CHAPTER TWO: So-en Panty

1060 Words
“Aga, nasaan ka na?” tanong ni Hanna habang nasa loob ng isang cubicle sa loob ng building nila. “Nandito na sa loobng store. Ano bang kukunin ko, with wings ba o wala?” tanong nito. “Wala, ‘yung non-wings. Ayoko ng may wings. Tapos ibili mo ako ng panty!” sabi niya at nailayo niya ang kanyang cellphone ng sumigaw ito sa kabilang linya. “Ha?!” “Sige na please. Hindi na magagamit itong suot ko ngayon kasi super bloody na! Please! Size medium lang,” she said at in-end call na niya nag tawag. Napahilamos na lang siya ng kanyang mukha at napasandal. Hindi naman kasi niya akalaing dadatnan siya ng buwanang dalaw ngayong araw. Alam naman niya ang kanyang mali. Bilang babae dapat handa siya sa mga ganitong bagay pero hindi niya nagawa. “Hanna?” Napaangat ang kanyang ulo ng marinig ang boses ni Aga. “Aga! Dito sad ulo!” sigaw niya. Narinig niya ang mabilis at mabigat na yabag nito papalapit kung nasaan siya. “Ito na o. Bilisan mo baka may biglang pumasok! Kuyugin ako dito ng mga empleyada,” sabi ni Aga at inilusot sa ilalim ang isang plastic. Agad niya itong kinuha at binuksan. Napabuntong hininga siya ng makita ang alam. “Thank you, Aga! Life saver ka talaga!” sigaw niya. Hindi na nagsalita pa si Aga at narinig na lang niya ang pagsara ng pinto ng rest room. Inayos na niya ang sarili niya. Natawa pa siya dahil sa binili nitong panty na So-En at kulay dilaw na bulaklakin ang disenyo. Paglabas niya ay naghihintay sa tabi ng rest room ang kaibigan niyang si Agapito Agato o mas kilala bilang Aga. Pinagmasdan niya ang kanyang kaibigan. Nakasuot lamang ito ng simpleng polo shirt na kulay puti at maong pants na pinaresan ng puting rubber shoes na ibinigay niya noong nakaraang pasko. Simple lang ang porma nito pero para sa kanya at dinaig n anito ang mga models na napapanuod siya sa runway. “Okay ka na?” tanong nito sa kanya. Napakurap siya bago tumango. “Ah oo. Maraming salamat!” sabi niya at ipinakita ang sticker ng So-En sa kanyang daliri. Napataas naman ang kilay ni Aga dahil dito. “Anong gagawin mo diyan? Bakit hindi mo pa itapon?” tanong sa kanya at ngumiti lang siya. “Ito ang unang panty na binili mo sa akin. I will just treasure this,” sagot niya at nauna ng maglakad. Lumingon siya sa likuran at nakitang sumunod na sa kanya si Aga. Sabay na silang tumapat sa elevator. Dito niya naisip na idikit ang sticker ng So-En panty sa tabi ng elevator button. “Hoy! Bakit mo dinikit iyam?!” suway sa kanya ni Aga at ngumiti lang siya. “Para maalala ko agad na binilhan mo ako ng panty,” sagot niya. May dumaang utility worker sa likuran nila kaya tinawag niya ito. “Manang Fe! Huwag niyo pong tatanggalin ito ah. Pakisabi sa mga kasama mo po,” sabi niya habang itinuturo ang sticker. “Oo naman hija, walang problema,” sagot sa kanya at tuluyan ng umalis. Napailing na lamang si Aga sa ginawa ng kaibigan. Bakit pa nga ba siya magtataka? Ganito talaga ang kanyang kaibigan. Kahit nga ang kulangot nito sa bench sa school noong elementary sila ay magpahanggang ngayon ay nandoon pa din. Nang tumunog ang elevator ay sabay silang pumasok at si Aga na ang nagpindot ng 30th floor. Ang 30th floor ay exclusibo lamang sa kanilang dalawa. Ibinigay sa kanila ng kanyang daddy ang floor na ito upang dito na sila mag-aral o tumambay. Hanggang ngayon kasi sa edad niyang 23 years old ay hindi pa siya binibigyan ng sariling condo unit. Matagal na niyang sinasabihan at hinihiling iyon sa kanyang ama ngunit hindi siya pinagbibigyan. Pagdating nila sa 30th floor ay bumungad sa kanila ang magandang tanawin na hatid ng siyudad. Papalubog na din ang araw at nagkulay kahel ang kalangitan. Pabagsak na nahiga sa couch si Hanna habang si Aga naman ay nagtungo sa ref para kumuha ng maiinom. Kumuha siya ng dalawang Welsh Soda at ibinigay kay Hanna ang strawberry flavor nito. Agad namang tinanggap ito ni Hanna at binuksan. Inisang lagok ni Hanna ang soda at naghatid ito ng kakaibang sarap sa kanyang lalamunan. “Hanna,” tawag sa kanya ni Aga. “Ano?” “Anong plano mo pagkagraduate mo?” tanong sa kanya. Ipinatong niya ang lata ng soda sa center table at muling nahiga. Tinitignan ang ganda ng siyudad. “After grad? Malamang dito sa building. CEO to be ako eh. Ikaw ba?” “Mag-aapply ako sa mga restaurants,” sagot sa kanya. “Eh di sa restaurant ka na lang ni mommy. Masarap ka naman magluto,” sabi niya at nakita niya ang pag-iling ni Aga sa kanya. “Ayoko, Hanna. Gusto kong magtrabaho sa mga resto na walang kinalaman sa business niyo. Ayokong sabihin ng mga tao na kaya ako nakapasok ay dahil sa impluwensya niyo, ng pamilya niyo. Gusto kong patunayan sa mga taong iyon na kaya kong magtrabaho na wala ang impluwensya ng mga Rolueta,” paliwanag ni Aga sa kanila. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa paligid nila. Na kesyo pinaperahan sila ng pamilya ni Aga, kaya napromote ang mama ni Aga sa company nila. Na anak daw ng daddy niya sa labas ang kaibigan niya. Pero hinahayaan lamang nila ito, ang katwiran nilang magkaibigan ay alam nila ang totoo. Alam nila kung sino talaga si Aga. “Okay, ikaw bahala. Hindi naman kita pipilitin,” sabi niya at tumayo na. Kinuha niya ang mga gamit niya at nagsimula ng gawin ang kanyang thesis. Nasa huling taon na sila ng kanilang kolehiyo. Isang business management student si Hanna at si Aga naman ay isang Hotel and Reataurant Management student. Si Hanna ang nakatakdang maging tagapagmana ng Rouleta Industries and Corporation. Kaya kapag nakagraduate na siya ay isasabak na siya ng kanyang ama sa training. Training upang malaman kung ano-ano angpasikot-sikot ng kompanya. Kung sino-sino ang dapat pagkatiwalaan o hindi. “Hanna, gusto kong magkaroon ng sariling negosyo,” sabi ni Aga at napatingin naman siya sa binata. “Well, magsikap ka. Mag-ipon ka para makapagpatayo ka ng sarili mong kompanya at maging kalaban ka ng Rolueta.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD