Agapito Agato’s Point of View
“What?! Manager ka na?!” Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Hanna sa akin. Pagkauwi kasi ay agad ko siyang tinawagan. I’m sure naman na gising pa siya dahil may presentation siyang agagwin sa company nila. Hindi ko lang kasi matiis na hindi agad sabihin sa kanya. Kanina nga na habang naglalakad ako pauwi ay pakiramdam ko nasa ulap ako. Naglalakad akong nakangiti at tumatalon pa sa tuwa.
Hindi ko talaga inaasahan na ganito ang mangyayari. Kuntento naman ako sa position ko ngayon, hindi pa naman ako naghahangad ng husto lalo pa’t tatlong taon palang ako sa Steak and Go pero grabe si Manager Lanie. Na-promote agada ko. Magsisimba talaga ako sa Quiapo sa darating na linggo.
“Grabe makasigaw Hanna. Relax lang,” sabi ko at narinig ko naman siyang huminga ng malalim. Kinakalma ang sarili. “Okay ka na?” tanong ko.
“Oo. Okay na ako,” sagot niya and I imagine na tumatango pa siya. Sinimulan ko ng ikwento sa kanya ang mga nangyari at kung papaano ako naging manager. Well, siyempre hindi ko naman sinabi about sa kissing scene nila Manager Lanie at Jerome. Hindi naman kasi ako tsismoso na sasabihin kung ano talaga ang mga nakita.
“Ah okay! Mag-aabroad kaya mawawalan ng manager at dahil ikaw ang matagal doon, kaya ikaw ang prinomote,” sabi niya sa akin.
“Yeah. Ganyan nga ang nangyari,” sagot ko.
“I’m happy for you, Aga! Masipag ka kasi kaya ibinigay sa iyo ‘yan. ‘Wag kang makakalimot magpasalamat sa Diyos,” sabi niya sa akin. Napangiti naman ako.
“I know. Kaya samahan mo akong magsimba sa Quiapo this coming Sunday,” sagot ko.
“Oo naman. Then i-celebrate natin ‘yan. Kain tayo!”
Pagdating ng Linggo ay sinundo ko siya sa kanila at inihatid kami ng driver nila na si Mang Ramon sa simbahan ng Quiapo. Gusto pa sana kaming hintayin kaso nagsabi na si Hanna na sunduin na lang kami mamayang hapon. Nagsimula na ang misa at talaga namang nagpasalamat ako sa Poong Maykapal dail sa mga walang katapusang blessings niya. Pagkatapos ng misa ay nagpunta kami sa isang mall at kumain kami sa isang eat-all-you can restaurant. Puro lutong bahay ang inihahain dito kaya gustong-gusto naming ni Hanna.
“Kumusta sa Rolueta? Kumusta ang trabaho mo?” tanong ko at sumubo ng pagkain. Nilunok naman muna niya ang kinakain niya bago ako sinagot.
“Nakapag-close ako ng deal sa isang investor. Ang project ko kasi ay isang green condominium,” sagot niya sa akin. Medyo napakunot ang noo ko. Hindi ko kasi gets ang ibig sabihin niya sa project niya.
“Green condominium?” Tumango naman siya.
“Yup! Isang condominium na may indoor and outdoor garden. Karamihan kasi ng mga nakita kong condo buildings ay pure building lang talaga. I’m sure na papatok ang project ko lalong lalo na sa mga environmental enthusiast,” sagot niya sa akin.
“Ipag-pray natin na maging successful ang project mo.”
“What? Bakit ka aalis?” tanong ko kay Lilybeth—ang isa sa mga waitress na empleyado ng Steak and Go. Limang buwan na ang nakalipas mula ng umalis sa bansa para mag-settle sina Manager Lanie at Jerome sa ibang bansa. Limang buwan na din mula ng maging manager ako. Sa una ay ayos lang naman. Ngayon na nagpapaalam na sa akin ang isa sa mga empleyado ay medyo alam ko na ang hirap ni Manager Lanie.
“Sir Aga, gusto ko na po kasing mag-focus sap ag-aaral ko. Hindi ko na po kasi kayang pagsabayin ang trabaho at studies,” sagot niya sa akin. Mahirap ito. Mahirap kapag kulang sa tao ang resto lalo na kapag peak hours. Lalo pa’t siya ang aalis dahil siya ang madalas na nasa counter.
“Ano bang schedule mo? Baka pwedeng ilipat na lang kita ng ibang sched para swak sa klase mo,” sagot ko pero umiling lang siya sa akin.
“Sir, sorry po pero hindi na po talaga muna ako magtatrabaho. Mag-aaral lang po talaga ako ngayon,” sagot niya sa akin. Bumuntong hininga ako. Wala naman na akong magagawa kung ayaw talaga nila. Choice naman nila ‘yan. Hindi naman ako ang nagpaalis sa kanila.
Bago natapos ang araw ay nagpaskil ako ng job hiring sa gilid ng glass wall ng resto. Umaasa ako, na katulad ko noon ay makita ito dahil kulang na kulang kami ngayon sa empleyado.
Alas nuebe na ng gabi ay kakaunti na lang ang mga customers. Sila na ang last customers naming for this night at medyo kahit papaano ay gumagaan na ang trabaho. Napatingin ako sa pinto dahil bumukas ito at tumunog ang bell. Mabilis na lumapit ang isa sa mga waiter at sinalubong ang isang babae. Ilang sandali lang ay lumapit sa akin ang waiter na si Justine at bumulong.
“Sir, mag-apply daw siya,” sabi niya sa akin. Napalaki ang mga mata ko at tumango.
“Uhatid mo sa opisina ko,” sagot ko at pumunta na sa opisina ko. Inayos ko pa ang hitsura ko at ilang sandali lang ay kumatok na sila at bumukas ang pinto. Hindi ko alam pero para bang may anghel na pumasok sa loob ng opisina ko. Para bang nagliwanag ang paligid lalo nan ang ngumiti sa akin ang babae. Matangkad, balingkinitan, at maikli ang buhok. Umaabot lang sa ibabaw ng balikat nito ang buhok niya.
“P-please come in,” sabi ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa bigla kong pagkautal.
“Good evening, sir! I am Mathet Lumiwanag! Nakita ko po kasi ang paskil niyo na hiring kayo para sa waitress position. Baka po pwede ako. I have experience sa pagiging cashier sa isang fast food. May experience din po ako sa isang coffee shop. Please po sana matanggap niyo po ako. I will do my best po!” sunod-sunod na sabi niya. Nagkatinginan kami ni Justine at mukhang nawiwirduhan siya sa babae but for me? I find it cute.
“Okay, you’re hired,” sabi ko at nanlaki naman ang mga mata niya.
“Talaga po? Yes!” sabi niya at tumalon-talon pa. “Thank you, senpai!”
Nagsalubong naman ang kilay ko.
“Senpai?” tanong ko. Tumigil siya sa pagtalon at ngumiti sa akin.
“I know you’re older than me tapos manager ka pa. Kaya senpai kita!” paliwanag niya sa akin. Napatingin ako kay Justine na naiiling at tumalikod na. Ngumiti naman ako.
“Yeah. I am your senpai.”