “Sa awa ng Panginoon, Sir,” sabi ni Tita. “Makakatulong na din sa pamilya Tito,” sabi naman ni Aga. Marami pa silang pinag-usapan ni Tita hanggang sa tinawag na ang mga graduates. We march, we bow in front of the people, we shake hands with the dean or whoever is that. We sing the school’s hym, we sing our graduation song. The Climb pa ni Miley Cyrus ang napili ng admin na kantahin naming. Pwede namang Breakaway ni Kelly Clarkson. Kidding aside ay tinawag na ang mga achievers ngayong taon. Me and Aga are both achievers. I am the Summa c*m Laude and Aga is the Magna c*m Laude. I forgot to tell you that Jade is our c*m Laude. After the ceremony ay nagkayayaan na mag-lunch sa isang fine dining restaurant. Tita Minerva and Aga keep on refusing but Dad is very persistent. Kaya walang nagawa ang mag-ina kung hindi ang sumama sa amin. “Sabi ni Aga ay ayaw niyang magtrabaho sa company,” sabi ni Dad at napatingin si Tita Minerva kay Aga. “Really? Why?” tanong ni Tita na mukhang walang alam sa plano ni Aga. “Ma, HRM naman ang tinapos kong course. I don’t think fit ako sa Rolueta besides I want to start sa ibang company. Ayoko ulit magkaroon ng tsismis,” sagot ni Aga. “Rolueta owns a hotel and restaurants, Aga,” sabi ni Dad. Bigla namang hinawakan ni Mommy ang balikat ni Daddy at umiling. “Honey, let us respect Aga’s decision. Okay? Kung makakatulong iyon sa growth niya, then who we are to interfere?” sabi ni Mommy at ngumiti si Aga. “Thank you so much, Tita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD