Hanna Rolueta’s Point of View “At first interested ako sa kanya. Kakaiba kasi ang personality niya. Super friendly niya. I also like how she calls me senpai. Limang buwan na siya sa Steak and Go at mula nang pumasok siya ay pakiramdam ko, hindi kumpleto araw ko kapag hindi siya nakikita. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito.” That words are so sharp that it pierces my poor heart. Habang sinasabi niya sa akin ang mga iyan ay hindi mapatid ang ngiti sa labi niya. I never made Aga smiles like that. Ako na ang tagal na niyang kasama. Mula pagkabata hanggang sa lumaki na kami ay hindi niya makita ang nararamdaman ko para sa kanya. Samantalang ang babaeng iyon, ilang buwan palang silang magkakilala, magkatrabaho lang ay sasabihin niyang in love na siya doon. Ano nga bang mayroon na wala ako?