Agapito Agato’s Point of View
“Good morning, senpai!” Napatingin ako sa bago naming empleyada. Nakangiti siya sa akin at mukhang full of energy na siya kahit umaga palang. Ito ang unang araw ng bago naming cashier at waitress na si Mathet Lumiwanag. Ngayong napapaisip ako na bagay na bagay pala sa kanya surname niya. I find it na nagbibigay nga siya ng liwanag sa ambiance ng resto.
“Good morning,” bati ko pabalik sa kanya. Kinuha ko ang uniform niya sa aking opisina at ibinigay sa kanya. Ganoon pa din naman ang design ng mga uniform naming. Wala na akong balak pang palitan ito.
“Thank you!” sabi niya at pumasok na sa loob ng locker room para sa mga babae. Ilang sandali lang ay lumabas na siya at para akong nakakita ng isang anghel. Bagay na bagay sa kanya ang kulay maroon. Umangat ang kulay ng kanyang balat at mas lalo pang dumagdag dahil sa kulay pula niyang lipstick.
“Senpai? Hello?” Napakurap ako dahil sa pagtawag niya.
“A-ano?”
“Bagay ba? Pasensya ka pala if feeling close ako sa’yo, senpai. Ganito lang talaga ako. Friendly talaga ang nature ko. Hindi kasi ako tulad ng ibang tao na tahimik lang,” paliwanag niya at tumango naman.
“I like your personality. Isa ‘yan sa key bilang cashier and waitress dito,” sagot ko na lang. Sinimulan ko nang ipaliwanag sa kanya ang mga pasikot-sikot ng Steak and Go. Mukhang alam naman na din niya dahil katulad ng sinabi niya ay may mga work experience na siya sa ibang fast food chains at coffee shops.
Sa buong unang araw niya sa Steak and Go ay naging smooth lamang. Hindi ko siya nakitaan ng pagiging palpak unlike noong unang araw ko dito. Kapag naiisip ko, siguro masyadong mahaba ang pasensya ni Manager Lanie at Jerome sa akin noon. The whole time na nagtatrabaho siya ay hindi nawala ang matamis niyang ngiti.
Hindi ko alam pero I find her interesting. Hindi naman ako dati ganito pero mula noong makita ko siyang pumasok sa opisina ko ay parang may mali na sa akin.
“Welcome to Steak and Go! Here’s our menu,” sabi ko habang ibinibigay sa dalawang kapapasok lang na customer. Parehong lalaki ang pumasok at mukhang mga business man.
“This is our first time here. Can you suggest what is your best selling here?” sabi sa akin at ngumiti naman ako.
“What do you want? Do you want only ala cart meals or a full course meal?” tanong ko.
“Can we have a full course meal, please?” sabi ng kasama nito at tumango naman ako. Itinuro ko sa kanila ang full course meal na nasa menu at nagkasundo sila na iyon ang oorderin nila.
Mabilis ko itong isinulat sa notepad at ibinigay sa kitchen.
“Mukhang mayaman ang dalawang iyon. Papasang sugar daddy,” sabi ni Mathet habang nakatanaw mula sa counter.
“Hoy, ‘wag kang magsalita ng ganyan. They are our customers,” suway ko sa kanya.
***
“Thank you, sir. Please come again,” sabi ni Mathet sa dalawang lalaking customer namin. Ibinalik na niya ang card ng isa sa mga ito pero hindi pa umaalis ang dalawa. “Anything else, sir?” tanong ni Mathet at ngumiti ang isa.
“Are you single? Can I have your number? I find you sexy the moment we enter this restaurant,” sabi nito at dito ko na nakita ang pagiging alanganin ni Mathet.
“I’m sorry but that question is out of line,” sabi ni Mathet.
“Come on, just give me your number okay?” pamimilit pa nito. Dito na ako nagpasyang pumagitna sa dalawang customers at kay Mathet.
“Excuse me sir. Can you please leave our resto already? Please stop harassing my employee. If you don’t stop, I will call the security or worst the police,” sabi ko at itinaas naman nila ang kanilang mga kamay na para bang sumusuko na. Tumalikod na sila at lumabas ng resto. Tiningnan ko si Mathet at mukhang nakahinga siya ng malalim. Ngumiti siya sa akin at nakita ko ang takot sa mga mata niya.
“Thank you, senpai,” sabi niya.
“Lokong mga customer na ‘yun. Ang babastos nila. Walang pinipili ang pagiging bastos nila. Tandaan mo na I will not allow in this resto that kind of customers,” sabi ko.
“Maasahan ka talaga, senpai,” sabi niya at parang tumigil ang mundo ko. She give me a peck on my cheeks. Napahawak ako sa dibdib ko at daig ko pa ang tumakbo ng five-meter dash.
“Hanna, may sasabihin ako sa’yo,” I said sa bestfriend ko. Kasalukuyan kaming nasa garden ng mansyon nila. Day off ko at si Justine na muna ang bahala sa Stake and Go.
“Ano naman ‘yun?” tanong niya sa akin. Tinitigan ko siyang maiigi. Medyo abala siya sa kanyang cellphone at mukhang may binabasang mga emails. Nang mapansin niyang hindi ako nagsasalita ay tumigil siya at tumingin sa akin. “Ano? Najejebs ka ba? Alam mo naman kung nasaan ang banyo,” sabi niya at natawa ako.
“Tangek! Hindi! Pero ito seryoso na talaga,” I said at hinihintay akong magsalita. “I think I’m in love,” sabi ko.
“W-what?” sabi niya at nauutal pa.
“I said, I think I’m in love,” pag-uulit ko.
“K-kanino?”
“Sa empleyada ko. Si Mathet. I think in love ako sa kanya,” sabi ko at nadinig kong humugot siya ng malalim na hininga. Tinitigan ko siyang mabuti at nakita kong medyo teary-eyed siya. “Naluluha ka ba?” tanong ko at mabilis niyang pinunasan ito at umiling. “Bakit ka umiiyak?”
“W-wala. Masaya lang ako para sa’yo. Sa wakas ay in love ka na din!” sabi niya sa akin. “Papaano mo nasabi na in love ka sa kanya?”
“At first interested ako sa kanya. Kakaiba kasi ang personality niya. Super friendly niya. I also like how she calls me senpai. Limang buwan na siya sa Steak and Go at mula nang pumasok siya ay pakiramdam ko, hindi kumpleto araw ko kapag hindi siya nakikita. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito,” I said.
“Naku ang bestfriend ko, binata na talaga!” sabi niya at pinalo pa ako sa balikat. “Will you pursue her?” tanong niya.
“Maybe if she let me?”
“Alam ba niya feelings mo?” Mabilis akong umiling.
“Hindi pa. I want to make sure muna na talagang in love ako sa kanya.”