“Daddy, kailan ako magiging dalaga?” tanong ni Hanna. Tumigil naman sa pagbabasa ng mga documents ang kanyang ama atv natatawang tiningnan siya. Ngumuso naman siya dahil bigla na lamang itong tumawa sa kanya.
“Daddy!” sigaw niya. Tumayo ang kanyang ama at nilapitan siya. Binuhat siya ng kanyang ama at niyakap.
“Bakit anak, gusto mon a maging dalaga?” tanong sa kanya ng ama at tumango naman siya.
“Oo, Daddy. Kasi sabi ng mga classmates ko na puwede na mag-boyfriend kapag dalaga na. Kaya gusto ko na maging dalaga,” sagot niya at nanlaki naman ang mga mata ng kanyang daddy.
“Boyfriend?! Bawal kang mag-boyfriend! Hindi pa time!”
“Kasi bata pa ako?” tanong niya.
“Kahit dalaga ka na, bawal pa din.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng daddy niya. Ngumuso siya at hinawakan ang necktie nito.
“Daddy why? Why ako makipag-boyfriend? Ano bai yon daddy? Is it a bad thing?” sunod-sunod na tanong niya.
“Anak, Hanna, you’re too young to know that stuff. Maiintindihan mo iyon kapag malaki ka na. Okay?” wala na siyang nagawa pa at tumango na lang sa kanyang daddy. Ibinaba na siya at hinawakan ang kanyang kamay.
“Do you want ice cream? I know some place na masarap ang ice cream.” Nang marinig niya ito ay nagtatalon-talon siya sa tuwa. Isang tipikal na gawi para sa isang pitong taong gulang na bata.
“Yes! Yes! I want double dutch! I want rocky road!” sabi niya at patuloy pa din sa pagtalon.
“Okay okay! You can have anything, just don’t tell your mom,” sabi sa kanya at tumango-tango naman siya.
“Yes! I will never tell her this!”
Lumabas na sila ng opisina ng kanyang daddy at patakbo siyang tumungo sa elevator. Ngunit sa kanyang pagtakbo ay may nakabangga naman siyang isa pang bata.
“Aga!”
“Hanna!”
Sabay silang natumba ng bata. Agad siyang napahawak sa kanyang noo dahil tumama ito sa noo ng nakabangga niyang bata. Agad siyang nilapitan ng kanyang daddy at itinayo.
“Are you okay, Hanna?” tanong sa kanya ng daddy niya at tumango naman siya kahit hawak pa rin niya ang noo niya.
“Oh my God! I’m so sorry sir!” sabi ng isang babae, Tiningnan niya ang babae at hawak na nito sa braso ang bata. Isang batang lalaki. Hawak din nito ang noo at halata sa mukha nito ang sakit na nadarama.
“Anak mo ba iyan, Miss Agapito?” tanong ng daddy niya at dahan-dahang tumango ang babae.
“I’m sorry, Sir. Alam ko pang bawal ang bata dito sa office pero no choice po ako dahil walang magbabantay sa anak ko,” paliwanag ng babae o si Miss Theresa Agato, isa sa mga secretary ng board member ng company.
Tinitigan ni Hanna ang batang lalaki. Nang magtama ang kanilang mga paningin ay agad itong yumuko. Nilapitan niya ang bata at umatras naman ito at nagtago sa likod ng ina nito.
“B-bakit?” utal nitong tanong sa kanya.
“Do you want ice cream? Kakain kami ng ice cream ni Daddy. Why don’t you join us?” sabi niya. Nabigla naman ang batang lalaki. Hinawakan ng ina ang batang lalaki at yumuko sa kanya.
“Naku miss, ayaw naming makaistorbo sa inyo ni Sir,” sabi ng nanay nito.
“Miss Agapito, why don’t you join us. My daughter wants to know your son.”
Wala ng nagawa pa si Miss Agato at sumunod na sa kanyang boss. Pinasakay pa sila sa limousine nito. Halos ipitin na niya ang kanyang anak dahil malikot ito. Takot siyang makasira ng gamit sa loob at talaga namang wala siyang maipapambayad.
“Miss Agapito, just relax. Nothing to afraid off. I maybe a terror boss when it comes to work pero kapag sa labas naman ay mukha akong anghel,” sabi ng kanyang boss.
“Daddy, mukha ka lang anghel kapag tulog ka,” sagot naman ni Hanna at nanlaki ang mga mat ani Miss Agapito ng marinig niya ito.
“Hanna! Even when I’m awake, I still look like an angel,” giit ng kanyang boss.
Lumapit si Hanna sa batang lalaki at umupo sa tabi nito.
“What’s your name?” tanong niya. Ilang minuto muna ang lumipas bago ito sumagot.
“Agapito,” sagot nito. Nang marinig niya ang sagot ng batang lalaki ay kumunot nag noo niya.
“Ha? Pito? Hindi ba number seven iyon?” at pinakita pa niya ang pitong daliri niya.
“Hindi pito! A-ga-pi-to!” sagot nito sa kanya at tumango naman siya.
“Miss Hanna, puwede mo siyang tawagin na Aga. Nickname niya iyon,” sabi ni Miss Agato.
“Okay! Hello Aga! I am Hanna Rolueta! Nice meeting you! Let’s be friends!” sigaw niya at nilahad ang kamay at malugod naman itong tinanggap ng batang si Aga.
Sa isang kilalang ice cream parlor sila nagtungo at nagpasalamat naman si Miss Agato sa panlilibre sa kanila ng CEO. Umorder si Hanna ng isang double dutch at rocky road samantalang kay Aga naman ay simpleng chocolate ice cream lang. Sa mga matatanda ay simpleng milk shakes ang kinuha nila.
Halos lumiyad sa sarap si Hanna dahil sa sarap na hatid ng ice cream. Hindi niya napapansin na tinititigan siya ni Aga at napailing ang bata dahil sa pagkaweird niya.
“Aga,” tawag niya.
“Hmm?” sumubo ng malaki si Aga at napapikit dahil sa lamig. Tinapik-tapik pa niya ang kanyang ulo dahil nakaramdam siya ng brain freeze.
“Friends na tayo ah,” sabi ni Hanna. Tumingin siya sa bat ana nakangiti at kita niya ang umaasang mata nito.
Tumango siya bilang sagot.
“Okay. Friends na tayo.”
Simula ng araw na iyon ay hindi na maipaghiwalay ang dalawang bata. Tuwing weekends ay pinapapunta si Aga sa mansyon ng mga Rolueta. Doon ay nakilala niya ang iba pang kapatid ni Hanna. Tuwing may event sa company ay lagi silang present. Natutuwa ang CEO ng Rolueta dahil sa wakas ay may tunay na kaibigang masasandalan ang kanyang anak.
Alam niyang may poprotekta na sa anak niya akapg wala siya sa paligid nito.
Alam niyang mabait na bata si Agapito kaya nagustuhan ito ng kanyang anak para maging kaibigan. Dama ng anak niya ang pagiging totoo nito sa kanila, hindi tulad ng iba na kaya kinakaibigan ang kanyang anak ay dahil sa kanilang yaman at negosyo.