Hanna Rolueta’s Point of View Ilang oras ang lumipas mula ng maisugod sa ospital si Daddy. Kanina lang ay dinig ko ang paghagulgol ni Lira at dama ko ang masasamang tingin ni Miguel. Alam ko naman na galit sila sa akin. Kung hindi naman dahil sa akin ay hindi mangyayari iyon kay Daddy. Pero siguro nga ay likas na matigas ang ulo ko dahil hindi ako mapakali. I tracked Mom’s phone at nakita kong nasa St. Benedict Hospital siya at hindi na ako nagdalawang isip na sundan sila doon. Nakiusap ako sa driver namin na ihatid ako sa St. Benedict Hospital at mabilis naman siyang sumag-ayon sa akin. Pagdating ko doon ay nakita ko si Mommy sa ER na umiiyak. Dito ko nakita nan ire-revive si Daddy ng mga nurses at doktor. “M-mommy…” tawag ko sa kanya. Lumingon sa akin si Mommy at kita ko ang nag-a